Day three

14 1 0
                                    

4320.

Nagising akong may malambot sa aking ulo. It was Caleb's arm. Nakaunan ako doon.

Dahan dahan akong bumangon para hindi siya magising. His arm must've been hurting! May dumadaloy pa kayang dugo doon?

Bago pa tuluyang makatayo ay hinila niya ang palapulsuhan ko at inihiga ulit ako. He then wrapped his arms around me.

"Where are you going?" Aniya, nakapikit pa rin. Halatang kakagising lang because of his husky voice. Ngumuso ako. Nakatulog nga pala ako kagabi kakahintay sa kanya.

"You didn't wait for me last night..." his voice were hoarse. His tone is low like he's hurt.

Ang kamay ko ay idinaan ko sa kanyang tagiliran, trying to hug him back. Humigpit ang kanyang yakap sa akin.

"My head hurts last night kaya naitulog ko nalang. Sorry. Akala ko rin ay narito ka na kagabi pag-uwi ko."

Bahagya niyang niluwagan ang yakap sa akin para matitigan ako. "Why does your head always aches?"

Umiling ako at ako na ang nagbalik sa higpit ng aming yakap. "Pagod lang siguro 'yung mata ko dahil sa computer."

Hindi siya sumagot. We stayed like that for a long time. Ayoko na rin sanang bumangon pero I need to get up and cook for us.

"I don't want to eat breakfast. Or lunch. Let's just stay like this until tomorrow." I chuckled. Crazy idea, but I loved it.

"Is that you wish? The fifth one?" Hindi niya pa nasasabi sa akin kung ano yung gusto niyang gawin!

Umiling siya, his eyes still closed. Magtatanong pa sana ako pero bigla na naman tumindi ang sakit ng ulo!

Napabitaw ako sa kanya at hinawakan ang ulo. "What's wrong?"

Mabilis siyang umupo at inalalayan ako. "Ang sakit ng ulo ko." Gusto kong buksan ang mga mata ko para ipakita sa kanyang okay lang ako, pero damn, ang sakit talaga!

My head is throbbing painfully! Pati ang mga mata ko ay bahagyang nanlalabo. My heart raced, at bahagyang nanlamig ang pawis.

"Andra? Are you alright? Pumunta tayo sa ospital." Tumayo ito at inaalalayan ako para tumayo na rin at mag-ayos.

Agad akong umiling. Tumayo ako mag-isa, trying to hide the pain. "No, I'm alright!"

I tried convincing him, until everything turns black.

"Niana," tinig iyon ng lalaki. Bumagsak ang luha ng dalaga habang diretso ang tingin sa kausap na lalaki.

Ang binata ay malungkot na ngumiti. Pinisil ang mga kamay ng babae. "Marry me?"

I opened my eyes. Kumurap kurap ako. I dreamed about Niana and Charlie. The characters from my book.

Nakita ko ang dextrose sa gilid ng kama. I'm in my room. Sa gilid ko ay ang nakatulala na si Caleb.

Pinisil ko ang nakahawak niya kamay sa akin, telling him I'm awake.

Tumuwid siya nang upo nang makita ako. I smiled weakly. Hindi niya ako binawian ng ngiti. "Did I scare you?"

Diretso pa rin ang tingin sa akin. His jaw clenched, his sharp hawk eyes looks a bit tired and weary.

"Why didn't you tell me?" Nanigas ako. The doctor probably told him.

Nagtaas kilay ako. Sinusubukan makawala sa bagay na alam kong hindi ko na matatakasan. "You're sick, Leighandra!" Parang kulog ang boses nito.

Nagpakawala siya ng mga mura at pumikit ng mariin. Umupo ako sa aking kama. The needle in me felt very familiar. Sinubukan kong takasan ang sakit na ito ngunit hindi nagawa. Nagbabadya ang mga luha ko.

"Brain cancer? Damn it, Andra! You should've told me!" Galit ang tono ngunit isang kalabit lang ay parang manginginig na ang boses niya.

A tear fell from me at inabot siya para yakapin. I could've survived the five days before him knowing!

Oo, wala akong balak sabihin sa kanya. My plan was to be with him for a week, palayain siya at... umalis nang payapa.

Ang higpit ng yakap niya ay nagsasabing ayaw niya akong pakawalan. Not today, not ever.

My heart ached. It ached more than my head did.

"I'm sorry," hikbi ko. It was a soft whisper. Sorry, because I am sick. Not sorry, for not telling.

Nakayuko ito nang humiwalay sa aking yakap. Hinawakan ko ang kanyang baba para humarap sa akin. I searched for his eyes, only to find it filled with tears.

Nanakit na naman ang aking puso.

"I shouldn't have let you grow older without me. I should've followed you when you asked me to leave you alone." Tunog pagsisisi niyang sabi.

Umiling ako. "Shh, it's not your fault."

"Then let's do my wish."

Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi habang tumatango.

"Marry me."

7200 (Short Story)Where stories live. Discover now