Chapter 1

17 3 0
                                    

Masayang tumatakbo si yassy papunta sa kaibigan nyang si cassy, wait cassy is not just a friend to yassy but a super duper ultra mega bestfriend ika nga ni yassy.

Masaya nyang niyakap si cassy dahil sa wakas ay graduate na si cassy sa elementarya

"Waaaaahhhh, cassyyy graduate kanaa! Congratsss! " masayang tili ni yassy sa kaibigang si cassy, tinawanan sya ni cassy dahil sa pagtili nito na nagdulot ng echo sa quadrangle ng paaralan

"Hahaha, wag kang maingay hahaha pinagtitinginan ka nila o ang ingay mo e mukang ikaw pa tuloy yung gumraduate kesa saken, hahahah pero salamat bespren"
Nakangiting saad ni cassy

"Ano kaba syempre proud bessy ako here o! " winagayway ni yassy ang kamay nya sa ere  "hahaha always akong susuport sayo dapat ikaw din ah support moko lalo na pag gumraduate din ako" sabi ni yassy kay cassy, ngumiti naman si cassy at masayang tumango "oo naman no! Ano ka ba!? Syempre susupport kita mas support pa sa pag support mo saken ngayon hahaha" masayang sabi ni cassy

Pagkatapos nun ay pumunta na sila sa parents ni cassy sumama lang si yassy sa mommy ni cassy dahil gusto nyang makita ang bestfriend nya na gumraduate, nung una nga ay hindi pa sya pinayagan dahil ang gusto ng mommy ni yassy na sila nalang ang mag ayos ng handaan sa bahay nila cassy kaso mapilit talaga si yaasy kaya sumama na din sya sa mommy ni cassy,

Nang makapunta na sila sa parents ni cassy ay binati din nila ang anak at masayang silang pumunta sa sasakyan upang pumunta na sa bahay nila cassy para sa kanilang handaan.

Nasa driver seat ang daddy ni cassy at sa passenger seat naman ang mommy ni cassy bale si cassy at yassy sa back seat, maingay ang dalawang magkaibigan habang nasa byahe nang biglang tumahimik si yassy na tipong parang may iniisip, nagtaka naman si cassy kaya tinanong nya na ito...

"Yassy... Ahmm... May problema ba?... May masakit ba sayo? " nag aalangang tanong ni cassy sa kaibigan, biglaang tumawa naman si yassy at umiling

"Ano ka ba? Hindi noh wala hahaha, naisip ko lang kase na gumawa tayo ng ating bestfriend promises? Ano sa tingin mo? Hmp?   Tanong ni yassy, tumango naman si cassy bilang pagsang ayon

"O sige, ahhh okay sino una mag pa promise? " nakangiting tanong ni cassy na tila excited "ako nalang" masayang prisinta ni yassy

"Ang first promise naten ang walang iwanan" nakangiting tugon ni yassy "walang iwanan kahit kailan" tumango naman si cassy at masayang nagsabi ng second promise

"Always be a supportive bestfriend, kailangan walang lamangan kailangan suportahan lang hahaha, lalo na pag nag dalaga na tayo ah? Kailangan buo pa den yung promises naten na yan" ngiting ngiti na sabi ni cassy, siguradong sigurado naman na tumango si yassy

"Aba!, oo naman noh ano kaba besfriend kaya tayo no forever" binigyan ni yassy ang kaibigan ng sweet smile na sobrang lumabas ang kanyang pagiging cute na bata. "Ahhh, we need.... Siguro... Ahh.. Mga five promises pwede na ano? " pagpapatuloy ni yassy, tumango naman si cassy "okay, sige, five promises :)" ngiti ni cassy, pinagpatuloy naman ni yassy ang pangatlong pangako.

"Okay so ang third promise ay... Walang inggitan" sabi ni yassy na tila wala nang maiisip haha natawa nalang sya sa sarili nya dahil wala na syang maisip "okay na yun cassy wala nang explanation yun basta ganun nayun" kamot ulo na sabi ni yassy, natawa nalang si cassy sa inasta ng kaibigan

"Hahaha okay sige, so eto na ang pang fourth na promise naten... Laging nandyan dapat sa tabi ng isa't isa" saad ni cassy "di ko na din i eexplain ah masakit na din lalamunan ko hahaha" panggagaya ni cassy, tumango naman si yassy

"Okay haha gaya gaya ka ah, hahaha" pang aasar ni yassy tumawa nalang si cassy at pinagpatuloy na ni yassy ang pagbanggit sa pang limang pangako

"Okay so the last but not the least hahahah na ating promise... Ay dapat no secrets" banggit ni yassy "dapat kung may gusto kang sabihin or kung may gusto akong sabihin dapat may freedom tayong dalawa na mag salita ng gusto nating sabihin, dapat walang mag sisikreto, okay? " paliwanag ni yassy

"Okayyy, so tapos na yun promise naten ah? Dapat tutupadin naten yung mga pangako na binitawan naten sa isa't isa" paninigurado ni cassy na nakangiti ngayon "oo, naman, yes"masayang sabi ni yassy

"Okayyy! Nandito na tayo sa bahayyyy! Wiiiiii! Saktooo HAHAH" tawa ni cassy

"hahahah oo nga no, tara na nagugutom na den ako" pag aaya ni yassy

"Okay babies, dahan dahan lang sa pag baba dumiretso na kayo sa loob, kumain na kayo mauna na kayo don, sige na" utos ng yaya nila cassy na agad naman nilang sinunod

Dali dali nilang sinugod ang pintuan ng bahay at sabay na itinulak ang pinto na siyang ikinagulat ng mga yaya nila cassy sa bahay pati na den ang mommy ni yassy

"Susmaryosep" gulat na sabi ng yaya nila cassy"mga pasaway talaga kayong mga bata kayo" tinawanan lang sya ng dalawa

"Sorry po nagugutom na po kase kame e hehe" nagpipigil na tawa ni cassy sa yaya ni cassy

Tumango nalang ang mommy ni yassy "o sya, kumain na kayo, halika kayo dito, andito na ang mga handa" nilahad ng mommy ni yassy ang pagkain at agad nilang nilantakan ang handa dahil sa sobrang gutom

Binati na din si cassy ng mga kamag anak nya at mga kaibigan at bisita nila sa bahay masayang masaya si cassy sa araw na yun lalo na at kasama nya ang bestfriend nyang si yassy

At lalong masaya si yassy dahil yun ang araw na nagbitaw sila ng pangako sa isa't isa ng matalik nyang kaibigan o kumbaga e super duper ultra mega bestfriend nya sana walang mag broke ng promise namen, ayokong mauwi iyon sa tinatawag nilang BROKEN PROMISES sabi ni yassy sa isip nya at pinagpatuloy nya na ang pagkain at masaya silang naglaro ni cassy pagkatapos ng handaan

"To be continued"

Broken Promises (on-going) Where stories live. Discover now