Maymay's POV
Inasikaso ko muna si Noah bago ko siya iwan kay Heather. Naghanda na rin ako ng agahan para makapasok na din ako agad."Oh May,ako na dyan may pasok ka pa beh" si Heather
"Ano ka ba,ako naman ilan linggo ng ikaw yung gumagawa nito. Payday ko mamaya,labas tayo nina Alonso" pagyaya ko
"Ay sige,may bibilhin din ako mamaya konti na lang kasi stock natin sa food storage eh" sabi niya
"Oo nga,at saka baka ienroll ko si Noah sa school malapit dun sa bakeshop" sabi ko
"Desidido ka na ba dyan? Kung ako sayo wag na masasayang lang uuwi na din naman kayo diba,you told me you were about to put up another branch ng bakeshop mo?" sabi niya
"Sa bagay,hindi ko pa din alam kung kailan ko yun sisimulan. Oh sya sige na mauna na ako. Text na lang kita para makapagkita tayo mamaya okay?" sabi ko at sumang-ayon naman si Heather.Malapit lang naman ang bakeshop sa bahay nina Heather kaya nilalakad ko na lang.
"Goodmorning Ms.Marydale!" bati ni Andrea,isa sa nagmamanage ng bakeshop ni Mrs.Smith,mas bata siya sakin,Pilipino rin siya kaya hindi ako nahirapan mag-adjust sa trabaho
"Goodmorning rin kulit! Oh mas maaga ka ata sakin ngayon? May customer naba?" tanong ko
"Naku Ms.Marydale sobrang dami kanina pa,7am 35 customers na agad oh diba,nacheck ko na rin yung mga pinadeliver na tinapay at pastries galing sa factory at pinaassemble ko na kay Luke kaso nung inaassemble namin nagdagsa yung mga customer kaya ayun yung 500 na tinapay naging 100 na lang" kwento nito
"Aba,iba talaga ang radar mo sa mga costumer natin ah. Mukhang hindi na ata ako kailangan dito eh ahahaha" biro ko
"Ano ka ba Ma'am Dale. Alam mo ma'am simula nung dumating ka naging doble ang swerte ng bakeshop na ito" sabi niya
"Oo nga ma'am" pahabol naman ni Luke
"Kapag mahal mo kasi ang ginagawa mo aasenso ka talaga" sabi ko at ngumiti lang ito panandalian akong lumayo biglang nagring ang cellphone ko"Hello Ma,bakit po kayo napatawag?"
"Anak,si Mama Ludy mo inatake siya dinala ko siya sa ospital kanina"
"Ano po?! Asan na po siya ngayon?"
"Nasa bahay na kami,mabuti na lang pinayagan ng doctor na sa bahay na siya magstay. Anak kailangan ka namin dito"
"Sige po ma,mag-ingat po kayo"
"Mag-ingat ka rin kayo"
Mahirap man,nagpaalam ako ng maayos kay Mrs.Smith. Sinabi ko rin na susubukan kong bumalik. Umuwi agad ako para maayos agad ang pagbalik namin ni Noah sa Pinas.
"Heather,salamat ha. Nakausap ko na si Markus" sabi ko
"Wala yun May,you can go back whenever you want. Welcome kayo lagi dito ni Noah. Mag-iingat kayo ha" sabi niya at tuluyan na kaming umalis ng anak ko. Pumunta agad kami sa airport.********
"Naku Maymay,Noah andito na pala kayo!" bungad ni Yaya Tinay sakin
"Yaya,asan po sina Mama?" tanong ko agad dito
"Naku anak nasa bahay sila ngayon ng mga Barber,inimbita kasi sila ni Mommy Cathy mo,naghanda ata si Ma'am Cathy ng pagkain para kay Mama Ludy" paliwanag nito,may sakit na nga si Mama Ludy todo pa sila sa paglayas.
Iniwan namin ang gamit sa bahay at nagtungo agad kami sa bahay nila Edward. Pagkarating namin,laking gulat ko ng si Mommy ang bumungad sakin."My beautiful daughter-in-law is here" sabi nito sabay yakap sakin
"Hello po Mommy,sina Mama po?" tanong ko agad dito
"Naku nasa garden sila. Hello apo ko,Lola Cathy miss you so much" at akmang niyakap naman niya si Noah.Pagkapasok namin,binalak ko na dumeretso na ng garden nila pero bigla akong pinigilan ni Tita
"May,before you go there may ibibigay muna ako sayo. Yaya pakisamahan muna si baby Noah sa garden" sabi nito at niyaya nya ako papunta sa taas. Papunta sa kwarto niya.
"Anak,may mga dress kasi ako na hindi ko na ginagamit. I want to give it to you,ayaw kasi ni Laura masasayang lang kung itatambak ko lang dito" sabi ni Tita.
"Ah ganun po ba,sige po" sabi ko,inabutan niya ako ng mga bistida. Napakaganda nito lahat. May iba sinukat si Tita na dress,bagay na bagay sa kanya. Hanggang sa may ibigay siya na bistida sa akin.Isang AMATO na binili pa daw ni Tita sa Dubai. Napakaganda ng pagkakayari nito. Huhubadin ko na sana pero bigla akong niyaya ni Tita na kumain na,gutom na raw siya kaya naman napagpasiyahan ko na huwag na muna magpalit. Sa pagbaba namin nagulat ako ng may mga tao na nakahilera sa kanang bahagi ng hagdan. May mga dala silang rosas,pink rose,my favorite.
"Hello Ms.Dale. Flowers for you!" si Andrea
"Bakit ka andito?" Tanong ko
"Secret basta tanggapin mo yan" sabi niya.Ilan sa kanila ay hindi ko kilala kaya naman nginingitian ko na lang, habang si Mommy Cathy ay nakahawak pa rin sa akin. At ng nasa huling baitang na kami ng hagdan,nakaramdam ako ng kagalakan ng makita ko si Laura,my soul sister!.
"Hello May! Here's your rose,I'm so happy for you" sabi niya at sabay yakap sakin
"Salamat Laura" at gaya ng kinaugalian ko,hinalikan ko siya sa pisnge.Nagpatungo na kami sa garden,pero laking gulat ko. Hindi lang basta garden ang bumungad sakin kundi lahat ng importanteng tao sa buhay namin ni Edong ay aking nasilayan roon. May mga bulaklak,basta para sa akin napakaganda nito.
Wala akong alam sa mga nangyayari pero laking gulat ko ng isang maamong mukha ang biglabg lumitaw sa unahan sabay ng pagtugtog ng paborito kong kanta na "Perfect".
Habang naglalakad ako papalapit sa kanya unti-unti pumapatak ang mga luha sa aking mga mata. Hanggang sa marating ko na ang dulo,nakita ko sina Mama at Mama Ludy sabay ngumiti sila sakin,napagtanto ko plano nila ang lahat ng ito. Hinarap ko ang asawa ko,ang mahal ko at hinawakan niya ako sa kamay."Love,I know you're upset kasi hindi ko nagawang siputin ka pero sana mawala na yang pagkaUpset mo sa gagawin kong ito" sabi niya at unti unti na nangangatog ang tuhod ko sa kaba. Kumuha siya ng microphone at muli,hinawakan niya ako sa aking kamay.
"To all of you listen up. Love,alam kong sobrang daming pagsubok ang dumating satin pero still andito pa rin tayo. Nasaktan kita ng sobra,pero God made a way para magtagpo ulit tayo. Sobrang saya ko na nabuo tayo muli. And Thanks to Lyan kasi kung hindi nangyari ang lahat ng iyon siguro tuluyan na kayong nawala ni Baby Noah sakin. I just want to say thank you for everything,thank you for giving me another chance to prove na mahal kita at hindi nagbago iyon and now for the very last my Marydale Entrata,will you be my Mrs.Barber,again?" sabi niya habang may mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Tuwa ang aking naramdaman para akong sasabog sa kaligayahan. Kaya naman--
"Edong,dahil pinatunayan mo sakin na karapat-dapat pa rin kitang mahalin. Yes,I am willing to be your Mrs.Barber again" At niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit.Dumating si Father. And yes we're married again. Sobrang saya makita na sama-sama ngayon ang mga taong mahahalaga sa buhay namin. Lumapit ako kayna Mama
"Ma,thank you po" sabi ko at niyakap ko ito ng sobrang higpit
"Anak hindi ko naman hahayaan na malungkot ka. Mahal ka ni Edward kaya namin siya tinulungan" paliwanag ni Mama.
"Mrs.Barber let's eat?" Pagyaya niya sakin
"But wait where is our baby?,Mr.Barber" biro ko naman. Lumapit kami kay Noah at nagtatakbo ito papalapit sa amin.
"Mommy and Daddy I'm so happy that we're together again" sabi niya at niyakap kami. "Kailan po ako magkakaroon ng kapatid? Gusto ko po baby girl ah" wika niya na ikinagulat namin parehas. Bumalik na ulit siya kayna Tita habang kami naman,dinadama namin ang bawat moment.
"I'm happy that everything is fine. I Love you May,at hinding hindi magbabago yun" he said and kiss my forehead.********
Annyeong,nalalapit na ang huling kabanata. Abangan. Salamat sa pagsuporta ng aking kwento. I Love you all 💕-AuthorViolet💕
YOU ARE READING
Together Again (MayWard) - COMPLETED
FanfictionWill I give up for other's sake? Or I will fight to prove that I Love you? - - - - - Annyeong! To all MayWard Fans like me,kindly support my story guys! Kamsahamnida! Saranghae! No Hate Just Love •.•