Nababaliw na ako wooh! Challenging talaga tong genre na to hahaha hinahalukay utak ko.
~●~
At dahil nga tapos na ang kadramahan dito sa bahay eh maguumpisa naman ang drama sa school. Wooh! Namiss ko yung upuan ko ah!At dahil excited ang ate mo eh nagbihis na ako ng maaga pa lang, pero kasama na din sa maaga kong pag aayos eh hindi na ako pinatulog ni Yanang. Huhuhu. Mumu siguro yun.
At dahil maaga nga akong nagising eh naisipan kong maglakad na lang papuntang school tutal kailangan ko lang naman ng 20 minutes para makarating dun.
Naglalakad akong nakaearphones at namromroblema kung ano bang papakinggan ko. Kung Fake Love by BTS ba o Ddu Du Ddu Du by Blackpink. At dahil di ako makapili, pinatugtog ko na lang ang kanta ni Taeyeon na Something New.
Hindi maiwasan na sumagi sa isip ko yung sinabi ni Mina sakin nung nakaraan. Kung hihiling ba ako sa bitwin o tala na sinasabi niya mababalik ba nun si papa? Mabubuhay kaya si papa kasama namin? O baka naman hindi magiging ganun si Kuya.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng classroom namin. Kaso kashookt mga bes huhuhu, sarado pa yung room! Jusmiyo nasaan na ba kasi si Anna siya pa naman ang may hawak ng susi neto!
"Marianne! Babes ko! Namiss kita!" At bigla na lang may dumamba sa likuran ko! Huhuhu! Staph it naman oh kakaplantsa pa lang ng uniform ko no!
"Ulol mo Ryan! Babes ka jan! Dun ka nga kay Erika ako na naman ginugulo mo!" Sabay batok sa kanya para naman tigilan niya na ako.
"Babes naman eh! Ikaw ang nililigawan ko no hindi si Erika!" Korny talaga ng pangit na to. May nalalaman pang pagkapit sa braso ko.
Kinalas ko naman yung hawak niya sakin. Mukhang di na to pangit eh, unggoy na din. Anlakas kasing makakapit!
"Kahit kailan naman Marianne babes lagi mo na lang akong sinasaktan." Luh ano na namang dama netong si Ryan? And speaking of madaming dama, dumating na din ang reynang madrama namely Erika Vasquez.
"Beeesss! Namiss kita huhuhu." Jusko bat ba ako napapaligiran ng mga taong mahilig sa skinship?!
"Hi Erika. Nice to see you again too." Sabay tanggal ng kamay niya na nakaakbay sakin kanina.
"Sungit mo ngayon bes ah? Meron ka ba?" Ugh. Kailangan ba yung tanungin sa harap ni Ryan na bigla na lang humaba ang tenga.
"Yun ba yung dahilan babe?! Kaya naman pala ganyan ka ngayon. Wag kang mag alala ako ang mag-aalaga sayo ngayong araw! Peksman!" Kill me now, ano bang nasa utak ng mga kaibigan ko?!
"Paano ko nga ulit kayo naging kaibigan?" Tanong ko na lang para naman maiba na ang topic. Pero bago pa sila makasagot ay dumating na din si Anna.
"Uy mga beshy sorry ah, kasi naman eh wala na namang tricycle samin eh." O..okay mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. With matching malalalim na paghinga pa kasi.
"Jusko naman bes huwag mo kaming alalahanin no. Okay lang naman kami na naghintay sayo. Okay lang talaga." Binatukan ko nga si Erika dahil sa sinabi niyang yun kay Anna. Ngumiti naman ako at sumagot.
"Okay lang yun An no! Ganyan din naman kami minsan. No problem." Sagot ko na lang para naman hindi na magkaroon pa ng gyera sa harap ng room namin, aka Erika VS Anna.
Ngumiti din naman si Anna at binuksan na ang pinto ng room at nauna ng pumasok. Naramdaman ko naman ma siniko ako ni Erika at narinig ko din siyang bumulong.
"Plastik neto."
Aba ang gaga siya na nga ang iniligtas ko sa trouble siya pa yung nagsusungit.
Inirapan ko na lang siya at naghair flip naman siya na sumagi sa mukha ko kaya naman tinulak ko na lang siya at nauna ng pumasok sa room.
At ayun naman pala kaya wala na sa labas si Ryan eh sinundan na pala si Anna kanina at ngayon eh naglalandian na sila. Asan na ang mag-aalaga sa akin ngayong araw! Pero teka wala naman ako ah! Argh! Aba talaga!
Hindi na lang ako umimik at umupo na ako sa upuan ko. Naramdaman ko na lang na umupo na si Erika sa tabi ko.
"Uy bes may chika pala ako sayo!" Bulong ni Erika with matching pataas taas pa ng kilay. Kaya naman tinignan ko lang siya at mukhang nagets naman niya na gusto ko yung ipatuloy.
"Nabalitaan ko kasi na si Mark at si Jannah na daw pala. Nalaman ko lang kahapon eh." Bigla naman akong napasimangot ng marinig ko na naman ang pangalang "Jannah."
"Buhay pa pala yung bruhitang yun?" Tanong ko na lang para naman malinlang ko yung sarili ko na patay na talaga siya.
"Oo naman! Grabe ka talaga sakanya bes no." Hindi na lang ako umimik at tumitig na lang ako sa notebook ko na hanggang ngayon eh blanko pa din.
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko at ang unang subject namin eh Homeroom.
Wala naman kaming masyadong nilelesson pag ganto madalas kailangan mo lang mag open up at magkwento ng ganap sa buhay mo para mabuild ang self confidence mo at minsan eh pinapayagan kaming gumawa ng assignments sa ibang subjects.
And today ang malala pa eh araw ni Jannah para magshare.
"So ayun guys, kilala niyo na naman ako pero magpapakilala pa din ako, I'm Jannah Crus pero yung ikwekwento ko sa inyo eh hindi niyo paniniwalaan. Last last week kasi tinanong ako ng ate ko. Like, naranasan mo na bang magwish sa wishing well? Or magwish sa stars? Well sabi ko naman hindi kasi hindi pa naman talaga at sabi ko hindi naman yun nagkakatotoo. Kaso nung kinagabihan din na yun nakita ko yung stars at narealize ko na wala namang mawawala sakin kapag triny ko kaya naman nagwish ako ng love life. Eh super unexpected kasi kami na ni Mark ngayon. So if you guys like pwede niyo ding itry kasi tulad nga ng sinabi sakin ng ate ko wala namang mawawala sayo. So yun lang yung isheshare ko ngayon." Tch. Antanda na nita naniniwala pa siya sa ganun? Yung totoo talaga.
Pumalakpak na lang din ako baka kasi masabihan pa ako na kontrabida sa buhay niya.
•~•
After school, specifically 5:30 pm sa sched ko para sa Thursday eh malapit ng mag-gabi eh ang loka lokang si ako naisipan na namang maglakad kaya naman naiistress ang bangs ko kasi magbababye araw na mamaya eh malayo pa ako sa bahay kaya naman binilisan ko na lang.At after 1111002203 years eh nakarating na din ako sa bahay namin. Pero bago pa ako pumasok eh naalala ko yung sinabi ni Mina at ni Jannah. What if I wish something? Magkakatotoo din ba?
With that thought in mind humiling ako.
Sana, sana maibalik ko yung nakaraan. Sana maibalik ko yung buhay ko noon para may magawa pa ako sa nangyayari sa akin ngayon.
•~•
MABUHAY ANG LIVING DEAD NA AUTHOR! Hahaha so ayun hi ulit! Nakakasakit ng ulo kaya tinuloy ko na lang yung naunang flow ng story. So kung nagtataka po kayo medyo mabagal ang flow ng story na to huhuhu. So sorry po. Pero anyway satingin niyo na magkakatotoo yung hiling ni Marianne Antonette?
PS. Wala po akong balak ang story na to na isang Kpop fan na nagtime travel. For PROMOTION LANG po yun hahaha. I'm a huge fan of BTS since 2015 and a huge fan of Blackpink since their debut. Huhuhu please no hate po hayaan niyo na namag-fan girl ako kahit saglit lang.
Babush! 💕🛫
BINABASA MO ANG
Wish Upon A Star (On-Going)
Historical Fiction"Sa muli nating pagkikita baka sakaling maari na tayong pagbigyan ng mga tala." Credits to @OfficialJustinW for my bookcover ;)