Ken's POV
1 month na simula nang hindi ko naririnig ang tawa ni Diana ang mga ngiti niya ang boses niya hindi ko na siya nakikita.. miss na miss ko na siya.. hindi na ako natutulog sa kakaisip sa kanya kung okay ba siya.. sana mayakap ko na siya pero hindi ko na yun magagawa.. miss na miss ko na talaga siya❤️
"Nak?" Bigla kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at humarap kay mama
"Nak okay ka lang? Nandito lang ako" malungkot na sabi ni mama at umupo sa tabi ko yinakap ako
"Miss na miss ko na siya ma" sabi ko habang humihikbi
"Alam ko anak.. pero wag mo sanang pabayaan ang sarili mo.. pagnakita ka ni Diana na nagkakaganyan alam kong magagalit siya sayo" sabi mama
"Pero ma hindi ko na kaya" sabi ko humiwalay naman si mama sa yakap namin at hinawakan ang dalawa kong pisngi
"Anak kaya mo.. babantayan ka ni Diana" sabi ni mama at hinalikan ako sa noo tumango nalang ako.. umalis si mama at umakyat nalang ako sa kwarto ko kunuha ko ang cellphone ko tinignan ko ang lahat ng message ko kay diana sa diary ko app siya doon ko nalalagay lahat lahat ng sikreto ko..
Dear Diana
Miss na kita.. mahal na mahal kita kahit na nagmumukha na akong tanga sa pagasa na mamahalin mo ako.. ilove you❤️
Dear Diana
Bakit siya pa? Pwede ako nalang? Hindi kita sasaktan pangako kahit na gamitin mo nalang ako para maalis ang nararamdaman mo sa kanya kaya kong magpakatanga para sayo mahal na mahal kita Diana
Hinanap ko ang pinaka una kong message sa kanya..
Dear Diary
May nakilala akong babae maganda siya pangalan niya Diana.. sabi nila badgirl daw wala naman akong pake basta gusto ko siya
Dear Diary
Meron siyang ibang gusto ang bestfriend niya si Shane.. ayos lang hindi naman ako susuko para lang dun ganon ko siya kamahal lahit na magpakamatay ako para lang magustohan niya ako gagawin ko kahit gusto lang kahit wala ng mahal ayos na sa akin basta nakikita ko siya.. ilove you Diana
Dear Diary
Nasasaktan ako dahil mahal na mahal no Diana si Shane. Alam kong wala akong magagawa dun pero sana kahit konti lang mahalin niya ako kahit tuldok lang sapat na para bago ako mawala sa mundong to ay makaranas ako ng masayang pagmamahal...
Dear Diary
Lumala ang sakit ko sa puso sabi ng doctor ayaw ko pang mamatay hindi ko pa maramdaman ang pagmamahal niya hindi ko kaya..
Hanbang nagbabasa ako ay hindi ko namalayan na basang basa na cellphone ko kakaiyak.. Diana hindi ko kaya..
Shane's POV
Nabalitaan ko ang nangyari kay Diana hindi ko alam ang nangyari sa akin gusto kong magpakamatay bakit? Bakit niya ko iniwan? Pero hindi totoo ang sinabi ko sa tawag sinabi ko yun para kumalma soya ng konti kaso lang mali ako mas lalo siyang nagwala napakatanga ko! Wala akong kwentang bestfriend..
"Honey?" Tawag sa akin ni Rick boyfriend ko
"Yes hon?" Tanong ko.. nakita ko nakang siyang nasa harap ng pinto ng kwarto ko
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at lumapit sa akin hinalikan ako
"Ayos lang" ngumiti ako para hindi niya mahalata.. ngumiti siya at hinalikan ako sa labi isang marahan na halik yon.. habang naghahalikan kami ay hindi mawala sa isip ko si Diana.. sorry Diana but i love you as my bestfriend only.. naramdaman ko nalang na nalahiga na ako sa kama..
--
Ken's POV2 months na.. ganun pa rin ang takbo ng buhay ko walang saya puro iyak lang ginawa ko tuwing gabi ang payat ko na wala na kaso akong gana kumain.. kung wala ng Diana sa buhay ko ay wala na rin ang mundo ko. Kahit isang beses ay hindi ka nawala sa isip ko Diana ang daming sana sa isip ko
Sana ako nalang minahal mo
Sana nandito ka sa tabi ko
Sana mayakap kita
Sana...
Hindi ko na kaya konti nalang bibigay na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko si Shane tumatawag
"Hello?"
[Ken uuwi na ako diyan next week]
"Ahh ganun ba? Sihe kita tayo"
[Sige sabihan nalang kita kapag nakauwi na ako bye]
"Bye" mahina kong sabi at binaba ang tawag kung tutuusin may galit ako kay Shane dahil nabalitaan ko na may bago siyang boyfriend sa US.. pero friend ko pa rin siya saka bestfriend siya ng mahal ko kaya hindi kayang magtanim ng galit.. siya rin ang dahilan kung bakit wala dito si Diana...ayaw ko ng mabuhay!
"Anak may bisita ka" sigaw ni mama
"Okay po!" Sigaw ko.. hmm sino naman kaya yun? Pag baba ko ay laking gulat ko ay nandito siya? Bumalik siya? Ngumiti siya sa akin tumakbo ako para mayakap siya
"Namiss kita" mahina kong sabi
"Namiss rin kita. Salamat sa paghintay" sabi ni Jessica
Si jessica ay ang kapatid ko pero naghiwalay kami dahil kinuha siya ni dad dinala siya sa Korea kaya hindi ko na siya nakita pa..
[Akala niyo si Diana? Hahaha epic]
"Oh bakit ang payat mo na? At anong nangyari sa gwapo mong mukha?" Sabi niya
"Wala hehe halika" hinila ko siya papasok nakita ko si mama na naghahanda ng meryenda
"Mga anak halika na kayo dito kumain na kayo" sabi mama
"Opo" sabay naming sabi
Buti nalang nandito siya pero kulang pa rin hindi pa rin ganun kakulay ang buhay ko may kulang at yon ang aking mahal.. mahal ko miss na kita 2 months na kita hindi nakikita pati yung mga ngiti mo,amoy mo at tawa mo miss ko na lahat sayo. Sana pala hindi nalang kita iniwan sa bahay niyo edi sana nandito ka ngayon.. mahal na mahal kita... kahit na mahal mo siya..
So sad huhu...
YOU ARE READING
I'm Into Her
Short StoryTungkol ito kay Diana na nainlove sa bestfriend niyang si Shane yes pareho silang babae...