Day two

8 0 0
                                    

2880.

Muli akong nagising sa aking kama. Hindi agad ako bumangon. My eyes are still heavy after crying so much last night. But despite that, it was the most peaceful sleep I had for years.

Pero ang mga pangyayari kagabi ay hirap akong alalahanin kung totoo ba iyon o panaginip lamang. But when I saw Caleb walking inside my room, it tells me that wasn't just a dream.

"Good morning," bati nito at dumiretso sa akin. Tumuwid ako nang upo at ngumiti sa kanya. Saan kaya siya sa natulog? Sa tabi ko? Sa comforter? Sa sala?

"I made breakfast." He kissed my forehead. I can't get used to this. Ang aga aga, pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa dibdib ko!

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hindi ako makapagsalita. I might have a morning breath!

Hinayaan niya akong mag-ayos muna ng sarili bago siya daluhan sa kusina. Eggs, bacons, toasted breads and pancakes. Can all my morning please be like this?

Amoy pa lang ng mga pagkain ay masarap na! "May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ko dahil nakaayos siya. He's wearing a light blue long sleeve polo. Again, folded up to his elbows. Halatang kakasuot niya lang noon dahil walang bahid ng lukot iyon sa ginawang pagluluto.

I eat as he answer my question, "I just need to see some designs in my office. Babalik rin ako kaagad. How 'bout you? Any plans for today?"

Siguro ay napansin niya rin ang suot ko. I'm wearing a skinny jeans and a simple white spaghetti top. I saw his eyes scan my top. May problema ba doon?

"I need to see my publisher. Dadaan ako sa opisina nila. You know... for the revisions."

Tumango siya. His face is still vacant and serious. "Are there boys in your office?" Anong klaseng tanong iyon?

"Hmm... meron naman, why?" His jaw clenched. Lalong lumukot ang mukha niya. His eyes looks so sharp at para bang binabasa ang nasa isip ko. Why does he look so good even when he's angry! Wait, why is he angry? My heart raced a bit.

"You're showing too much skin, Leighandra. Can you put a jacket on or anything?"

Halos masamid ako doon! I always wear spaghetti tops. Minsan nga ay crop top pa, e! Kinagat ko ang labi ko, trying to hide my smile. "Mainit, Cal." I reasoned out. "Isa pa, mabubuting tao ang mga lalaki dun sa pupuntahan ko. You're being judgmental."

Ang sarap marinig at ang sarap sa pakiramdam! "It's not because I don't trust them, Andra. I just don't like the idea of them being drawn to you. You look so beautiful at ayokong may poporma sayo. Specially when I'm not near you."

Nagbuntong hininga ito at pinasadahan muli ng tingin ang aking suot. Para bang handa na siyang tanggalin ang polo niya at itapal iyon sa akin.

Oh, how I miss my possessive boyfriend!

"Cal..." Malambing kong pagpapaawa. He sighed, "finish your breakfast." Aniya at naglakad paalis. Napikon? I pouted. Akala ko pa naman ay pipilitin niya pa ako hanggang sa magpalit ako!

Nagulat ako nang may telang pumatong sa balikat ko. Nang abutin ko iyon ay isang itim na flannel shirt. He went through my closet!

Natawa ako at itinaas iyon sa kanya. "It's not funny. Put it on, or I won't let you go to your office alone."

"You can't do that. I need them to publish my work." Taas noo kong hamon sa kanya.

Tinapunan niya ako ng tingin, "Then bring your drafts to me and I will find my own damn publisher to publish it." Umawang ang bibig ko. I'm enjoying this too much!

Natutuwa ako sa kanyang reaksyon pero kailangan ko nang itigil ang sariling kalokohan dahil baka magalit siya nang tuluyan. Tumayo ako at sinuot ang binigay niyang damit. He watch me put it on. Nang matapos ay nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

7200 (Short Story)Where stories live. Discover now