SHAWN'S POV
Bored na bored na ako sa nililecture ng granny prof namin sa marketing bukod sa napakaboring nito magturo, nakaka bore pa syang tingnan, kating kati na ang mga paa ko na lumabas ng classroom nato. May gusto akong makita, si Gwynn.
Gwynn Celine Santillan, a civil engeneering student who transferred from a university in Davao in the middle of first semester, yes, pina background check ko na sya kaninang umaga, aaminin ko interesado talaga ako sa kanya.
"Hoy Shawn para kang timang dyan hindi ka nakikinig kay Prof."- siniko pa ako ni Daphne para lang makuha ang atensyon ko.
"Tsk, napaka boring naman kasi magturo nyang si Granny eh."
"Sabihin mo babae na naman laman nyang utak mo, ung Gwynn ano?"- napapangiting sabi ni Daph, Daph was my bestfriend, like me bisexual din sya, apat kaming magbestfriend at si Misty lang ang straight samin. "Well, she's pretty and cute, pwede pala yun no pretty at cute in one."
Tiningnan ko sya ng masama. "Beware Daph, she's off limits."
"Hey Krey, chill ka lang ang hot mo na nga hot pa ng ulo mo haha, okay she's all yours. Pero tingin ko straight sya."
"Well malalaman natin yan."- nakangiti kong sabi kay Daph. "I'll make her mine before this semester ends. Bet?"
"Semester? Eh dati ang dialogue mo "I'll make that girl mine within a week" diba? Then after a day or two kayo na."- pabulong na sabi sakin ni Daph.
"I told you this chick is special, I know she's hard to catch."
"Shawn, remember the number one lesbian rule, never fall in love with a straight woman."- paalala sakin ni Daph.
I nod. "Yah, I know, I'll make sure she will be the one who fall for me first."
"KREY, ANDERSON, you're not paying attention I'm lecturing here and you two keep on talking each other!!"- that's granny prof's voice, Daph and I just shrugged our shoulders and wear our sweetest smile.
GWYNN'S POV
Lunch break na, excited na akong kumain, malakas talaga ako kumain, weakness ko ang pagkain, pero hindi naman ako tumataba may bulate yata ako sa tiyan, sabi nga ng Mommy ko, may alaga akong anaconda sa tiyan. Nagulat pa si Cass dahil sa dami ng inorder ko.
"Gwynn, may kasabay ba tayong kumain?"
"Wala."- hindi ko alam pero talagang matipid ako magsalita minsan. Suplada nga daw ako sabi ng iba.
"Eh bakit ang dami mong inorder?"
"Sshhh, akin lahat yan, hehe"
"Wow, mauubos mo yan?"
"Hati tayo kung gusto mo"- nakangiti kong sabi sa kanya.
"Can I join?"- napatingin ako sa nagsalita, si Shawn na may dalang tray ng pagkain ang nakita ko wearing her most sexy and sweetest smile, hai who can resist her charm?
Tumingin muna ako kay Cass, at tumango naman ito kaya tumango na din ako.
"Thanks sweetie."- sabi nito habang nilalapag ang tray sa mesa.
"Diba may sarili kayong mesa dito sa caf?"- tanong ni Cass kay Shawn, halata talaga sa boses nya na ayaw nya kay Shawn, playgirl daw kasi at bisexual.
"Daph and Stacy using it, mas gusto ko dito I want to be friendly with our new student here."- she smile at me seductively.
"Shawn, I'm warning you, not her, okay?"- Cass gave her a killer glare.
"My dear Cass, ano ba kasing problema mo bakit ang init ng dugo mo sakin? Gusto ko lang maging friendly."
"Shawn, kilala kita, tigilan mo si Gwynn."
"Cass, wag ka namang ganyan sakin, baka naman matakot si Gwynn sakin nyan, haha Gwynn wag ka nga magdididikit dito sa pinsan kong nega."
Gulat akong napatingin kay Cass. "Pinsan?"- takang tanong ko.
"Yah, haven't this bitch told you that I'm her cousin? Second cousin perhaps but still we're cousin."- sabi ni Shawn, halos di naman maipinta ang mukha ni Cass.
"Cass, bakit hindi mo sakin sinabi?"
