HTSB C-5

13.6K 217 0
                                    

Kabado siyang kumatok sa pinto ng opisina ng kanyang Boss. kahit kinakabahan ay may parte ng sarili niya ang nasisiyahan. Makikita at makakausap niya kasi ito kaya parang blessing indisguise na din kung iisipin niya.

"Come in" sagot nito mula sa kabilang pinto.

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto.

Kita niya ang salubong na kilay ni Adam halatang may sasabihin itong di maganda. Ganun paman, gwapo pa rin ito sa paningin niya kahit kunot ang noo nito.

Tahimik siyang humakbang papunta sa harap nito.

"Have a seat", seryosong sabi nito.

Parang natigil ang oras nang makita niya ng malapitan ang mukha ng boss. Nahuhumaling siyang tingnan ang mapungay nitong mata, matangos na ilong at manipis na mga labing kulay pinkish.

Hayyy ang gwapo mo sir. Bulong niya

" what?!!," narinig nito ang sinabi niya. Agad niyang binalik ang sarili.

E-este sir bakit niyo po ako pinatawag? Natatarantang tanung niya.

"Well your report is not accurate",

Natutulala na naman siya. Di siya agad nakasagot.

" Ms. Annie are you listening to me?," dugtong ulit nito.

Ye-yes sir. Natatarantang sabi niya ulit.

"Give me an accurate report as soon as possible" seryosong sabi ulit nito.

"Ok sir I will do it for you", malambing niyang sagot.

"what?! Ms. Annie?? Are you sick", kunot noong tanung nito.

"Yes sir I'm sick because of you" Hindi na niya alam kung anung pinagsasabi niya. Nahi-hypnotize na siya sa presensya ni Adam.

Halatang galit na rin ito dahil sa mga sagot niyang nakakaloko. Natigilan siya nung bigla itong sumigaw.

"Ayusin mo itong report mo!! You give me headaches! Get out!!!!" Sigaw nito.

Halos masira ang ear drum niya sa sinabi ng boss. Halos isampal din nito ang papel sa pagmumuka niya. Agad niyang kinuha ang papel na tinapon nito sa harap niya.

"Ok sir, aayusin ko po ito" sabi niya at nag-madaling lumabas.

Halos malagutan siya nang hininga nang makalabas sa opisina ng boss. Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang nerbyos.Natawa siya ng bahagya. Kahit papanu ay nakita niya ng malapitan ang boss kahit napakasungit nito.

"Mars, anung nangyare?, tanung ni jenny

"Ayusin ko daw yung report ko mars di daw accurate", sagot niya habang tinitignan ang papel.

"Mabait ba si boss? Tanung ulit nito.

Napangiti siya bago nagsalita. " sinigawan niya ko mars"

"What?!" Napa kunot ang noo ng kaibigan sa sinabi niya. " tapos parang masaya kapa".

"Ok lang yun mars, nakita ko naman na malapitan yung mukha niya na parang anghel.

Umiling iling muna si jenny bago nagsalita. " muka ngang anghel pero ang ugali..... Hayyst mars tigilan mo na nga yan mukang masama ugali niyang love of my life mo" asar nito.

"Hayy....mars kung alam mo lang para akong dinuduyan sa hangin kanina habang kinakausap niya" nakangiting sabi niya.

"Juice colored patawarin niyo po si annie nag mahal lang siya nang taong bato" asar ulit nito at binalik ang tingin sa screen ng monitor.

Alam ni Annie na hindi maganda ang pinakita sa kanya ni Adam naiintindihan niya iyon dahil hindi rin naman siya makasagot ng maayos.

Ngunit kahit ganun ang nangyare masaya siya na kausap niya ito. Bulag na nga talaga siya pagdating kay Adam. Kahit pa sabihin nagmamahal siya ng isang taong bato na hindi kayang tumbasan ang pagmamahal na binibigay niya.

Late na siyang natapos sa pag aayos ng report. Ilang saglit lang ay inayos na din niya ang bag at pinatay ang computer. Nauna nang umuwi si Jenny. Kaya iilan na lang silang natira sa opis.

"Ms. Annie uuwi na po kayo" tanung ng utility nila na si Benjie.

"Oo, Hindi na mahirap sumakay ngayon wala ng trapik", nakangiting sabi niya.

Tumango ito bago nagsalita ulit. " Ingat po Ms.Annie"

Kumaway muna siya kay Benjie bago lumabas ng opisina at humakbang na papunta ng elevator.

Natigilan siya nung napansin niya si Adam na nasa gilid. Pauwi palang ito.
Ayaw niyang magsalita baka kung anu na naman lumabas sa bibig niya.
Napakurap siya nung makitang nakapasok na pala si Adam ng elevator. Pinigil nito ang pagsara ng elevator.

"Sasabay ka ba", sabi nito.

Para siyang natutunaw na yelo sa narinig. Parang ang sarap sa tenga nung sinabi nito.
Napangiti siya at agad pumasok sa elevator. Sila lang dalawa ang nasa loob.

Nakatayo siya sa gilid ni Adam kahit isang hakbang ang pagitan nila ramdam niya ang kuryente. Yung nakakamatay sa kilig isip niya.

Kung pwede lang pahintuin ang oras ay nagawa na niya.

"What's wrong?" Biglang tanung nito.

Natigilan siya mukang nabasa nito ang ekspresyon niya.

"Wa-wala po sir", sabi niya at ngumiti ng alanganin.

Sana bumukas kana elevator. Isip. Para siyang nasosofocate sa presensya ni Adam.

Nakahinga siya ng maluwag ng bumukas na ang elevator.

" hayy salamat", sabi niya

Takang pinagmasdan siya si adam.

Binawi niya ulit ang reaksyon.

"Ingat Sir bye", sabi niya at nag madaling humakbang. " baka kung anu pang masabi ko Sir kaya mauna na ko"bulong niya habang nagmamadaling humakbang.

Alam niyang may sasabihin pa ito ngunit wala na siyang balak malaman iyon dahil sa kabang nararamdaman

Hanggang sa paguwi ng bahay ay hindi maalis sa mukha niya ang sayang nararamdaman baliw na talaga siya kay Adam.

"Ate paning baliw kana ba?," tanung ng bunsong kapatid at nagpameywang sa harap niya.

Napatingin siya sa kapatid napa kunot siya nang noo nang makita ang suot nitong mini skirt.

"Hoy Roberto hubarin mo nga yang suot mo nakakasuka ka tignan."

Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. "Gosh ate, not Roberto I'm rhian", mataray na sagot nito.

"mama bakit hinayaan niyong magsuot ng ganyan si bunso?", sabi niya sa mama niya na nasa kusina.

"Nak, kahit anung pigil ang gawin naten dyan babae talaga yan", natatawang sabi nito.

Napahilot siya sa sintido, mukang magkakasakit yata siya dahil sa kapatid.
Palihim siyang ngumiti nang maalala ang itsura ni Adam

"Ma, look ate tumatawa ng walang dahilan" asar ulit ng kapatid.

Bahagya niya itong tinapik sa braso. At umakyat na papunta sa kwarto.

How I Seduce My Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon