Unang Kabanata

36 2 11
                                    

Brrr. Sorry kung medyo magulo to hahaha 11:30 ko na kasi sinulat huhuhu.

•'•'•'•'•'•'•'•'•
Umuulan na naman.

Nandito lang ako sa kwarto ko ngayon at nageemote. Hayyy. Nakakainis naman kasi! Kung kelan nakapagreview na ako aa quiz namin para bukas saka naman magsususpend! Edi sana kagabi pa para naman hindi na ajo nagpakahirap--

"Antonette! Kakain na daw ng agahan, bumaba ka na at wag mo ng hintayin pa si mama na tawagin ka pa." Jusko naman etong kuya ko napaka-wrong timing. Gumaganda na nga yung monologue ko eh!

"MARIANNE ANTONETTE! SINASABI KO TALAGA SAYO NA BUMABA KA NA!" Jusko naman talaga kuya!

"Opo eto na po." Labag man sa loob ko ang pagsagot at ang pag iwan sa kadate kong bintana eh ayoko namang makalbo ni kuya no!

"Oh anak umupo ka na at kakain na tayo. Saktong sakto tong niluto kong nilaga para sa panahon ngayon ah." Sabi ni nanay with matching apron at sandok na kahoy pang hawak.

"Salamat po ma." Pasasalamat ko naman kay mama with matching 1000 watt na ngiti para naman ma-good vibes si mama at pumayag sa gusto ko.

Habang kumakain kami at busy si mama at kuya sa pag-uusap about sa sasalihang Science contest ni kuya eh sumingit na ako.

"Ma pwede po ba akong humingi ng 100?" At habang hinihintay kong sumagot si mama eh magchachant na ako sa utak ko na "pumayag ka, pumayag ka" pero syempre hindi mo makukuha lahat ng gusto mo.

"Sus ma, wag ka ngang nagpapaniwala jan kay Anny." Singit ni kuya na bigla na lang naging isang malaking pimple sa paningin ko at dahil na din sa kagustuhan kong umaalis na siya sa mukha ko/ sa bahay namin at maghayahay na para makadiskarte ako.

"What is wrong with you kuya?! Ma balak ko po kasing pumunta sa National Bookstore, may bagong release daw kasi na history book about kay Dr. Jose Rizal." And yes people hindi ako nagsisinungaling no, hmp.

Bigla namang ngumiti si mama at sinabing, "Bibigyan kita ng ibibili mo kung maghuhugas ka muna ng pinagkainan natin." Shookt si ako huhuhu ayoko pa naman sa lahat eh yung naghuhugas pero para kay Dr. Jose Rizal kakayanin ko to! Aja!
•'•'•'•'•'
At dahil dakila akong dalagang Pilipina with matching talented hands pa sa paghuhugas ng plato eh natapos ko din. At ang higit sa lahat binigyan ako ni mama ng tumataginting na *insert drumrolls*

......100 pesos.

At dahil nga sa umuulan at walang pasok naisip ko na lang na bumili ng mga history books sa NBS kung may bagong labas man.

At thankfully nakaipon naman ako ng 1000 sa baon ko nung nakaraang buwan. Humingi lang ako ng pamasahe at pang meryenda kay mama no, aka 100 pesos.

"Ano kayang bibilhin ko ngayon? Eto kayang history book na bihira lang lumabas o etong book ng Gen Math namin? Hayyss eh kung paturo na lang kaya ako kay Kuya Ken? Pero kasi naman---"

"Ate Marianne!" At dahil mukhang kilala ko na kung sino yung tinatawag eh lumingon na ako. At nung malaman ko kung sino na naman ay tumalikod na lang ako at nagfocus sa krisis na kinakaharap ko dito sa daigdig.

"Ate Marianne, kung ako sayo unahin mo na yang Gen Math na book hihihi boplaks ka pa naman jan." Kalmahan mo lang Anny, isipin mo lang na lalayas din yang pesteng langaw na yan.

"Alam mo Ate Marianne isa sa mga bagay na hindi mo maiiwasan ay ang harapin ang katotohanan. At kasama na dun na wala kang talent sa math." At dahil sa sinabing yun ni Mina ay bigla akong napalingon sa kanya.

"Ano na naman bang nakain mo Minako?" Tanong ko sakanya na bigla naman niyang ikinangiti.

Bigla niya akong hinampas sa balikat at biglang tumuwa ng malakas.

"Ate Marianne sabi ko na nga ba mapapalingon ka kapag sinabi ko yun eh hahaha." Sagot naman ng impakta na ikinairap ko na lang at bumalik sa pagiisip ko ng magsalita na naman siya.

"Pero ate, naniniwala ka ba na kapag humiling ka sa shooting star eh matututupad?" Napasimangot ako sa tanong niya at napaisip. Napaka out of the world naman nung tanong niya kumpara sa usapan namin about books. Pero dahil mabait akong ate ay lumingon na lang ako at sumagot.

"Alam mo Mina, wag ka ngang nagpapaniwala sa mga ganyan! Jusko edi dapat matagal na akong mayaman!" Biro ko pa sakanya at kinuha na lang ang history book at iniwan ang Gen Math na libro at naglakad papunta sa counter.

"Hmp. Alam mo ba Ate Marianne may maganda akong pakiramdam na makilala mo na siya." Haluh. Nag iilusyon na yata tong pinsan ko ah.

"Ano ka manghuhula? Umuwi ka na nga at tumulong ka kay Tita magluto at sino naman aber ang makikilala ko?" Sagot ko na lang at para naman manahimik na siya.

"Pero Ate Marianne alam kong alam mo kung ano o sino yung tinutukoy ko." Sabi ni Minako na handa na naman yatang sumunod sakin hanggang sa kadulo duluhan ng daigdig.

"Gaga ka pala Mina eh. Eh kung alam ko yang pinagsasabi mo eh di sana kanina pa tayo nakapagusap ng maayos." Sagot ko sabay irap at flip hair at nagbalak na maglakad papuntang sakayan ng jeep pero kung minamalas ka nga naman biglang may nalaglag na papel mula sa binili kong libro.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang mukhang lumang luma na papel na malapit na yatang mapunit at nung sinubukan kong hanapin si Mina para sabihin ang nangyari ay bigla na lang naglaho ang gaga at naisipan nanaman niya akong indyanin.

Sinimulan kong buklatin ang sulat at agad na nagtaka kung bakit parang hindi naman ballpen ang ginamit na pangsulat at hindi ko naman maintindihan ang sulat kaya itinabi ko na lang muna sa bag ko at nagsimula ng mag antay ng jeep ng nakapayong kasi sa hindi malamang dahilan ay umuulan pa din.

•'•'•'•'

Pagdating ko sa bahay ay agad kong binalutan ang librong nabili ko at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita kong nandun pa din ang papel na may nakasulat na hindi ko maintindihan. Agad kong binuksan ang laptop ko at tinype ang mga salita sa google translate at mabuti na lang at may lumabas na kahulugan ng mga salita.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang nawalan ng kuryente at may kumalabog sa labas ng kwarto ko.
TO BE CONTINUED
▪○▪○▪○▪○▪○▪○

KAWAY KAWAY PO SA LAHAT NG NAKALAGPAS NG UNANG KABANATA SORRY KUNG MEDYO ANG PANGIT NG START. PLEASE GIVE IT A CHANCE. SALAMAT.

Wish Upon A Star (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon