Asymptote

23 3 0
                                    

Ever been in a situation where you have this person you love but then your ex came back and everything became a mess?

Parang tanga 'no? Hindi ko alam kung anong nagawa ko nung past life ko at ganito na lang ako paglaruan ng tadhana.

Gagong tadhana.

"Babe," napatingin ako sa kaniya. Yung lalaking mahal na mahal ako. Hawak niya ang kamay ko at maamong nakatitig sa'kin.

"Hmm?"

"You're spacing out again. Why?" Ngumiti lang ako at umiling. Sumandal ako sa balikat niya at tumitig sa t.v. screen.

Nasa bahay nila kami ngayon. Nagmo-movie marathon. Day-off namin pareho. Ganito kami palagi. Kung hindi mamamasyal, kakain. Kapag tinatamad kami pareho, nauuwi kami sa ganitong set-up. Pero masaya na kami sa ganito. Masaya na ako sa ganito. Wala nang mas sasaya pa sa mga simpleng bagay kasama ang mahal mo sa buhay.

Pero ngayon, hindi ko magawang sumaya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang bigat ng puso ko. Bakit pa kasi? Bakit kailangan pang magtagpo ulit?

Nag-uusap ulit kami. Yes. Yung ex ko at ako. At hindi ko itatangging mahal ko pa siya.

Ang tanga ko ba? Siguro nga.

Umamin din siya sa'kin. Mahal niya pa raw ako. Pero hindi p'wede. Hindi na p'wede. Pareho na kaming in a relationship ngayon. Pareho rin namin silang mahal. Pero mahal pa namin ang isa't isa.

Tangina.

Ang gulo na. Now, we're both like cheating. Nag-uusap kami. Nagkikita. Masaya ako na nalulungkot. Masaya kasi heto nga, nagbabalik yung mga panahon na magkasama kami. Pero malungkot kasi mahal na mahal ko rin ang boyfriend ko.

Ang bigat sa puso.

— — —

"Hey," magkaharap kami ngayon. Nagkita ulit kami.

We both smiled at each other.

"Saan tayo?"

"Kain muna tayo." Tumango lang ako saka niya hinawakan ang kamay ko.

Kumain muna kami bago pumunta sa Enchanted Kingdom. Hindi ko alam kung anong trip niya. Pero sumama pa rin ako kasi gusto ko. Nakapatay ang cellphone ko. Day-off ko ngayon pero siya ang kasama ko. Nag-text lang ako sa boyfriend ko na may kailangan lang akong puntahan. Na magiging busy ako buong araw.

Bahala na.

Pagkarating namin don, sumakay agad kami ng mga rides. Nagtawanan sa isa't isa. Nag-enjoy.

9 pm na nang magyaya akong umuwi. Pero gusto niyang tumambay pa muna kaya nagkape muna kami. Nagkwentuhan. Nakamamiss yung ganito.

Yung masaya lang kami. Yung nagmamahalan lang kami. Ngayon kasi iba na. Ibang-iba na. Hindi na p'wede.

"Hey,"

Hinawakan niya ang kamay ko. Malambing na pinisil. Sumandal ako sa balikat niya. Gusto kong maiyak. Bakit ganito? Bakit kailangang ganito pa ang mangyari?

AsymptoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon