***
Ngayon pala ang revealing ng ranking. I hope nasa top 5 ako. Nagpunta na ako sa hallway para makita ang aking place. madami narin nagsipuntahan doon, btw nakikita ang ranking sa mga tv na madadaanan sa hallway.
o yes! nasa 5th placer ako, 4th placer rin ang kaibigan kong si naya, nagiingayan ang iba ng dahil sa saya nandahil sa nakuha nilang rank, may iba namang mukang malungkot sa nalaman.
Paalis na kami,bigla akong natigilan kasi tinititigan ako ng lalaki nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinakal
nagsigawan ang ibang studyante, yung iba hinawakan para pigilan siya sa pagsakal sakin.
Habang yung kaibigan ko naman ay hinihila ako para makalayo sa lalaking yun. ng bitawan niya ako napahawak ako sadibdib ko at habol ng hininga, dahil sa gawang pananakal niya.
nandun saking gilid yung kaibigan ko at inaalalayaan ako nagulat ako ng nagsisigaw siya at sinsabi niyang "papatayin kita, papatayin kita!"
Nagsitayuan ang aking balahibo ng sinabi niya yon,pagkatapos niyang sabihin yun ay dalidali nilang hinila siya papaalis saakin.
Wala naman akong natatandaan na kasalanan ko sa lalaking yun,
habang pabalik na kami sa classroom pinagtitignan parin ako ng mga nadadaanan kong studyante,
-
Madaling natapos ang aming klase sa dahilan na may aasikasuhin daw ang aming proffesor.
Ng dahil sa wala na kaming sumunod na klase ay naisipan nalang namin ni naya na manatili nalang sa aming dorm, para magpahinga
nakatira kami sa schools, may dorms narin dito. Bakasyon nalang kami umuuwi sa sarisarili naming bahay
Habang papalakad kami may naririnig akong nagsasalita "mamamatay kayo,mamatay kayo" na parang bumubulong sa tenga ko. Nagtaasan ang balahibo ko "narinig mo ba yun naya?" Na may halong takot sa aking boses
Walang kamaang maang niya namang tanong na "ang alin?"
"wala lang" sambit ko.
Tumahimik nalang ako, mukang guni guni ko lang iyon, dahil sa sobrang kakulangan sa tulog dahil sa sobrang daming requirements na tinatapos
ng makarating nakami sa aming dorm binaba namin ang aming Gamit at sabay na nagtalon papuntang kama namin,
apat kaming magkakasama sa kwarto.
Kami palang ni naya ang nandito, at mukang may klase pa yung dalawa naming kasama
naalimputugan ako ng may narinig akong parang kumakatok sa bintana namin, nakatulog pala kami
Tumayo ako at nakita kong meron napala yung dalawa rito at nakatulog narin.
Nagulat nanaman ako ng may mahinang kumakatok nanaman sa bintana,
bumilis yung tibok ng puso ko at namamawis narin ako sa takot
dahan dahan akong pumupunta sa dereksyon ng bintana.
bubuksan kona sana to ng biglang nagsalita si naya
"anong ginagawa mo dyan?" Antok na antok na tanong ni naya
"Ah wala"
diniya nalang pinansin ang sinabi ko at muling nagpunta sakanyang higaan para matulog uliNagulat ako ng may kumalabog ulit sa bintana at may nakita akong isang itim na uwak na puno ng dugo,
nagulat ako ng nakitang nakatingin ito mismo saakin