Page 1

8 2 0
                                    

Page  1
 
.
.
.

Kasalukuyan akong naglalakad sa kung saan-saan at tumitingin sa mga taong dumadaan. Napakaraming tao at mga turistang pumupunta dito. Ang ganda kasi ng lugar na ito, walang sinabi ang Boracay sa Palawan.

Hindi na talaga ako magtataka kung maraming tourist ang pumupunta rito dahil talagang napaka ganda ng lugar. Malinaw na tubig, maputing buhangin at isama mo pa ang mga nagagandahang mga isla. Napakabait pa ng mga tao at napaka hospitable sa mga turistang pumupunta dito.

May nakikita akong tumitingin sa akin at ngumingiting mga lalaki habang naglalakad ako. Para silang may nakita na artista eh ako lang naman ito at ayaw ko ng ganon.Ayaw kong may tumitingin sa akin dahil parang naiilang ako. Pero hindi ko sila masisisi kasi sabi ng mga kamag-anak ko ang ganda ko daw talaga tignan. Maganda daw ang mata ko, mahaba ang pilik-mata, pormado ang kilay kahit hindi inaahitan, matangos ang ilong pero sakto lang yung katangusan, divided at pinkish lips, divided chin, at mahaba ang mukha. Sa katawan ko naman medyo payat ako pero sakto lang para sa katawan ng isang babae, matangkad at medyo may kaputian din ako kaya sabi nila complete package na daw ako dahil bukod sa maganda daw ako kahit papano magaling naman ako sa klase at mataas ang grades ko sa school ko bilang college student.

At magaling din akong kumanta sabi nga nila kaboses ko daw si 'Jonalyn Viray' o mas kilala bilang 'JONA' sa telebisyon at sang-ayon naman ako doon kasi buo at malalim ang boses ko, sabayan mo pa na marunong akong bumirit ng mga matataas na nota.

Siguro nagmana ako kay Papa sa itsura at kay Mama naman sa talento ko.

Pero kung idedescribe ko ang sarili ko simple lang naman ako hindi ako maarte total hindi naman kami sobrang mayaman. Kapitan na Seaman ang aking ama at nagtratrabaho naman si Mama bilang Secretary sa isang kilalang kompaniya.

Only daughter ako kaya mahal na mahal ako ng aking mga magulang kaya ginagawa nila ang lahat para mabigyan ako ng magandang kinabukasan gaya lang ni Papa na nakikipag sapalaran sa laot kahit malayo para maibigay ang mga pangangailan namin ni Mama.

Kaya nga kaming tatlo ay nandito sa Palawan upang magbakasyon kasi aalis na naman si Papa mga ilang araw na lang dahil pinapabalik na siya sa barko.

Habang naglalakad, napadpad ako sa mga nanininda ng mga souvenirs. Ang ganda ng mga paninda dito iba't-ibang klase, may mga hats, keychains, t-shirts, at mga accessories.

Tumitingin-tingin ako sa mga nagagandahang paninda. Sinusukat ang mga T-shirts, sinusuot ang mga accessories at naguguluhan kong ang mga ito ba ay bibilhin o hindi ng biglang.

"Ineng anong gusto mo dito? Pili kana iha"

Nakangiti siya sa'kin at minamasdan akong mabuti. Tunay ngang mababait ang mga nandito. Isa siyang medyo may katandaan ng babae, mga nasa mid-70's na siguro siya pero presentable parin siyang tignan kahit makulubot na ang kanyang itsura.

"Ang ganda mo iha"

"Po?"

"Sabi ko ang ganda mo"

"Huh?eh?....salamat po Lola"

"Taga saan ka ba?"

"Uhmm taga Maynila po, nandito lang kami ng pamilya ko para magbakasyon." Nakangiti at magiliw kong sabi.

"Ahhh kaya pala sobrang ganda mo. Anong bang pangalan at edad mo?

Nag-atubili pa akong sagutin siya dahil hindi ko naman siya kilala pero mukhang mabait naman siya.

"Ahh ako po si Gracious Pearl Garcia, 19 na po ako at third year college na"

"Oh ano nagustuhan mo ba ang lugar namin?"

"Ah opo sobra ang ganda ng mga tanawin at dagat dito sa Palawan. Kung maaari nga po'y dito na lang ako tumira dahil nakakawala ng mga problema at stress sa buhay"

"Oh eh bakit ka napadpad dito?"

"Naglalakad po kasi ako, tapos nakita ko ang nagagandahang mga paninda dito, bagay pang souvenir at gawing pang remembrance pag uwi ko"

"May nagustuhan ka na ba? Ano ba hinahanap mo? Mayroon kaming mga printed shirts and accessories dito, mura pa"

"Yung mga accessories po ang mga gusto ko sana"

"Ano ba ang bagay sayo...?"

May hinahanap siyang mga kung ano-anong mga bracelets na may mga tatak, mga pitaka na gawa sa shell ng niyog, at may mga kwentas.

"Ah eh eto gusto mo bang mga kwentas na ito? Ito oh tingnan mo"

Ipinakita niya sa akin ang isang kwentas. Simple lang siya kung iyong titignan, pero hindi siya karaniwan sa mga kwentas na palaging sinusuot ng mga tao dahil ang kwentas na ito ay kakaiba ang porma. Bilog na itim tapos may mga white strings na parang hugis web ng gagamba and then may mga nakasabit na mga puti at iba't-ibang kulay na balahibo na mga maliliit. Tapos black ang pang hikot sa leeg na parang yarn lang. Pero kahit kakaiba, magandang tignan naman ang kwentas na ito.

"Ano po iyang kwentas na iyan?"

"Ah ang tawag sa kwentas na ito ay Dream Catcher"

"Ano naman ang ibig sabihin no'n?"

"Sinasabi ng iba kaya daw'ng pigilan at itaboy ang mga masasamang panaginip ng kwentas na ito"

"Ganun po kakaiba naman"

"Nakikita mo ba ang parang bahay ng mga gagamba na ito?"Pinakita niya sa aking mabuti ang kwentas na hawak niya. Tinuro niya pa yung strings of web na color white.

"Dito daw parang pinipigilan ang mga masasamang panaginip para hindi ka bangungutin. Ikaw nagkakaroon kaba ng mga masasamang panaginip gabi-gabi?"

"Minsan lang naman po hindi naman madalas dahil nagdadasal naman ako before matulog"

"Oh eh mabuti naman kung ganun pero kunin mo na malay mo totoo ang sabi nila tungkol sa kwentas na ito diba?"

Nag-aalangan pa ako kung bibilhin ko ang kwentas na ito. Pero wala namang mawawala pag isusuot at susubukan ko diba?

"Ah sige po bibilhin ko, magkano?"

"Hindi kunin mo nalang libre ko para sayo"

"Hindi naman po pwepwedi iyon dapat bayaran ko kayo"

"Hindi...wag na...basta suotin mo nalang" Nakangiti niyang sinabi at kinuha ang kwentas at...

"Tumalikod ka iha isusuot ko ito sayo"

Sumunod naman ako sa kanya at tumalikod nga ako. Pagkatapos niyang isuot saakin ang kwentas kinuha niya ang salamin sa loob ng tindahan niya at binigay niya sa akin.

"Tignan mo"

Tinignan ko nga sa salamin at nakita kong bumagay nga saakin ang kwentas. Ang ganda palang tignab ito pag sinuot na kahit kakaiba maganda parin naman. Depende lang siguro sa sumusuot nito.

"Ang ganda nga po nito"

"Bagay na bagay sayo iha"

"Salamat po talaga dito Lola"

"Walang anuman"

"Ano pong pangalan niyo" Pero ngumiti lang siya sa akin.

"Sige na iha umalis kana baka hinahanap ka na ng pamilya mo dahil mag gagabi na"

Hindi ko nga naman namalayan na mag gagabi na pala at naka-on na ang mga ilaw sa kalsada.

"Ay hala oo nga, sige po alis na po ako, maraming salamat po sa kwentas na ito"

Ngumiti lang siya sa akin at tumalikod na dahil may bagong customer na bibili ata sa kanya. Kaya nagsimula narin akong maglakad ng mabilis dahil babalik pa ako sa Hotel para maghapunan kasi gumagabi na talaga.

______________________________________
Author's Note:

Dito lang muna kasi mag-iisip pa ako ng mga pangyayari sa susunod na chapters. Anyway just follow me on Facebook 'Charotero WP'.

- C h a r o t e r o

ALL IS JUST A DREAMWhere stories live. Discover now