"Divonne iha kailangan ng simulan ang incantation. Ano ba ang pumipigil sa iyo? Lumabas ka na ng silid. Malapit ng maghating gabi." katok ni Adalia sa anak alas onse trenta ng gabi ng Nobyembre taong isanlibo siyam na raan siyam naput siyam."Ina ayaw ko po gawin ito.Hindi tamang pati ang hinaharap ng aking anak ay silipin." umiiyak naman na sagot ni Divonne sa kanyang silid.
"Wag kang matakot anak. Kung kaya nating manipulahin ang mga pangyayari ay gagawin ko." tugon nito.
"Alam ko na ang kahihinatnan ng ating buhay ina." nanghihinang bulong ni Divonne. "Alam ko na ang nakatakda-"
"Kaya nga madali tayo't tingnan ang tadhana ng iyong sanggol para may magawa tayo" pangungumbinsi ni Adalia sa anak na si Divonne.
Alam niya kung ano ang kinakatakutang makita nito sa hinaharap.
Iyon din mismo ang bagay na kinakatakot niya noong ito naman ay niluwal. Ang nakatakdang mangyari sa kanilang lahi. Wala pang pumalya sa tadhanang itinakda para sa lahi ng Brañaeros. Ang pagtataksil at kamatayan sa pinakamasakit na paraan."Ina parang awa mo na ayoko makita ang tadhana niya. Alam ko na ang kahahantungan.
Madugong kamatayan para sa ating lahi sa tuwing sasapit ang taong may tatlo o dalawang numero na bilog sa hulihan. ""Kung ganoon kailangan nating ilayo dito sa ating bayan ang iyong anak Divonne. " ani ng kanyang Ina na tila naunawaan na malapit na magtapos ang taon at susunod na ang taong dalawamput libo.
Ang taong lalagas sa
lahi nila.
Nahanda na ni Adalia ang sarili para sa paghuhukom pero hindi si Divonne dahil sa kaluluwal pa lang na sanggol na si Deheune.Ang pagrami ng lahi ng Brañaeros ay hindi kailangan ng lalaking makakasama mo habang buhay kundi ang isang sanggol. Isang sanggol kada isang babae at ipapaasawa sa anak ng ibang kalahi nila para manatili and dugong Brañaeros.
"Iwan mo muna si Deheun riyan at malapit na ang hating gabi Divonne. Wala tayong ibang paraan para tuldokan ang sumpa ni Imelda" ani Adalia.
Ganoon nga ang ginawa ni Divonne at dali daling pumanaog habang suot ang itim na balabal.
Lumabas sila ng bahay at dumiretso sa bakuran. Halos naroroon na ang kabuoang lahi nila na natitira. Walang isa mang umalis sa bayan ng Mapola upang magtaksil maliban kay Aurora.I release...that which is not mine.
I release...all obstacles to my path.Pagsisimula ng invocation habang nakatungo sa ilalim ng bilog na bilog na buwan at napapalibutan ng iba't ibang kulay ng kandila.
Bawat isa ay sumasambit ng invocation habang hawak hawak ang itim na kandila upang maipalayo ang lahat ng negatibong enerhiya.I release...limiting beliefs
I release...fears and doubts
I release...those relationship that no longer serve my higher goodsTaos puso namang sambit ni Divonne sa inbokasyon habang iniisip ang kanyang supling na mahimbing na natutulog sa silid nila. Buo na ang loob niya. Kailangan niyang masulyapan ang hinaharap nito upang habang maaga pa ay maimanipula nila ang masaklap nitong hinaharap. Kahit sana para nalang sa anak niya.
Anak.Sana.Pagkatapos ng inbokasyon ay dahan dahan niyang ipinormang bilog ang kanyang dalawang kamay at itinaas, ipinaloob roon ang buwan.
"Good moon,
Round moon,
Full moon that appears,
Let me foresee
the future.
Of your divine
daughter Deheune.
In seventh day
I will dream,
The future of her,
So mote it be."Kalmadong bigkas ni Divonne.
Habang si Adalia naman ay inilabas ang isang amulet at librong puno ng wiccan spells upang dasalan.
"I call upon the power of Full moon's light.
Heed my call.
Charge this amulet so it may protect
your divine daughter Deheune.
May the power of the moon forever charge this amulet.
Thank you oh moon,
I am grateful with your energy.
Protect with this amulet."
BINABASA MO ANG
Deheune: Casters Descendant
أدب المراهقينDeheune is believed to be a witches descendant way back 1900.