LEAH's POV
Sayawan dito. Sayawan doon. Inuman dito inuman doon. Landian dito landian doon. Tanging naririnig ko lang ngayon ay ang beat ng tugtog.
Oww. Btw, Nandito ako sa bar. Umiinom. Nagpapakalugmok. Nasasaktan. Umiiyak. Nagpapakawasak. Its almost 6 years pero ba't ganun? Bakit damang dama ko parin yung sakit. Bakit ganun? Bakit nandito pa rin yung sakit? Diba dapat nakamove on na ako? Diba dapat, nabaon na kasama niya yung lahat ng sakit sa hukay. Sana kasi nahahawakan nalang yung sakit para pagmaramdaman natin, madali nating mabibitawan. Edi sana wala ng taong nasasaktan ngayon. Gusto kong maging manhid nalang para wala na akong maramdamang sakit. Gusto kong magpakamatay pero hindi ko kaya. Bakit ba kasi ang dami kong problema?! Una kay dad. Pangalawa, sa pagiging gangster namin, at pangatlo tungkol kay..........Chase.
Ang sakit sakit na talaga. Hindi ko na yata kaya."One tequila please" sabi ko dun sa bartender. Kaya agad naman niya ito binigay. Hayst. Nakakailan na ba ako? One. Two. Three. Four. Five. Six....
Argh! Ang dami na. Kung bibilangin ko lahat, mas lalo lang sasakit yung ulo ko."Hi Miss. Are you alone?"
Biglang may lumapit saaking lalaki. Hmm. Gwapo naman siya. Pero di ko type. Mas gwapo si Chase.
"Anong satingin mo? Bakit? May nakikita ka bang kasama ko?" Pagtataray ko kaya napangisi siya. Anong nginingisingisi niya? Tsk. Baliw tong isang to.
"Hahaha. Your funny" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit? Mukha ba akong clown?" Inis kong tanong sakanya
"No. No. Its not what you think. Btw. Can I join you?" Tanong niya
"Pagsinabi ko bang hindi pwede, susunod ka?" Balik tanong ko
"Hindi" sagot niya.
"Tsk. Anong pakinabang ng pagtatanong mo kung hindi ka din naman pala susunod. Argh." Naiinis na talaga ako
"Ang cute mo namang mainis. Namumula ka na tuloy" sabi niya na nagpainis lalo saakin
"Hindi ako aso. Kaya hindi ako cute. Maganda ako. M-A-G-A-N-D-A. Gets?" Sabi ko kaya tumango tango siya
"Anyways, I'm Marco" sabi niya at inilahad yung kamay niya. Tiningnan ko lang yun at ininom yung natitirang alak sa baso ko.
"Leah. Leah is my name" sabi ko
"Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo" sabi niya. Tsk. Nambola pa.
"I know, matagal na" sabi ko. Dinaldal lang niya ako ng dinaldal. Inom lang din ako ng inom. Nahihilo na din ako pero hindi ko yun pinansin at uminom na lang.
*******
ZACK's POV
"Pre saan punta mo? 10:30 na ng gabi aalis ka pa" Tanong ni Enzo ng makita niya akong bihis na bihis
"Bar. Maghahanap ng mabibiktima. Sama ka" sabi ko ng nakangisi
"Nakow. Saka na. May emergency sa bahay. Uuwi na muna ako" sabi niya.
"Ah sige. Ikamusta mo nalang ako kanila tita at tito. Geh una na ako." Sabi ko at lumabas na ng bahay. Teka? Nasaan kaya si Xian at Jezreel? Psh. Nagkukulong na naman yata sa mga kwarto nila. Hayst. Pabayaan na nga.
Pumunta na ako sa Garahe at kinuha yung pinakamamahal kong baby. Readers, ipinapakilala ko sainyo ang aking baby Chum Chum. Ito yung regalo saaking Blue Ferrari ni Alyssa my sweety pie nung birthday namin dati. April 07, 2001.
BINABASA MO ANG
LOVE between the WAR
Teen FictionLove or War? Ano ba ang dapat na piliin sa dalawang yan? Natatakot magmahal? Kasi alam mong may masasaktan. Piliin mo mang umibig, ngunit hindi pwede kasi may nakaantabay na panganib. Yung gusto mong magmahal pero hindi pwede kasi may mapapahamak. K...