Chapter 1: Past Remains Unspoken

44 2 0
                                    

Chapter 1: Past Remains Unspoken

---SEVEN YEARS AFTER---

[PRESENT: 2012]

“Happy birthday to you! Happy Birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday shesheng!” Kanta nila nanay, tita susan at kevin ngayong birthday ko.

“Thank youuuu! Ano ba yan, another year added, 23 na ko!”

“Blow your candle anak! Make a wish”

“I wish.. Malimutan ko na yung sakit na sinabi sakin noon ni Alex.” I wish through my mind.

“Kain na po tayo, oh kevin lamon ka na!”

Everything went fine on my 23rd birthday, kahit kaming apat lang ang nagcecelebrate. If you’re wondering kung bakit wala ang bestfriend ko... Well, wala talaga siya. Di siya invited noh. Kahit matagal na yung nangyari sa up dilimian, feeling ko bitter pa din ako. Kahit wala naman akong dapat ika-bitter. Eh bestfriend lang naman talaga ako. Wala akong karapatan maginarte, kailangan ko lang talaga tanggapin ang katotohanan na hanggang dun nalang. TAPOS.

Dahil wala kami pang bayad ng renta, dito kami nakikitira sa tita ko na matandang dalaga sa Pasay. Oo nga pala, hindi ko kayo nasabihan, nakapasa ako noon sa UP, at nakapagtapos din ng BS Broadcast administration kahit dean’s list lang. I currently work in a radio station, taga-advice ng love problems. Nakakatuwang work naman siya, pakinggan niyo ako every 8-11pm.

Pero pag umaga naman, Nagtatrabaho ako sa Convergys as call center agent. Good thing nagtugma ang schedule ng dalawang work ko. Kailangang doble kayod, ako na ang tumatayong haligi eh. Wala na si tatay, bigla siyang hindi na nagparamdam at nagpadala sa amin. Kaya lalo naman kami naghirap, buti andiyan si tita susan at nasurpotahan ako habang nasa kolehiyo.

“Ate, exam na pala namin sa Wednesday. Di pa tayo nagbabayad ng tuition”

“Sige bukas ako na lalakad nan sa school mo.”

Kung ang dati kong kapatid na ubod ng taba at ng kasutilan. Mabait na to ngayon, masipag at matalino. Kaya yan laging 1st honor sa school. At balita ko kay nanay, may dinidiskartehan pang babae. Sana lang wala siyang bestfriend na babae, baka matulad pa sakin. Na friendzone!

“Nak matulog ka na, ako na magliligpit nitong kinainan at may pasok ka pa bukas.”

“Sigurado kayo nay?”

“Oo nak, sige na sige na, magpahinga ka na”

“Sige po, goodnight nay”

Akala siguro ni nanay tulog na ko.. Di ako makatulog. Ikaw ba naman, masabihan ng ganun ng bestfriend mo, akala mo yun na yung moment. Pero hindi pala, masyado lang siguro talaga akong naniwala sa himala. Naniwalang magiging kami, siguro nga... People are meant to fall in love with each other, but not meant to be together.

Oo nga pala, hindi nyo pa alam yung inamin sakin ni Alex nun no? Oh eto.. Malalaman niyo na yung tinype niya sa phone.

“Sheng, beshy.. I’ve got a girlfriend! She’s a breath of fresh air. Sorry I didn’t tell you about her. You’ll understand naman diba? You’ll like her. Lalabas tayong tatlo minsan para maging close kayo. Masaya siya kasama! She’s an amazing woman. I’m in love with you dati.. Kaso I thought na hanggang bestfriend lang tingin mo sakin. And I value our friendship kasi e. So ayun, I love you bestfriend..”

Memorize ko na yan eh, hanggang ngayon tanda ko pa din. Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Minsan naiisip ko kung naiisip niya din kaya ako, namimiss niya din kaya ako, hinahanap niya kaya ako. Ano kaya? Pero tingin ko hindi. Siguro sila pa din nung girlfriend niya. Baka nagpakasal na siguro sila. Ako kaya kailan makakahanap ng boyfriend? Di pa ko ready sa mga ganyan! Natatakot ako. Baka umiral pagkatanga ko at sa huli ako lang din ang masasaktan. Pity me.

The Last Confession [hiatus]Where stories live. Discover now