SHAWN'S POV
"Shawn!!"-narinig kong tawag sakin ni Phil
habang naglalakad ako sa loob ng department store ng mall na pinagmamay-arian ng pamilya Gonzales. Ang pamilya ng Mommy ko.
"What?!"-galit akong lumingon sa kanya.
"Why don't you give our relationship a chance Shawn? Or me, just give me a chance to prove myself to you, that I'm capable to love you and to be love by you."- madamdaming pahayag ni Phil habang hawak ang kamay ko.
Tiningnan ko ang kamay nyang nakahawak sakin. "Aalisin mo yang kamay mo o babaliin ko yan?"
"Shawn, please"-lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Hinila ko ang kamay nya saka pinaikot. "Ahhh, aray Shawn m-masakit."- impit na sabi nito.
"I told you bitawan mo ako di ba?"diniinan ko pa ang pagkakahawak sa kamay nya kaya lalo itong namilipit sa sakit. "Kapag sinabi kong tapos na tayo, tapos na, okay? Wala ng karugtong pa. Look at you, you're so weak."
"Mula ngayon mag-aaral na din ako ng karate, taekwondo, lahat ng klase ng martial arts pag-aaralan ko para sayo."
"Shut the fuck up Phil, we're done!!"-at tumalikod na ako, pero naramdaman kong hinawakan nya ulit ang kamay ko kaya hinila ko sya at binalya pahiga. "Don't you ever dare to touch me again. Or else..."
"Hoy Miss, grabe ka naman hindi mo ba nakita nasaktan ang lalake sa ginawa mo?"-galit na sigaw sakin ng babae from nowhere.
"And who are you para sigawan ako..??"- nilingon ko ang babae with my most fierce and scary glare pero ng makita ko sya bigla akong natigilan.
"Hey, Kuya are you okay?"- nilapitan nito si Phil at tinulungang tumayo. Napansin kong dumadami na ang mga usyuserong nakapaligid samin.
"Miss, hindi ka ba magsosorry sa ginawa mo? Saan na ba ang mga gwardya dito sa mall nato at wala manlang lumalapit dito?"- galit na asik nito sakin.
Pero hindi ako makapagsalita, dahil masyadong abala ang utak ko sa pagkabisado ng bawat anggulo ng mukha at katawan ng babaeng nasa harap ko. Her deep black eyes with very thick and long lashes, ang maliit at matangos niyang ilong, ang manipis at mapupula nyang labi, ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi and her cute petite body na parang napakasarap ikulong sa mga bisig ko...
"Hoy Miss, natulala ka na dyan!!"-sigaw ulit nito na ikinagulat ko.
"W-what?? M-may sinasabi ka?"- shit bakit ako nauutal?
Hinawakan nito ang kamay ko at hinila nya ako, napasunod naman ako sa kanya dahil yong kamay nyang nakahawak sakin ramdam kong napaka lambot nito at napakasarap hawakan. Napangiti nalang ako.
"San tayo pupunta?"- tanong ko ng makabawi ako mula sa matinding paghanga sa ganda nya.
"Sa opisina ng mall irereport kita dahil sa ginawa mo sa lalake, public scandal at harassment yun."
"Harassment? Can't you see I'm the girl here"- natatawa kong sabi sa kanya. "And alam mo ba kung saan tayo papunta? Alam mo ba kung saan ang opisina ng mall?"
"Hindi!"- sabi nito pero hindi padin tumitigil sa paghila sakin.
"Sa kabilang way ang opisina. Mali ang daan natin."- natatawa kong sabi sa kanya.
"Bakit hindi mo kagad sinabi?"- hinila nya ako ulit pabalik.
"Hindi ka naman nagtanong eh"- napapangiti ako habang nakatingin sa kanya.
"Wag ka ngang ngumiti ngiti dyan nakakaasar kang tingnan."- singhal nya padin sakin. "Wait sigurado ka bang dito yun? Baka niluluko mo lang ako?"
"Bakit naman kita lolokohin? Wala pa nga tayong relasyon eh, haha."- natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Bounded by love
RomanceShe's the master of everything, but she's good at nothing when it comes to Gwenn.. Travel the world of the most violent seductive goddess of the town, Shawntell Monette Krey. Hope you'll love This story of mine guys. --ryukazrael