ALC: Kabanata 30

32K 1K 123
                                    

Dedicated kay @readme2017  salamat sa pagbabasa, natuwa ako doon sa comment mo about sa Mom. :)

At syempre sa inyong lahat, nahihirapan na akong mag decide kung kanino ko ba i-dedicate ang isang chapter dahil sa mga comments niyo. Haha, salamat sa mga nagbabasa pa rin kahit nakakainis na yung story. Hahahaha. Sensya na marami akong pagkukulang. :)



ALC: Kabanata 30

Nang matapos kong tulungan si Dad na ayusin ang mga gamit na dadalhin sa ospital, tinulungan ko naman siyang ilagay iyon sa kotse. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag iyak ko kanina.

"Hanga talaga ako sa pagmamahal mo kay Mama, Dad." Sambit ko ngayong nagmamaneho na si Dad pabalik sa ospital, sandaling inayos ni Dad ang kanyang eye glass saka ngumiti, lumabas sa pisngi niya ang dimples na minana ni Tyler.

"Simula nang mahalin ko ang Mama mo, hindi na ako natuto pang magmahal ng ibang babae bukod sayo." He said, ngumiti ako at huminga ng malalim.

"Thanks, Dad." I whisper.

"Thanks for what?" Pagtataka ni Dad saka sandali akong sinulyapan.

"Sa pagmamahal, kahit hindi mo ako kadugo, hindi mo pinaramdam sa akin na iba ako." Paliwanag ko, sobrang laki ng utang na loob ko sa pamilyang meron ako ngayon. Dahil siguro kung wala sila ay hindi ko mararanasan ang mga bagay na mayroon ako ngayon.

Narinig kong ngumisi si Dad, "Ano ka ba, Althea, ilang beses ba naming sasabihin sayo ng Mama mo na hindi ka iba. Dahil para sa amin ay tunay na anak ka namin, ikaw ang bunso ko ang nag iisang prinsesa ko." Pagmamalaki ni Dad na nagbigay tuwa sa puso ko.

Pero natigilan din ako kaagad nang muli siyang magsalita, "Baka naman may boyfriend ka na? Huwag kang magsisikreto sa akin. Dapat ay makilatis ko muna iyan, hindi nila pwedeng lokohin ang bunso ko." Paninigurado ni Dad na nagpalunok sa akin ng sunod sunod.

"Meron na ba ha?" Nasa boses ni Dad ang pakikipag biruan sa akin kaya naman tumikhim ako at pinilit kong tumawa.

Isang pag iling ang ginawa ko na nagpangiti sa kanya, hinawakan ni Dad ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw non.

"Good girl, huwag muna. Hindi pa handa ang Daddy." Ngisi niya na mas lalong nagpasama ng pakiramdam ko dahil hindi ko na talaga kinakaya ang kasinungalingang pilit kong tinatabunan. Para bang unti unti akong nauubusan ng hininga sa kahibangan na pinasok ko.

---

Nadatnan namin ni Dad na pinapainom na ni Tyler ng gamot si Mama at mukhang kakatapos lang nitong kumain dahil nakaligpit na ang ilang pinagkainan niya.

"Are you feeling better now?" Narinig ko pang sabi ni Tyler, tumango si Mama at nginitian siya. Kagaya ni Dad, kitang kita ko ang sobrang pagmamahal ni Tyler kay Mama. "Pahinga ka na, Ma." Bulong ni Tyler saka hinalikan ito sa noo pero napabaling sa pwesto namin si Mama.

Mabilis ang pintig ng puso ko nang dumako ang tingin sa akin ni Mama, isang maliit na pag ngiti ang ibinigay niya sa akin bago siya tuluyang ni lapitan ni Dad at hinalikan saglit sa labi.

Lumapit sa akin si Tyler at tinitigan ako sa mga mata ko. Nandoon sa mata niya ang pagod pero unti unting nagliwanag iyon nang hawakan niya ang kamay ko.

"Are you alright?" Tanong niya, tumango ako at binitawan ko ang kamay niya dahil ang hirap kumilos kapag alam mong nagkakasala ka. Naupo ako doon sa mahabang couch. Sumunod naman siya sa akin at naupo rin siya sa tabi ko.

Nanatili lang nakatuon ang mga mata ko kay Mama na ngayon ay kinakausap ni Dad. Kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan na ngayon ay magkasama na naman ulit sila at ayokong ako ang maging dahilan para mawala ang kasiyahan sa mga mata na iyon. Panay ang pagkalabog ng puso ko dahil nasasabik akong kausapin si Mama, gusto ko siyang yakapin at gusto kong humingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko. Pero nababalutan ng takot ang puso ko, ayokong magalit siya sa akin ng tuluyan.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon