Chapter 9

158 5 1
                                    

Ken's POV

5 years nang nakalipas ng mag suicide si Diana.. hindi ko lubos na akalain na gagawin niya yon dahil sa kay Shane ganun siguro niya ito kamahal.. at si Shane naman sinayang lang.. eto ako nagluluksa pa rin sa kamatayan niya sana dumating ako ng maaga baka ngayon buhay pa siya at masaya akong kasama siya.. sana kahit konti minahal niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.. hinding hindi mawawala ang isang DIANA JIMENEZ sa puso ko. Siya lang ang nagbigay lakas sa akin para lumaban sa sakit ko siya rin ang nagpapasaya at nagpapangiti sa akin.. siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra sobra..

"Daddy? Why are you crying?" Tanong sa akin ni Diana

"Baby wala lang may naalala lang si daddy" sabi ko at hinalikan siya..

Nang magpakamatay si Diana ay wala na akong ginawa kondi umiyak lang nang umiyak pilitin ko mang lumabas ay hindi ko rin kaya.. after 2 years ay nag ka roon na ako ng trabaho naging isang Lawyer ako.. nakakilala ako ng babae pangalan niya ay si Brianna maganda siya,matalino at mabait nung una friends lang talaga pero habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng feeling sa kanya kaya linigawan ko siya sinagot niya naman ako at nagpakasal kami at nagkaroon ng magandang anghel si Diana oo pinangalan ko talaga siyang Diana alam naman ni Brianna ang past ko kay Diana pero hindi naman siya nagselos dito dahil sabi niya ang swerte ni Diana dahil minahal ko siya.. kahit na may asawa at anak na ako nandito pa rin ang nagiisang babae na minahal ko ng lubos..

"Mahal?" Nakangiting sabi ni Brianna

"Mommy!" Sabi ni Diana at tumakbo papunta sa mommy niya at binuhat siya at pumunta sila sa akin para magyakap yakap kami bigla namang tumunog ang phone ko tumatawag si ate Dalaine

"Hello ate?"

[Nasaan ka na? Nandito na kami]

"Ayyy opo ate papunta na kami"

[Isasama mo sila Diana at Brianna?]

"Opo ate"

[Okay sige namimiss ko na rin si Diana eh hehe.. bilisan niyo na ah?]

"Opo ate bye"

[Bye] nakangiti ko itong binaba at tinignan ang mag ina ko

"Aalis na tayo mahal" sabi ko at tumango naman siya.

--

"Diana namimiss na kita sana masaya ka diyan.. sana lagi kang masaya.. sana binabantayan mo kami rito sa baba mahal na mahal ka namin" sabi ko at hinaplos ang puntod ni Diana

"5 years ka ng wala sa amin.. bakit kasi umalis ka pa? Miss ka na namin eh." Sabi ko at yinakap ang puntod niya.. lumapit naman si Diana sa akin at lumuhod din

"Daddy siya po ba si tita Diana?" Tanong ni Diana napangiti naman ako

"Oo baby siya yan" sabi ko

"Ano pong itsura niya?" Tanong niya at kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang picture namin ni Diana

"Ang ganda niya po daddy" nakangiting sabi ni Diana

"Syempre baby hehe" sabi ko

Diana pati anak ko nagandahan sayo haha.. totoo naman kasi maganda ka hindi lang maganda matalino at medyo mabait hehe.. naalala ko tuloy ang una mong itsura nung makita ako hehe

Flashback

"Hi classmate! I'm Ken Dominggo. I'm 16 years old. I love playing basketball and dancing. I hate girls..." napatigil ako dahil lahat sila nag awww maliban sa isa hmm ano kaya pangalan nito? Maganda siya pero mukhang maldita naka poker face eh "Girls who are flirt" dugtong ko at ngumiti at tinignan si miss beautiful mukhang nagulat siya sa ginawa ko hahaha..

End of Flashback

Miss ko na si Diana! Hays...

--

"Mahal? Bakit hindi ba kayo nagkatuluyan ni Diana?" Tanong sa akin ni Brianna

"Kasi mahal may iba siyang mahal" nakangiti kong sabi

"Ay sino naman?" Tanong niya

"Si Shane ang bestfriend niya" sabi ko at yinakap siya

"Hayy sayang naman hehe..." sabi niya at natulog na kami..

Shane's POV

Hays.. maaga pa pala ako sa trabaho ko kaya kailangan ko ng matulog.. kinuha ko ang cellphone ko at agad naman nakita ang wallpaper ko si Diana at ako.. hindi ko tuloy napigilang umiyak sa nakita ko. Namimiss ko na siya.. kasalan ko lahat eh ako may kasalanan lahat!

"Honey? Bakit naiyak ka na naman?" Tanong ni Rick

"Honey kasi naalala ko na naman kung bakit nag suicide si Diana" umiiyak kong sabi

"Honey choice niya yun kaya wala kang kinalaman don" sabi niya

"Hindi! Ako ang may kasalanan dahil sinabi ko pa na ikakasal na ako!" Sigaw ko kaya nagulat siya at tumango nalang

"Sorry honey ah?" Tanong ko at yinakap siya bigla namang may kumatok sa kwarto namin agad ko itong binuksan

"Mom, dad i can't sleep" sabi ni Diane agad ko siya binuhat at inihiga sa kama namin..

Yes Diane ang pinangalan ko sa kanya.. dahil alam kong Diana na ang anak ni Ken ay Diane nalang pinangalan ko.. 3 years old palang si Diane pero matalino na siya at nakakalakad na bakit? Dahil 1 pakang siya ay pinag aral ko na siya tulad ni Diana ang beatfriend ko..

"Mom, dad i want to go to the mall tomorow please?" Sabi ni Diane habang naka puppy eyes nagkatinginan naman kami ni Rick at ngumiti

"Sige baby" sabi ko at hinalikan siya hanggang sa natulog na kami...










Author..

Maayos na mga buhay nila haha lasta chapter nalang ang hinihintay hehe.. salamat sa pagbasa! Kahit na wlanag kwenta hahahaha...


I'm Into Her Where stories live. Discover now