Chapter one—
Tahimik lang ako sa sulok ng room habang ang mga kaklase ko ay parang naka-kawala sa zoo. Ang iingay nila. Wala pa kasi ang professor namin. Well, nothing new. Lagi naman 'yon late. Hays.
"Okay! Okay! Calm down everyone. Sorry, I'm late." Buti naman! Bigla namang tumahimik mga kaklase ko. Takot lang nila bumagsak 'no.
He started the slideshow of the famous artists. Yep, it's art class. My favorite of all. I love art a lot. 'Pag bored ako? Art. Sad? Art. Happy? Art. Angry? Art. I draw a lot. Whatever I feel or whatever I'm doing, I need to draw it.
The class ended so fast. Hays. 'Pag talaga favorite mo 'yong subject sobrang bilis ng oras.
I was putting all my books inside my bag when Mr. Salazar called me. "I have a project for you, Ms. De Guzman." Pumunta ako sa may table niya.
"Po? What kind of project po?" I sat down sa may chair malapit sa desk niya.
"A client wants a painting with a very unique concept. She wants the painting to be real. Not literally real pero she wants the story you're telling to be realistic." I nodded.
"What kind of concept po ba ang ine-expect niya?" I asked.
"Love and letting go." Sabi niya at tumayo na. I was shocked kasi iba 'to sa usual artworks na ginagawa ko. It'll be a challenge for me because kahit ako, I still can't let go the hate and love.
"I suggest you should find a partner for this. I think it'll be a really good idea." Sabi niya at tumingin sa wristwatch niya. Kinuha na niya din ang mga gamit niya. "I need to go now, Ms. De Guzman." I nodded.
Partner? Sino naman?
—
"Papa! 'Dito na po ako!" Sigaw ko habang tinanggal sapatos ko.
"Oh, anak? Kamusta school?" Tanong ni papa habang papalapit sa'kin.
"Okay lang po. May bagong project po ako." Sabi ko sabay hug sakanya.
"Aba! Ang galing galing naman talaga ng anak ko." Papa kissed my forehead na nagapatawa sa'kin ng mahina.
"Pa, gutom na po ako. Ano ulam?" Nilapag ko yung bag ko at portfolio sa may sofa at dumiretso sa table. Gutom na gutom na'ko!
"Favorite mo, anak. Sinigang!" Papa chuckled at nilabas ang sinigang. Omg! Favorite ko 'to since bata pa ako.
"Aaaah! Thank you Pa! Alam mo talaga pa'no ako pasayahin lalo na't pagod ako." Dali-dali kong kinuha yung plato at kanin. Sinabawan ko yung kanin na akala mo binaha na. Ganto talaga ako kumain ng sinigang.
"Ikaw pa." Hinimas ni Papa ang buhok ko habang pinapanood niya ako kumain.
"Kain ka na din po." Ngumiti lang sa'kin si Papa.
"Kukuha ako ng tubig mo, sandali lang." Dumiretso si Papa sa ref at kumuha ng tubig ko. Ano kayang ginawa ko noon at nabiyayaan ako ng ganitong Papa?
Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na 'ko sa kwarto ko at nagpahinga. Napagod kaya ako.
Si Papa na lang ang mayroon ako. Si Mama? Tsk. Ni hindi ko nga ko makahinga 'pag tawagin siyang Mama. She left me and my Papa when I was 7. She's now married to another man. Ni minsan 'di niya kinamusta ang lagay namin ni Papa.
Galit ako. Galit ako kasi hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali noon. Galit ako kasi gusto kong sabihin niya sa'kin ano man iyong kinagagalit niya para baguhin ko. Galit ako kasi naiinggit ako sa iba na may Mama. Galit ako kasi napakadali lang sa kaniya na iwanan kami at talikuran. Galit ako kasi kahit anong gawin 'di ko magawang magalit sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Art Of Letting Go
Подростковая литератураthe art of letting you go hasn't been a graceful one. -the chaos of longing by k.y. robinson