"Hindi naman big deal yun girl, basta Shawn sinasabi ko sayo layuan mo si Gwynn."
"Bakit Cass, nililigawan mo ba sya?"
Cass rolled her dolly eyes. "Magkaiba tayo Shawn."
"Bakit may pakiramdam akong hindi?"- si Shawn.
Napansin ko namang parang namutla si Cass. "Ako ang unang kaibigan ni Gwynn dito sa school kaya gusto ko lang syang ilayo sa kagaya mo."
"Kumain na nga kayong dalawa, tigilan nyo na yan, saka straight ako kaya hindi talaga ako papatol sa kapwa ko babae. Kaya kayo kumain na kayo."- sabi ko sa kanila at kumain na.
"Dahan dahan Gwynn mahaba pa ang breaktime, baka mabulunan ka nyan."- sabi sakin ni Shawn nung wala akong ka poise poise na kumakain.
"Ang aarte nyo kasi..."- napatigil ako sa pagsasalita ng biglang parang may bumara sa lalamunan ko.
"Are you okay?"- sabay na sabi ng dalawa at sabay ding silang nag abot sakin ng iced tea, ubos na kasi ang iced tea ko, at dahil mas malapit sakin si Shawn ang iced tea ni Shawn ang inabot ko at ininum. "Thanks."- ngumiti pa ako sa kanya ng okay na ang pakiramdam ko.
"Your always welcome, honey."- sabi sakin ni Shawn, pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa pagtawag nito sakin ng honey, hindi ko alam bakit ang tindi ng epekto sakin ng babaeng to.
"Shawn, pwede ba lumipat ka na ng mesa? Puro ka kalandian eh."- iritang sabi ni Cassidy kay Shawn.
"Watch your word, sweetie."- Shawn gave her a glare. Mukhang nagkakainitan na tong dalawa mabilis ng tinapos ni Shawn ang pagkain nya saka tumayo. "See you later Gwynn."- pabulong na sabi nito sakin malapit sa tenga, and HER GESTURE makes me shiver, nilingon ko sya pero naglalakad na ito palayo.
SHAWN'S POV
"Oh bakit nakabusangot ang The Mighty?"- tanong sakin ni Stacy ng bumalik ako sa table namin.
"Hindi mo ba nakasabay kumain si Gwynn?"- it's Daphne.
"Who's Gwynn?- inosenteng tanong ni Stacy.
"The new girl in town, puro nalang kasi si Heather ang inaatupag mo eh, kaya ayan huli ka sa balita."- sermon ni Daphne dito.
"Try nyo din kasi magseryuso sa relasyon, para maintindihan nyo ako. So ano nga, sino itong Gwynn nato?"
"Transferee student from Davao, type ni Shawn."
"Nakakainis si Cassidy!!"- bigla kong sabi at nagpadyak pa ako ng paa kaya napataas ng kilay tong dalawa sakin.
"Cassidy who?"- duet na tanong nila sakin.
"Si Cassidy, yung pinsan ko. Feeling ko sinisiraan nya ako kay Gwynn at feeling ko may gusto sya kay Gwynn."- dirediretso kong sabi.
"Ah yung pinanglaban ng engineering department lastyear sa Face of the Year?"- tanong ni Stacy.
"Oo sino pa ba? Anak ni Tito Lucas."- I frowned.
"Ei gaga, di ba straight yun? Panong magkakagusto kay Gwynn yun?"- Sabi ni Daphne habang inuubos ang pagkain nya.
"Feeling ko lang, saka tsk advantage nya palagi nyang makakasama si Gwynn dahil classmates sila."
"Haha, hey ang The Mighty Shawn mukhang mauungusan ah? Kabado ka girl?"
"Tsk. Sobrang gusto ko si Gwynn para sumuko no."
"Then fight!!"- sabay na sabi ng dalawa. I smile, kaya kaibigan ko tong mga to eh.
BINABASA MO ANG
Bounded by love
RomanceShe's the master of everything, but she's good at nothing when it comes to Gwenn.. Travel the world of the most violent seductive goddess of the town, Shawntell Monette Krey. Hope you'll love This story of mine guys. --ryukazrael