ZACK's POV
*BOOOOGGGGSSSSS*
Nagulat kami ng biglang suntukin ni Alyssa si Jezreel.
"Sa susunod na banggititin mo saakin yang pangalang yan, Hindi lang suntok ang aabutin mo saakin" sabi ni Alyssa. Teka? Bakit ayaw niyang naririnig yung pangalan ni Veronica?
Kung nagtataka kayo kung sino si Veronica? Well, hindi ko ikekwento sainyo. Si Jezreel nalang yung mag kekwento.Napatingin naman ako kay Leah Babe na parang maa- out of balance. Pero buti na itukod niya yung kamay niya sa mesa.Napahilot naman siya sa sentido niya. Tss. Ano namang kaartehan yan?
"Leah, are you okay?" Tanong nung babaeng maingay.
"Uhm. Yes. I'm ok" sagot ni Leah Babe
"Sh*t. Your nose is bleeding!" Sabi nung babaeng matalino. F*ck! Yung ilong niya dumudugo.
Napapikit siya at na-out of balance pero bago pa siya mahulog ay sinalo ko siya.
"LEAH!!!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Binuhat ko siya. At naglakad pa labas ng starbucks.
"Wait, saan mo siya dadalhin?" Tanong nung babaeng maingay. Si Trisha.
"Sa Hospital. Sumunod nalang kayo" sabi ko at pumunta sa parking lot. Bawat tao na makakakita saamin ay kinukuhaan kami ng litrato. Aish. Laman na naman to ng balita.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinasok si Leah sa kotse ko.
Umupo ako sa Driver seat at nagsimula ng magmaneho papunta sa pinakamalapit na hospital.***HOSPITAL***
Nandito kaming lahat sa labas ng Emergency room. Naghihintay matapos yung ginagawa nung Doctor kay Leah Babe.
" bakit kaya nagkakaganun yung manhater na yun?" Tanong ni Xian
"Baka may cancer. Tapos mamatay na siya" sabi ni Enzo kaya nabatukan ko siya.
"Ouch! Para saan yun?" Tanong niya
"Gago ka kasi. Dami daming pwedeng sabihin, yun pa talaga" sabi ko
"Bakit? Concern ka sakanya?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang aasar ba siya?
"Psh. Hindi noh. Atsaka kaibigan siya ng kapatid ko kaya ko siya dinala dito" sabi ko. Totoo naman eh. Hindi ako concern sakanya. Atsaka baka kausapin niya ako or what pag malaman niya na ako yung nagdala sakanya dito.
BINABASA MO ANG
LOVE between the WAR
Teen FictionLove or War? Ano ba ang dapat na piliin sa dalawang yan? Natatakot magmahal? Kasi alam mong may masasaktan. Piliin mo mang umibig, ngunit hindi pwede kasi may nakaantabay na panganib. Yung gusto mong magmahal pero hindi pwede kasi may mapapahamak. K...