Naisip mo ba minsan na baka dahil may pagkukulang ka, kaya ka nya iniwan?
Ako oo, naisip ko kung kelan huli na ang lahat. Kung kelan di ko na pwedeng ibalik yung dati kasi gustong-gusto kong bumawi. Gusto kong iparamdam yung pagmamahal na hindi ko naman pala naiparamdam nang maayos noon sa kanya. I thought I've given enough.
Kung pwede nga lang ibalik yung araw na yun. Yung pagkakataon na sana naayos ko pa sana ang lahat.
POV ni Kayla
From: Jeff
Uy? Asan ka?
Pang sampu na ata nya 'tong text sa araw na 'to. Hindi ako nagrereply. Napapagod na kasi ako sa ganitong set up. Hindi kami pero demanding sya. Ayaw mabagal magreply at gusto nya magtetext ako palagi. Hello naman po ano, bakasyon ngayon wala kong pera, wala kong panload. Nakakakonsensya namang humingi ng panload e ipanglalandi ko lang naman.
Gusto nya buong araw kaming magkatext, nakakasawa po yun pramis. Tsaka may buhay din naman ako. May ginagawa ako sa bahay na imbis na makipagtext nakatulong pa ko sa nanay ko.
Ewan ko ba naman kasi sa kanya. Pwede nya naman akong dalawin, okay lang naman yun kay mama. Ilang beses ko na syang sinabihan, di naman nya tinutuloy.
From: Jeff
Magreply naman
Heto na naman. Di ata ako tatantanan.
Alam ko naman na may iba pa syang mga babae e. Kahit pagbawalan ko sya, wala naman akong karapatan.
Bakit nga ba ko nagtitiis? Hindi ako pinag-aaral para lang magpaloko.
Pero kase..antagal-tagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to. Na kung dati crush ko sya, ngayon crush nya na din ako.
Lumipas yung araw, malapit nang matapos yung bakasyon.
Nagkakatext parin kami pero minsan nalang. Nawala na yung spark. Hindi na rin sya ganun kakulit.
Nalungkot ako pero kung hindi nya gagawan ng paraan na magkaron ng kahit katiting na lakas ng loob na kausapin ako, dalawin, magpaalam sa magulang ko..hindi ko na para ipilit pa.
Bukas aalis na sya, lilipat na ulit syang QC kasi dun sya nag-aaral.
Sa loob ng dalawang buwan hindi nya man lang ako niyayang makipagdate. Ang galing e no?
"i love you" puro ganan, aanhin ko yan? Di ko naman sya nakakasama, nakakabonding at mas nakikilala. Aanhin ko yan.
Aanhin ko yung Jeff na hanggang text lang.
Baka nga, hanggang dito lang talaga ko para sa kanya.
Gusto pero hindi gustong-gusto.
end of POV
Nagsisisi ako nung may pagkakataon pa, wala akong lakas ng loob. Kasi ayoko pa ulit magkaron ng seryosong relasyon. Kasi nung nagseryoso ako dati, sinaktan lang din ako. "Bakit ba ako magcocommit e madami namang babae jan ang kuntento sa MU lang?" Katwiran ko yan noon.
Akala ko ganun si Kayla. Hindi pala, sa una lang pumayag sya pero habang tumatagal nararamdaman ko na higit pa dun yung gusto nya. Hindi pa ko handa kaya hinayaan ko nalang na mawala sya. Masyado syang matalino para lokohin, masyadong mabait para saktan.
Bakit nga ba ngayon ko lang nakita na hindi ko dapat sinayang yung tulad nya? Sa lahat ng babaeng nakilala ko, iba sya..hindi ko sya makalimutan.
After 1 year bumalik ako.
Nakita ko sya, mas gumanda at mahaba na yung buhok nya. Payat parin pero halata mong masaya.
Nginitian nya lang ako, yung ngiti na parang walang nangyari. Yung ngiti na "okay ako, sobra".
Nabalitaan ko sila na ni Red, yung katropa ko.
Nung una nagalit ako. Pero kasalanan ko nga din pala, kasi di ko naman pinaalam sa kanila yung tungkol sa amin ni Kayla.
Sya yung babaeng ipagmamalaki mo. Na sasabihing "pare ang swerte ko sa girlfriend ko"
Pero hindi ko nagawa kasi naduwag ako.
Sana 'no, may chance ulit ako. Kasi sa susunod na mabigyan ako ng pagkakataon, mas ipaparamdam ko sa kanya na gusto ko syang makasama..
![](https://img.wattpad.com/cover/19150532-288-k952828.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi Nya Naramdaman
Teen FictionWag sayangin ang chance. Wag matakot magmahal. Mas okay pang sumugal kesa maduwag.