ALC: Kabanata 26

30.3K 1K 79
                                    

Dedicated kay @Ayako_Yoko hiningal akong basahin yung sunod sunod mong comments hahaha. Salamat! <3 

Syempre, sayo, oo ikaw! Ikaw na patuloy na nagbabasa nito. Maraming salamat! Kahit na matagal akong nawala nandiyan ka parin. Hinintay mo ako at umasa ka namang babalik ako. Buti hindi mo inisip na paasa ako? Hahaha! Salamat sa inyo! 


ALC: Kabanata 26

Pinilit ko mang kalimutan noon kung sino sila, pero alam kong sa puso ko gusto ko pa rin silang makilala. Marami akong katanungan sa kanila na nangangailangan ng kasagutan kahit pa nakaramdam naman ako ng sapat na pagmamahal mula sa pamilyang kinagisnan ko. Pero, kahit ganoon ay ramdam kong may kulang sa pagkatao ko. Pinili kong huwag na silang hanapin para kay Mama at Dad pero nasa puso ko yung kagustuhang makilala at makita manlang sila kahit papaano. Gusto kong maramdaman kung paano ba sila mag mahal? Kung paano sila magiging magulang sa akin?

Pero paano ko pa mararamdaman lahat ng iyon kung sinasabi niya sa akin ngayon na wala na sila.

"P..paano?" Umiiyak at paulit ulit na tanong ko sa kanya habang hinahampas ko siya sa dibdib niya, kahit pa nahihilam na ako sa sariling luha ko ay nakikita ko pa rin kung paano tumulo ang luha niya dahil sa awang nararamdaman niya sa akin. "Calm down, Sweetheart." Pakiusap niya sa akin saka muli akong hinila at niyakap.

"I'm sorry, I'm sorry, Al..." Haplos niya sa likod ko.

---

"Hinanap ko sila dahil gusto kong makilala mo sila, gusto kong malaman kung bakit ka nila iniwan?" Bulong niya ngayong nakaupo kami dito sa terrace ng kwarto niyo. Panay pa rin ang hikbi ko ngayon habang nakatingin sa kawalan at nakikinig lang sa mga paliwanag niya.

Marahan niyang pinisil ang kamay ko, "Nalaman kong sa Batangas naka-base ang mga magulang mo mula sa private investigator na inutusan kong humanap sa kanila, mabilis lang naman niyang natutunton yung lugar kung nasaan sila. I went there, para makilala sila, pero yung kapatid ng Mama mo ang humarap sa akin." Patuloy niya, bumaling ako sa kanya at kumikirot din ang puso ko ngayong nakikita kong umiiyak siya para sa akin.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko, "I'm sorry, siguro kung hindi ko sila hinanap, hindi ka na sana masasaktan ng ganito. Ayokong masasaktan ka, Al. Tama na yung mga pasakit na ginawa ko sayo noon, ayoko na. Dahil gusto ko nalang pasayahin ka habang buhay, pero anong ginawa ko? Naging selfish ako, kahit pa sinabihan na tayo noon nila Mama na huwag na silang hanapin, ginawa ko pa rin." Ramdam ko ang pagka galit niya sa kanyang sarili.

Umiling iling ako at hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya, "No, Tyler, walang mali sa ginawa mo. Sa totoo lang, gusto ko silang makilala. Pero bilang pag respeto kela, Mama, hindi ko ginawa. Pero hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan ko pala sila makikilala." Umiiyak na pag aalo ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at mariin na ipinikit ang kanyang mga mata.

"I'll do anything for you, Al, anything! Dahil simula nang dumating ka sa buhay ko, alam ko na, kung gaano kita kamahal." Bulong niya saka hinalikan ang kamay ko, kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Mahal din kita, Ty."

---

"Kakauwi niyo lang dalawa kagabi tapos aalis na naman kayo?" Nasa boses ni Lola ang pagtatampo, huminga ako ng malalim at niyakap ko siya. Hiniling ko kasi kay Tyler na dalhin niya ako sa Batangaspara mabisita ang puntod ng mga tunay kong magulang.

"Lola, may aasikasuhin lang kami ni Kuya sa Batangas, babalik din naman kami kaagad." Nakangiting sabi ko saka humilig ako sa braso niya pero mabilis niya akong binitawan at tinitigan sa mga mata.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon