I Courted My Fiance

65 0 0
                                    

My second attempt in making a tagalog story (di ko masyado feel yung first) and if may terms na medyo bisaya... ganon na talaga.<.< Di ko na kasi ma. identify if tagalog pa ba to o bisaya na.  I'm open to suggestions and comments kahit gaano k.brutal. Hope you enjoy the first part. :D

__________________________________________________________________________

Uy Gab, ligwak  daw pancakes mo?”

“Ewan ko dun. Pinaghirapan ko pa naman”

“Pinaghirapan? eh 3-step Hotcake mix lang yan.  Sis, wag kang susuko. Go lang nang go, bibigay din yang Garreth na yan. “

“Sana nga Mau eh, ang tagal tagal ko nang tinatry ayaw pa rin. Ano pa bang kulang?”

“Hoy, wag kang emo.  Kung ayaw niya bahala siya, wala na rin naman siyang magagawa.  Naitakda na nila. Teka, chika later anjan na si Ma’am, alam mo naman yan pag wala ka sa seat, absent. Kaya nagtandang dalaga kasi Bruhilda Koronel”

 At dalidaling bumalik si Mau sa pwesto niya.  One and only yang bestfriend kong yan, mabait at maalaga kaya lang kapag nagsalita, hindi uso ang kambyo, go talaga. Kung may gusting sabihin, sinasabi kahit na makasakit. Maraming beses na kaming muntik mapahamak nang dahil dyan.

“… at magdagdag ka na rin nang durian iha, magugustuhan yan nang auntie mo. Pinakapaboritong bilhin nang mga balikbayan yan. Kadadating lang galing davao. Kumuha kayo oh para malasahan niyo rin.” Sabay alok nang hiniwang durian. Wow, ang amoy… talbog ibang fruits.

“AAAAHHH kuya, wag masyadong malapit. Paninda niyo  kinakain niyo, may tubo pa ba kayo?”

“Di naman ako kumain.…”

“Weh, bat pag nagsalita kayo naamoy ko?

Naihampas ko ba sa kanya yung papayang hawak ko nung oras na yun? Itatanong ko na lang. Pero di yun ang issue ngayon. Si Garreth, siya lang ang katangi-tanging lalaki – aside kay Siwon na idol na idol niya dahil sa “Skip Beat” na koreanovela, in fairness ang gwapo niya talaga dun – na laging laman nang pag-uusap namin. Garreth Franco Arentez, ang nakababata sa 2 anak nina Doc Harold at Prof Casilda Arentez, Half pinoy half Spanish, 6’5’’  in height, maputi siya dati but medyo brown na ang skin niya ngayon sa kakalaro nang basketball at soccer, varsity kasi.

GO GREEN HAWKS!

Na.memorize ko na kakapunta ko sa games niya. May naipanalo ba siya dun? Feeling

magaling lang kasi yun. Close na kami, kilala na naming isa’t isa since forever kaya alam

ko weakness and strengths niya. Pa.uso din kasi sina mommy, BFKP daw sila ni tita Cassi -

Best Friends Kahit Parents .Corny noh,  may mommies ba na hindi? Sa BFKP may 5 rules.

 First: Sabay yumaman. Natupad na nila ata yun, pa.humble ako :P Pero seriously, nagsosyo sila nang business after naggraduate si Mommy nang culinary so yun, may restaurant kami and oh, if there’s a word that describes my mom and tita’s friendship… it would be WEIRD and dahil ganun nga sila they named their restaurant “A Salt and Buttery”  So far, it’s going pretty well.

Second: Live in the same subdivision explaining why nasa tapat lang nang bahay namin ang kina Garreth which leads to pagiging close naming since ewan… fetus? Kilalang kilala ko na yang Garreth na yan and kaya alam ko na isa sa favourite niya ang pancakes… bat di niya kinain? T.T

Third: Both are pregnant at some point. Imagine??? Ang liliit nang brains. Magbabanggaan ba sila ng tiyan? Pero in fairness na tupad din to. Explain ko sa next rule.

Fourth: and this is the stage na pinipilit na nilang pinaprocess and by far ang pinakamahirap, di sa side nila kundi sa akin. Marry the first born girl to the second born son. Nabuntis si Tita Cassi before pa nagpakasal si Mommy kay Daddy, eh si Blaine lumabas, ang kuya ni Garreth na di ko na naabutan kasi sa parents ni Tito sa Spain siya pinatira and pinag-aral plus out pa siya sa qualifications. Sayang nga di ko nakita, ang gwapo na siguro nun. After 2 years nbuntis uli si Tita kay Garreth and months after nabuntis na din si mommy which was the fulfilment of the third rule. I was that first born girl so yes, tama conclusion niyo. Maganda ako… ay, di ba yun? WALEYY! >.< Oo na, engaged na ako sa mokong na di kinain ang pinaghirapan ko. Pero this rule is nothing compared to the last one.

Fifth: Be a grandmom by 65 from the product of rule 4. 54 si mommy, 57 si tita. Dapat matupad ng last rule in the range of 8-11 years! Gosh, may rush ba sa pagpapagawa ng babies? 19 pa nga lang ako ganito na kaheheavy ang pinoproblema ko, paano pa kaya pag nag 21, pagpapalipat na sa sambayanang Earth sa bagong planet? Naman… heeelpp?? T_T

“ARAY!!” Ano ba yun, ang sakit sa ulo. Nagtawanan pa sila, napahiya ba ako? Ano bang nangyari?

“Miss Gabrielle Yassi de Silva, will you ever stop day dreaming? Nagtawanan na naman ang buong class, akala mo sinong matatalino, ako naman ang first ang sakit talaga ng ulo ko.

“I was just thinking of something and no offense Ma’am, I think that being preoccupied is not that valid a reason to be thrown something at”  Taray ko. Dapat din lang naman niyang malaman yun.

“Actually sis…” Mau? “… ako nagtapon nun. Para ka kasing sira ulo tingnan kanina”

At BOOM, tumawa na naman buong klase, nakijoin pa talaga si Ma’am ha. Ka.asar. Mahal ko tong si Mau, pero minsan parang gusto ko lang sakalin at balibaliktarang sapakin eh.

I Courted My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon