Chapter 5

53 9 45
                                    


"Luge ka pa, Julia ako lang 'to." Ang yabang amp. Hinampas ko siya tapos inirapan. Nakuha pa niyang tumawa!

"Ang hangin mo buwisit ka!" umalis na ako, kase sobra hangin don.

Nagtuloy-tuloy ang mga kaganapan, yung Jail booth ayon bentang-benta na, ipahuli daw ba kasi lahat ng may lawit. Puro bastos na term ginagamit nila rinig na rinig hanggang sa office. Meron pa isa kanina lahat ng bakla huhulihin, hala ayon, Ang selda puno ng sirena!

Kanina pa din kinukuha si Kevin ng CAT Officer kase ang haba ng listahan ng pakakasalan niya, dalawang selda binabantayan ko paro't-parito ako sa selda na hawak niya dapat, saka sa selda ko.

Ngayon pupunta ako sa Badminton Court kase itong si Joshua laro daw kami ganon. Pagkapasok ko sa gym nakapabilog sila para mag warm-up, binati ko sila tapos pumwesto na din ako. Kadadating lang din ni Troy nung pumasok ako. Halos kasabayan ko lang 'yong bwiset na yon.

Si Joshua at Faye ang nag lead ng warm up tapos may background music pa, at si Joshua parang abnoy sumasayaw ng Bboom bboom. Kala ko ba stretching? Di naman ako nainform na kpop warm up pala to? Anyare hahaha. Pero dahil bagot na bagot na kaming lahat sa Bboom bboom at laman na ng sistema namin yon umaga hanggang gabi eh sinigawan na namin siya at binato ng bimpo, sabi pa ni Joshua "Minsan na nga lang eh, huhu." After ng stretching na parang hindi naman talaga stretching pinair na kami ni Joshua.

So...

Me vs Troy

Annie Mae vs. Heimish

Joshua vs Faye

Zayi vs Paige

Lani Referee

At ang mokong ipinartner pa nga ako sa isa pang mokong. Tapos sabi pa niya bago mag start punta sa partner kase getting to know each other daw muna.

"Hoy Troy Ermendez. " bungad ko kaagad. May atraso pa to sakin eh. Girlfriend 'kuno' niya daw ako.

"Grabe naman na-miss mo kaagad ako babe," nakakadiring sagot niya. Nakakadiri ngumisi-ngisi pa.

"Alam mo? Yung confidence mo parang ikaw." Banat ko na kaniya.

"Baket, kase gwapo ganon?" sagot naman niya.

"Hindi. Kase mataas pero panget." Pang babara ko naman.

"Ang corny ng banat mo eto, Alam mo ba naiinis ako dahil hindi magkatabi ang I saka U sa alphabet?" ano ba yan, babanat palang pero di ko na magets. Corny to for sure. Pero sige pagbigyan.

"O eh baket naman." Pagsakay ko sa trip niya.

"Kase U and I are meant to be together." Tapos tinuro niya ako at yung sarili niya.

Ano ba yan, sabi na corny eh. Pinagkatitigan ko lang siya na parang walang pake. Alam ko na yang mga ganyang banat, paasa yang ganyan!

"Ang ano mo kausap, di ka makiride-on." Tapos nag make face kunwari nagtatampo.

"Osige, can I ride you?" Wtf, Julia?!

Humagalpak ako ng tawa dahil sa itsura ng muka niya, mukang nakakita ng multo hahahahaha!

"Joke lang, asa ka naman." Pambawi ko sa kalokohang sinabi ko kanina.

"Hindi pwede, walang bawian Hoy madaya ka!" sigaw niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang players na nasa bleachers den.

Ano di niya ba na-gets yung sinabi ko? Siguro nga hindi, siguro ako lang bastos utak dito.

"K. " tipid na sagot ko sa kanya bahala siya sa buhay niya.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon