Chapter VII

30 2 0
                                    

"There are charms made only for distant admiration ."💋 -Samuel Johnson

©kleindwight

Rain Pov

Nakarating na kami sa restaurant na pina reserve niya sa akin kanina. Pero, ba't parang ang tagal ata ng biyahe namin. Kung tutuusin mahigit labing limang minuto lang ang biyahe papunta rito.

Nasobrahan ata ang pagpapantasya ko kay sir tsaka feeling ko nga, bumagal ang oras kanina. Hehe! Landi ko na talaga.

Pagkapasok namin ay may lumapit sa amin na waiter at inanyayahan papunta sa mesa namin. Masyadong pa VIP ang dating namin ni sir.

Ano pa bang aasahan natin sa isang multi-billionaire na kagaya niya. Hay! Napakahirap abutin.

Hindi na kami umorder dahil mukhang alam na nila kung ano ang usual na ino-order ni sir. Suki ata siya dito sa resto na ito.

Maya-maya dumating na ang pagkain namin. Isa lang ang masasabi ko: Ang kukuripot nilang magserve.

Ba't ang konti ng pagkain tsaka wala pa namang kanin. Buti sana kung sa karinderya, madami na nga ang ulam tsaka may kanin pa.

Tama, pang-mayaman nga pala ang restaurant na ito at gininto ang halaga ng mga pagkain na ito kahit kukonti. Kaya dapat hindi na kagulat-gulat.

Tsaka di ko alam na ganito pala ng sineserve na pagkain sa mga mayayaman, alam niyo na sa karendirya ako nagtatrabaho hindi sa sosyalin na ganito.

Mag-ingat. Hirap ng makabasag ng baso, baka ang halaga pa ay gininto. Kung ganito ka konti ang kakainin ko,  para na akong nagdidiet nito.

Di ko naman magawang magreklamo kasi si sir ang nagpapunta sa akin dito. At baka masisante ako ng wala sa oras.

Nabulunan ako ng biglang magsalita si sir. Kakagulat eh. Kita naman niya na kumakain pa ako sa pagkaka-kuripot na pagkain.

Agad niya naman akong binigyan ng tubig. Nang mahimasmasan ako ay nagsalita na siya.

"Can you be extra careful to yourself? Food won't run Ms. Raine." ayan na naman, galit agad.

Siya nga ang may kasalanan kung ba't ako nabulunan. Bigla ba naman magsalita habang kumakain ako. Extra careful? Neknek mo sir. 

"And about what I said a while ago, gusto kong pumunta ka sa branch ng kompanya sa Tagaytay, it's a resort actually. Irereport mo sa akin kung ano ang mga nangyayari, the progress and also the sales, kung tumataas ba ang rating or may bumaba. Don't worry, the manager there will accompany you. And if your done, let's go." malamig na saad niya. Cold stone, psh!

Nang tumayo na siya, hudyat na kailangan na naming umalis. Kahit di ko pa naubos ang kuripot na pagkain, ninanamnam at nilalasap ko pa kasi.

Sayang naman ang binayad ni sir kung di ko man ma enjoy ng isang subuan lang. Dali-dali akong sumunod sa kanya para iwas sisante.

Pagkapunta ko sa parking lot ay agad akong pumasok at pina-andar na niya ang kotse hanggang sa makarating kami sa kompanya.

Agad akong bumaba at sinundan si sir papunta sa office namin. Ang tahimik namin sa loob ng elevator, walang ni isa ang nagsalita. Naku, baka kapag nagsalita ako, papatayin ako ni sir gamit ang mga nakakatakot na titig niya.

Para pa naman siyang demonyo. Hehe! Wag kayong maingay, atin-atin lang to. Shet! Ito ba ang parusa sa pangbubully ko kay sir sa utak ko.

Ang bilis nga naman ng karma. Napaka sama ng timing. Buglang ba namang tumunog na parang bombang sumabog at dito pa sa elevator.

Kung san pa bad mood si sir, doon pa nag sabog. Worst? Walang bintana at sobrang tahimik maririnig talaga. Galing pa iyon sa aking mumunting puwet.

Shotang malagkit! Napatakip agad ako sa aking bibig dahil sa gulat at kahihiyan. Ang lakas pa naman ng tunog pero laking pasasalamat ko at walang amoy.

Ngunit biglang lumingon si sir sa akin at napayuko ako agad. Di ko kayang tingnan si sir dahil sa kahihiyang ginawa ko.

Alam kong masama ang tinging pinupukol sa akin ni sir ngayon pero ayaw kong itaas ang aking ulo at humarap sa kanya baka mapatay niya ako ng wala sa oras.

Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nandito na kami sa kung saan ang aming opisina. Agad agad akong lumabas at hindi na hinintay si sir. Iniwan ko siya agad dahil sa kahihiyan.

Bago pa ako makalabas, namutla ako bigla ng magsalita si sir.

"Ms. Raine. " malamig niyang sabi na nakakakilabot. Pagkatapos niyang sabihin ay umalis kaagad.

Pusang gala! Masisisante ako ng wala sa oras nito. Pahamak na pwet, bakit kasi umutot ka pa, sana naman nagpigil ka. Lord help me!

-------

Sa wakas at nakapag-update na rin. Sorry kung bitin.
😊

A/N: Keep reading and supporting fellas.

Love you💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sinful Love Series 1: Just My BossWhere stories live. Discover now