CHAPTER 5
AKIRA'S P. O. V
" It's you again?! " sabi nung kuya.
" Huh? Sino po kayo? " sabi ko kasi nakashades siya kaya hindi ko mamukhaan.
"Ganun na ba talaga ako ka gwapo para makalimutan mo kung sino ako? " sabi niya sabay tanggal ng shades.
Pagkatanggal niya ay nanlaki ang mga singkit kong mga mata.
'Diba ito yung lalaking nagkabunguan ko nung kahapon? Sino ba ito? Si s-si Wain pala ito! Oo si wain. Oo nga pala mgiging slave niya ako bukas. Aishhh! '
" Oh hi wain ikaw pala yan! Hindi kasi agad kita nakilala eh sowreyy. " sabi ko.
" Nah . It's okay. " sabi niya na ikinagulat ko. Bakit bigla itong bumait?
" But in one condition." dagdag niya okay na sana eh Huhuhu Xoxad :<.
" Ayy okay na sana eh :"< . Oh ano yun? " sabi ko.
" Sasamahan mo akong bumili ng gamit ko pero pagkatapos umalis kana. " sabi niya na ikinagulat ko.
" Aayaw ka pa ba? " sabi pa niya.
" Ahh hindi hindi . Sige Sasamahan kita. " sabi ko baka kasi dagdagan pa niya ang ipapagawa saakin mahirap na tamad pa naman ako. LOL
" Sige tara na. " sabi niya sabay pasok namin sa NBS at dumeretsong notebook section.
Kumuha ako ng push kart at sinundan ko siya.
" Ibalik mo yang kart ." sabi niya habang namimili ng binder. Napakunot naman ang noo ko.
"Huh? " sabi ko.
" Basta ibalik mo nalang ." siya.
Kaya dali dali kong binalik ang kart at bumalik sakanya.
Pagkarating ko ay inabot agad niya saakin ang tatlong binder at refill ng binder. Nagtaka naman ako.
" Ikaw mismo ang magiging kart ko. " sabi niya sabay smirk. Shet anggwapo niya magsmirk.
⊙_⊙
What did I say?
Erase erase. Nevermind.
" Ah sige. " sabi ko nalang. Kahit labag sa kalooban ko pero go lang hindi naman kasi ako makatanggi sa nilalang na ito. Ni nanay at tatay ko nga never pa nila akong inutusan or pinagtrabaho. Hays nga naman oh! Iba epekto ng lalaking ito saakin ah. Hayss ano ba yang pinagsasabi ko. Gutom lang siguro to.
" Ahh Wain! Matagal pa ba ?" tanong ko habang kinukuha ang mga inaabot niya saakin yung mga pinipili niya .
" Bakit parang nagmamadali ka? " tanong niya.
" Gutom na kasi ako. Hindi pa ako nag brebreakfast. " sabi ko
" Oo nga pala hindi rin ako nakapag breakfast. Sabay nalang tayo bibilisan ko nalang to. " sabi niya.
"Sige. " sabi ko.
Pagkatapos niyang bumili ay pumunta na kaming counter at pumila. Habang pumipila kami ay ---
" Master! Nakabili kana agad? Angbilis mo naman? " sabi nung naka Blue ng damit na gwapo rin. Base sa itsura niya parang ka age lang kami mga nasa 17-18 siya.
" Oo. Sa sobrang takaw mo hindi mo na namalayan ang oras! Quarter to ten na uy!" sabi ni Wain sabay batok sa lalaking naka blue.
"Aray naman master!" reklamo ng naka blue.
.
" Alam mo master umorder ulit yan ng 2 box ng Krispy Kreme tapos frappe. " sabi naman nung naka black.
" Oo master! Hindi pa nga yan nagshare eh sinolo niya lahat! Ang selfish! " sabi naman ng naka Gray.
Tapos may tumawa namang isa sa gilid nung naka blue. Tropa niya siguro ang mga ito. At halos magkakaage lang kami at infairness ang gwapo nilang lahat.
" Ah by the way master. Sino yang babae diyan sa tabi mo? " sabi nung naka black.
" Ahh si Akira. Akira Miana Gonzales. Akira meet my friends. This is Josh Evans ." sabi niya sa tumawa kanina.
"Hi Akira! Nice meeting you. " sabi nung Josh at nakipagshake hands kaya tinaggap ko din ang kamay niya. Nagulat pa ako nang halikan niya ito. At mas ikinagulat ko nang tapikin ni Wain and kamay naming dalawa ni Josh dahilan para maalis sa isa't isa ang mga kamay namin.
" Ahh sorry. " sabi ni Josh sabay kamot ng ulo.
" It's okay. " sabi ko sabay ngiti.
" Ito naman si Xander Clinton. " sabi niya sa naka black.
" I'm glad to meet you Ms. Akira. " sabi ni Xander daw.
" My pleasure to meet you Mr. " nakangiting sagot ko.
" Ito naman si Ace Saimon Scott . " sabat ni Wain sabay turo sa naka blue.
" Nice to meet you. " masayang sabi niya.
" Me too. " sabi ko.
" And last this is Gabrielle Jordan Rivera. " sabi ni Wain sabay turo sa naka Gray.
"Hi! Nice to meet yah Akira! I'm Gabrielle but you can call me Gab." sabi ni Gabrielle I mean Gab.
" Nice meeting you din. " sabi ko.
" Oh sige na bumili na kayo. Kita kita nalang tayo sa timezone. Kakain pa kasi kami hindi pa kami nagbrebreakfast. " sabi ni Wain.
" Sure master. Sige una na kami. Bye! " sabi naman ni Josh sabay alis nila.
Sakto namang pagkaalis nila ay kami na ang susunod.
Inilapag ko na lahat ng pinamili ni master este Wain. At sinimulan nang ipunch nung babae ang mga gamit na pinamili ni Wain. Pagkatapos ay sinabihan ni Wain and lalaking nagpapack kanina na Ilagay ito sa kotse niya.
" Come again Sir Wain! " sabi nung babae sa counter na nagpupunch kanina na nagpakunot ng noo ko.
Napansin kong hindi pa pala nababayaran ni Wain kaya tumakbo ako palapit sakanya.
" Wain hindi mo pa nababayaran. " sabi ko tumawa lang siya.
" No need. Amin naman itong mall. " sabi niya na ikinatigil ko.
"Ahh kaya pala. " sabi ko nalang.
Pagkatapos dumeretso na kami ng McDo.
###
Haideeeefinitelygrotesque❤️
YOU ARE READING
My Ideal Girl Is My Girlfriend
Fiksi RemajaArsen Gavin Twain Gomez as Kim Myung Soo Miana Akira Gonzales as Park Shin Hye Arsen Gavin Twain Gomez ay isang sikat na artista,model at singer. Siya ay Gwapo, mayaman, matalino, at higit sa lahat masungit. Miana Akira Gonzales isang sikat na Danc...