Dalawang buwan na ang nakalipas matapos mawala ni Blue. Ang kwartong 913 ay nanatiling bakante. Walang araw na hindi siya pumapasok sa kwartong iyon at yayakapin ang isa sa mga unan ni Blue noong buhay pa ito.
Ngunit pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na siya muling umiyak, ibinuhos na niya lahat noong gabing nasa tabi pa niya si Blue. Dahil gaya ng kagustuhan nito ay lagi niyang pinaalala sa sarili na maging matatag at itanim sa kanyang isipan na hindi nawala si Blue, na si Blue ay nakauwi na sa kanyang totoong tahanan at wala ng sakit na iniinda. Payapa na ang buhay niya sa kung saan man siya ngayon naroroon.
Patungo si Deyan ngayon sa rooftop habang dala-dala ang bote ng bubbles na pareho ring bubbles na ginamit nila ni Blue bago ito bawian ng buhay.
Pagkatapak sa pinaka itaas na bahagi ng ospital ay agad siyang lumapit sa railings at nag-ihip ng mga bubbles. Hinabol niya ang mga iyon ng paningin habang umaakyat patungo sa langit. Saktong nasilayan niya kung gaano kaganda ang panahon noong araw na iyon. Ang kalangitan noong oras na iyon ay pawang kulay asul lang ang makikita.
Hi, Blue. Kumusta ka na diyan? Miss na kita.
Saktong umihip din ang malakas na hangin sa paligid niya at ramdam niya ang pagyakap niyon sa kanyang katawan.
Ilang oras pa ang lumipas bago siya nagdesisyong bumalik na sa ibaba upang linisin ang kwartong minsan na ring naging saksi sa pagmamahal niya kay Blue.
Dahan-dahang pinihit ni Deyan ang door knob ng kwarto at nagulat nang makitang may tao sa loob nito. Walang malay ngunit halatang payapa at natutulog lamang. May benda ito sa noo.
Sa hindi malamang dahilan ay bumigat ang kaniyang dibdib. Unti-unti siyang nakadama ng reyalisasyon.
Gaano mo man kagusto ang isang bagay na manatili sa kung paano ito bago nawala si Blue, hindi maipagkakailang kailangan magmove-on ng mga tao. Hindi para kalimutan ang nawala, kundi para rin sa kapakanan ng mga taong nakapalibot sayo. Like what I always think, everything are just temporary, if something happened, we can say that some people will mourn for it but the day will come that everyone will go back the way they used to be.
A small smile appeared on her face.
Bago muling isara ang pinto ay nilibot niya muna ang kabuoan ng kwarto. Ang kwarto nagsilbing tahanan sa kaniyang puso't isipan noong makilala niya si Blue Abelaña.
"We will meet again, someday. Someday, Blue. Someday.” Then she closed the door and stared on it. Parang normal na pinto lang iyon kung iisipin ng iba, pero hindi. She experienced how to be loved and how to love behind that door. And she will never ever forget those treasured times. Never.
Nagbalik na siya sa kaniyang trabaho at nakangiting sinasalubong ang ibang mga pasyenteng pauwi na sa kanilang tahanan.
She needs to move forward, because locking herself inside a box will never help her. It will only cause more damage, it will only make her heart shatter into pieces more. And she knows that Blue won't be happy when she let that happen.
Deyan Aquino,
Signing off
BINABASA MO ANG
Temporary
Short StoryHighest rank: #639 in short story (Short Story) She's alive. He's dying. She can work all day. While all he can do is to lay on the hospital bed. She met him accidentally while working. He loved her but she didn't know. They became friends. He...