Chapter III

72 4 0
                                    

"To handle yourself, use your head; to handle others, use your heart."💋 -Eleanor Roosevelt

©kleindwight

Third Person Pov

Nagmamadaling umalis si Raine sa elevator, sa inaakalang may multo. Agad naman siyang nakarating sa H.R. para sa gaganaping interview.

Bumungad sa kanya ay ang napakaraming aplikante na naghihintay para sa kanilang panahon.

Iba't iba ang mga nararamdam nang mga aplikante, may mga ninenerbiyos, may ubod ng hiya at walang hiya, may sobrang taas ng confidence at mababa, may tahimik, maingay, nagdadasal, namamawis, naiihi, natatae, samot saring tensyon na bumabalot sa labas ng H.R.

Sa mga nakikita ni Raine, namutla siya bigla dahil di rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

Pero lagi niyang iniisip na para sa kanyang pamilya ang gagawin niya at dito nakasalalay ang kinabukasan ng kanilang pamunuhay. Lumipas ang ilang oras at tinawag na siya.

"Larissa Raine Caridad?" pukaw pansin sa kanya.

"Nandito po." kinakabahang sabi niya.

Nangangatal na nga ang kanyang mga labi.

"Pumasok ka na." tawag sa kanya ng babae.

Habang papalapit na siya sa pinto kung saan naghihintay ang kanyang pangarap, tahimik na nananalangin sa diyos.

'Papa God, sana po gabayan niyo ako sa aking gagawin ngayon, ito na lang po ang tanging pag-asa nang aming pamilya para makatamasa ng maginhawang pamumuhay. Sana matanggap ako.' pagdadasal niya.

Pagkapasok niya, nakita niyang may dalawang tao na nakaupo sa silya na may mesa at seryosong sinusiri siya habang papunta sa gitna. Ang isa ay may edad na babae, at ang isa nama'y nasa 40's palang.

"So you're Larissa Raine Caridad, 24 years old, single, a magna cumlaude, graduated at Unibersidad ng Katalinuhan, at dating call center." seryosong sabi ng lalaki.

"Yes sir." kinakabahang sagot niya.

"What made you think applying in this company and why should we hire you?" kalmadong tanong ng lalaki

"Grabing this opportunity to work in one of the big name companies and a well-known business throught Asia is a dream come true as an applicant." sabay hingang malalim.

"I apply not because of the company background but a the key to give my family a healthily life to do my best shot to be an effective and trustee employee. Discovering new things in a new environment, enhancing skills, broad knowledge, and take a path to work on a different field. A time to prove myself and giving the responsibilities as an employee." taas noong sagot niya at hindi pinahalatang kinakabahan siya.

Abot hanggang langit ang kaba niya matapos siyang sumagot dahil sa tinging pinapataw sa kaniya.

Talagang sinusuri at tinitest siya kung hanggang saan ang kaya niya. Pressure na pressure siya pero lagi niyang iniisip na para sa pamilya niya kaya niya ito ginagawa.

Raine Pov

Jusko naman, talagang ginigisa na ako ng mga taong dito, buti na lang at nasasagot ko ito ng maayos na may confidence.

Nakaka pressure at nakaka sira ng beauty. Sana naman ay matanggap ako, dahil para ito sa pamilya ko.

Napapitlag ako nang biglang magsalita yung head.

"Tatawagan ka na lang namin Ms. Caridad." kalmadong sabi niya.

"Salamat po. Aalis na po ako." paalam na may halong pagka dismaya dahil sa sinabi nila.

Bakit parang uso yang 'we will call you' na yan? Di ba nila alam na malas yang salita na yan para sa akin. Nakaka inis pero hahabaan ko ang aking pasensya dahil para sa kapakanan ito ng aking pamilya.

Tiwala sa sarili rissa, kaya mo yan. Matatanggap ka at mapapasayo ang trabaho. Hayy, makauwi na nga lang.

-------
A/N: Keep reading and supporting fellas.

Larissa Raine Caridad attire at the multimedia.

Love you💋

Sinful Love Series 1: Just My BossWhere stories live. Discover now