Prologue

73 3 0
                                    

PROLOGUE:

Bakit ganon? Nagmahal lang naman ako, bakit kailangan pang masaktan? Ginawa ko naman ang lahat. Pero bakit ito parin ang kapalit?

---SEVEN YEARS AGO---

“Uy sheng!” Lumingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Si Alex pala yun. Ang bestfriend ko since 5 yrs old ako. magBestfriend kami ni  Alex simula ng lumipat kami dito sa QC. Kalaro ko nung bata at kasama ko parin hanggang ngayon. Ngayong 16 na ako, at 18 naman siya.

May gusto ako kay Alex, simula nung naging dalaga ako?! Oo siguro, simula nung 14 ako. Pero ayaw ko sabihin, baka kasi iwasan niya ako. Masisira lang pagkakaibigan namin. Kaya mas pinili  ko nalang itago ang totoong nararamdaman ko.

“Oh bakit, Alex?” sabi ko. “Niyayaya ka kasi ni mama na sumama samin papuntang Cainta, sa Next Saturday. Kasi corny naman kung kaming dalawa lang. Eh masaya pa naman kung kasama kita dun, atsaka papakilala kita sa relatives ko. Hehe.”

(*Wala ng daddy si Alex, sumakabilang bahay na. At ang sinamahan pa ay ang bestfriend ng mama niya. Grabe talaga. Kawawa nga si Tita Candy eh)

Suuss! Lakas makapagsabi na ipakikilala ako sa relatives niya. Akala mo girlfriend niya ako. Hay Alex! Kung alam mo lang…

“Sasama ka ba Sheng?” tanong niya. “Sige susubukan ko kung papayag si Nanay”.

“Ako na magpapaalam kay Tita Lyn, malakas ako dun e. Hahaha.”

“Well in fact, ikaw nga ang gusto niyang mapangasawa ko. Haha, at parang mangyayari naman yun ..” I said as I was faking my smile, my feelings and my sadness.

“Hahaha! Si tita talga.. Oh pano na Sheng, una na ako ha. May pasok pa kasi ako mamayang 2:00 eh”

“Sige sige ingat ka ha.” Magiging akin ka pa kasi. FEELING MO SHENG!

Mabait si Alex, Masipag, matalino, masunurin, magalang, masaya kasma at makadiyos. Ano pa bang hihilingin, eh nasa kaniya na lahat? Plus, gwapo pa na pang Mr.Pogi at macho na pang Bench Body. Hala, ang manyak ko naman, pati katawan. Hahaha.

Nagaaral si Alex sa FEU, BS Accountancy ang course. Idol ko yan eh, ang talino sa Math. Eh ako tong bobo. Hahaha. Kaya nga madalas siya ang pinapagawa ko ng assignments ko. Hahaha eh graduating student palang naman ako. Pero balak ko magaral sa UP Diliman. Sana makapasa! Wala rin naman kasi kaming pang tustos sa mga bigating school. Dahil OFW lang naman si Tatay sa Dubai. Di katulad ni Alex, tita niya ang nagpapaaral sakanya na sa UK nagtatrabaho, At nakapingwit pa ng hilaw at gumawa na ng sarili nilang pamilya.

At saka may kapatid pa akong Grade 1, Si Kevin. Sobrang kulit, kaya pag magkasama sila ni Alex ako lageng target asarin.

“Ate sheng! Ate sheng!” sigaw ng barurot kong kapatid.

“Bakit nanaman? Walastik, kitang nagpapahinga!”

“Eh kasi ate, nagugutom na ako.”

“Gutom ka nanaman?! Katatanghalian lang natin ah, gutom ka parin? Ano ba yang mga bulate diyan, nagrarak en roll ba yan diyan sa tiyan mo? Tignan mo nga sarili mo oh, para kang nakalunok ng pakwan sa laki ng tiyan mo.”

“Ate kasi, makapagluto ka naman kasi ng manok kelangan itusta pa!”

“Aba! Nagrereklamo ka pa ah, buti nga pinaglutuan kita, Senyorito”

“Susumbong kita kay Kuya alex!”

“Suuus, alex alex ka pa diyan. Bumili nalang tayo ng barbecue at yun nalang ulamin mo”

The Last Confession [hiatus]Where stories live. Discover now