Sorry dahil nalate yung chapter ba to. Dapat nung 14 pa to kaso na busy ako mga mamsh.
Belated happy monthsary nga pala sa MHG at MHG Casts. So eto na! Enjoy!
-----
Eager's P.O.V
Nandito kami ngayon sa bahay ni bebe Whale. Kumpleto lahat kami at kasama din namin si inang.
"Hoy inuman na guuuyssssss." Sabi ni Whale habang may dalang dalawang bote ng red wine.
"Bawal uminom si Eyerin." Seryosong sabi ni Vamps kay Whale.
"Ako din!" At nagtaas pa ng kamay si Pure.
"At bakit naman aber?" Tanong sa kanya ni Lake.
"Kasi nga pure pa ako." At inirapan si Lake. Humarap siya kay Whale at sinabing, "Juice lang okay na sa akin."
Inilapag ni Whale yung mga dala niya tapos ay bumalik ulit sa kusina para mag timpla ng juice.
"Tulungan ko na si Whale dahil baka magbusit yon." Natatawang sabi ni Sacker at sumunod sa kanya.
Nagsikuhaan naman kami ng mga baso at nilagyan iyon ng red wine.
"Oh yes! I love this!" Sigaw ni Germ ng maubos niya ang first glass niya.
"Love ka ba?" Sabi ni Hawk sa kanya.
"Oo naman! Di katulad mo!" Sigaw sa kanya ni Germ.
"Yan na naman ang mag ex." Sabi ni Chain at nilagok ang red wine niya.
"Patugtog naman kayo para di boring." Suggest ni inang Czelle sa amin kaya tumayo si Gym at nagpatugtog ng pang party na kanta.
"Tara sayaw tayo mga mamshies!" Sigaw ni Slade at nagsimulang magsasayaw ang bakla.
Aba marunong palang gumiling ang isang 'to. Ang buong akala ko ay si Hunk at Gym lang ang marunong gumiling giling.
"Abugh! Hunk, Gym, labanan niyo yan!" Sigaw ko sa dalawa.
Tumayo naman ang dalawa at nagsimula silang magsayawan. Walangyang mga bakla ito!
Habang nagsasayawan ay biglang dumating si Sacker at Whale na may dalang juice at gatas. Alam niyo na para kanino ang mga iyan.
"Gatas sayo, Eyerin." Sabi ni Sacker at inabot sa kanya ang baso ng gatas.
"Thank you." Sabi ni Eyerin sa kanya.
"Pwe! Bat ganyan sumayaw si Slade?!" Gulat na tanong ni Whale. "Ang panget parang siya!" Dugtong pa niya.
"Luh mas magaling pa nga akong sumayaw kesa sa iyo eh!" Sigaw ni Slade kay Whale.
Inirapan nalang siya ni Whale at uminom ng red wine.
"Bebe Whale." Narinig kong tawag sa kanya ni Eyerin.
"Bebe Eye. Bakit?" Whale
"May mga guest room ka naman dito diba?" Tumango naman si Whale. "San pwedeng mag stay?"
Hindi ko na sila pinansin dahil umupo na ulit sa tabi ko si Hunk na sobrang pagod kakasayaw kasama ang mga bakla.
"Hmm." At inabot ko sa kanya yung wine niya at ininom naman niya iyon.
"Thanks." Sabi niya sa akin.
Naglagay ako ulit ng red wine sa baso ko at ininom iyon. Ngayon nalang ulit ako nakainom ng ganito.
*After 3 hours*
Lahat kami ay sobrang ingay na. Yung iba ay knock out na dahil hindi lang red wine ang ininom namin kundi pati beer.
"Ayan lasing pa more." Narinig kong sabi ni Pure.
"*hik* g-gravesh ka namern *hik* pure *hik*" Lasing na sabi sa kanya ni Lake.
"Pweh! Baho ng hininga mo!" Sigaw sa kanya ni Pure dahil nilapit niya yung mukha niya nung sinabi niya iyon.
Habang nakatingin ako sa kanila ay naramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko. Nakita kong nakangisi si Hunk nung tumingin ako sa kanya. Kahit ang isang 'to ay lasing na.
"Hoy Hunk, lasing ka na." Sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya kumibo at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Bakit parang biglang uminit?
"Hunk." Nahihirapang tawag ko sa kanya habang inilalayo siya sa akin.
"Omyghad. May spg." Narinig kong sabi ni Seal.
"Get a room guys. Madaming kwarto dito sa bahay ni Whale." Sabi naman ni Gym. Aba at himala hindi nagseselos ang lolo niyo.
"Shh. Don't mind them, bah." Bulong ni Hunk sa kaliwang tainga ko and it sent shivers down to my spine.
"Tara na, Hunk. Iaakyat na kita sa isa sa mga kwarto dito." Sabi ko sa kanya at inalalayan siyang maglakad papaakyat.
"Use protection." Sigaw ni Chain sa amin.
"Hinay hinay lang ah!" Sabi naman ni Hawk sa aming dalawa.
"Hoy Hunk! I-shoot mo ah!" Tumatawang sabi ni inang Czelle.
"Basta ninong at ninang kaming lahat!" Pahabol na sigaw ni Whale.
Napailing nalang ako sa kalokohan nilang lahat. Binuksan ko ang isang kwarto na malapit sa may hagdan at doon hiniga si Hunk.
Knock out na si Hunk kaya inayos ko ang pagkakahiga sa kanya. Inalis ko ang sapatos niya at tinabi iyon sa sulok.
Habang inaayos ko ang kumot niya ay bigla niya akong hinila kaya heto ako ngayon, nakapaibabaw sa kanya.
"Bah." Sabi niya habang nakapikit pa din.
"Hmm?"
"I love you, bah."
Pwedeng pakisampal ako? Baka nananaginip ako ngayon at kung ano ano ang naririnig ko.
"Ano? Pwedeng pakiulit?" Para akong baliw dito na kausap ang lasing na ito.
"I love you, bah." Pagulit niya.
I pinched myself at nasaktan naman ako doon. Totoo nga. Hindi ako nananaginip ngayon!
"I love you too, bah." Sabi ko at alam kong hindi naman niya maaalala iyon kinabukasan dahil sa kalasingan niya.
Umalis ako sa pagkakaibabaw sa kanya at tumabi na sa kanya. Mabuti pang matulog na din ako dahil antok na antok na ako. Good night.
BINABASA MO ANG
MHG Characters Moments
HumorPuro ka savagehan, kacornyhan, kalandian at kalokohan ang nakapaloob dito.