WDMP 1

1.8K 58 33
                                    

"Puritaaaaa! Inday Purita!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng sigaw na nanggagaling sa labas ng bahay. Ano bang ingay 'yan. Ang aga-aga pa eh. Buhusan ko kaya ito ng ihi ko galing sa arinola.

Naiinis akong kinuha ang kulay 'pushya penk' na arinola sa ilalim ng aking hinihigaan. Yakap ko itong dinala papunta sa may bintana.

"Puritaaaaaaaaaaaa!" muling sigaw ng babaeng boses sa baba.

"Maayong aga!" masaya kong bati sabay saboy ng laman ng arinola sa baba.

(Magandang umaga!)

Napatili naman ang kung sino mang gumambala sa napakaganda kong panaginip. 'Yon na sana 'yon eh. Malapit na akong halikan ni Talong!

"Ay yak! Kapangsot! Ano ni man? Ihi?" maarteng sabi ng babae sa baba.
(Yak! Ang panghi! Ano ba 'to? Ihi?)

Napadungaw ako sa ilalim at nakita ang pinsan kong si Eileen na inaamoy-amoy pa ang parte ng katawan niya na natapunan ng aking ihi.

"Gaga. Ihi ko na!" sabi ko sa kanya.
(Ihi ko 'yan!)

Ilang sandali pa ay umiyak siya. Tumakbo siya papasok ng bahay. Alam kong magsusumbong na naman siya kay inay. Pero wala akong pakialam. Eh di magsumbong siya. Samahan ko pa siya eh.

Lumabas ako ng aking maliit na silid dala-dala pa rin ang aking arinola. Bakit dala ko pa ito? Malamang, lilinisan ko. Kailangang malinis na malinis ito dahil nakakadiri kayang umupo rito na madumi.

Nadatnan kong nagsusumbong nga si Eileen kay inay. Nasa kusina sila at naghihiwa ito ng mga gulay sa mesa. Panay ang buntong-hininang ng inang magenta ko. Sabay silang napatingin sa akin. Tinuro pa ng magaling kong pinsan ang bitbit kong arinola.

"Maayong aga 'Nay! Ka-gwapa gid ya bala sang iloy ko ah!" nakangisi kong sabi.

"Magandang umaga, inay. Ang ganda talaga ng nanay ko!)

"Kita mo tiyay. Kabutigon gid sang bata mo ya ya," humihikbing sabad ni Eileen.

(Kita mo na, Tiyang. Ang sinungaling talaga ng anak mo.)

Nilagay ko ang arinola sa mesa malapit sa mga gulay.

"Hoy Nene! Ano buot mo singganon ha? Nga malaw-ay ang akon iloy?" nakapameywang kong tanong sa kanya.

(Anong ibig mong sabihin? Na pangit ang nanay ko?)

"Hay nga mga bata ni. Abi tama niyo dun na. Kag ikaw 'day, tani wala mo na ginhimo sa pakaisa mo. Indi ina maayo nga pamatasan. Naintindihan mo?" pangaral sa akin ni inay.
(Ang mga batang ito, oo. Tumigil na kayo. At ikaw 'day, hindi mo sana ginawa iyon sa pinsan mo. Hindi magandang asal iyan. Naintindihan mo ba?)

Napalabi ako. Pasimple akong binelatan ng pinsan ko. Inismidan ko siya.

"Kag ikaw man, Ne. Dapat indi ka magsinggitan labi pa kung aga pa katama. May mga gakatulog pa bala sa mga kaingod ta balay. Basi sa sunod indi lang ihi ang mahaboy sa imo," sabi ni inay sabay tingin kay Eileen.

(At ikaw naman, Ne. Dapat hindi ka sumisigaw lalo pa at masyado pang maaga. May mga natutulog pa kasi tayong kapit-bahay. Baka  sa susunod hindi lang ihi ang ibato sa'yo.)

"Pasensya gid, Tyay. Hagadon ko man lang tani si Inday nga updan nya kami ni Brownie lagaw sa plaza."

(Pasensya na po, Tiyang. Yayayain ko lang naman si inday na samahan kami ni Brownie na mamasyal sa plaza.)

"Okay lang. Basta indi niyo dun pagsuliton ina ha? Pareho kamo bayi. Amo na gani nga dapat mangin maayo kamo nga ihemplo sa inyo isigkatawo," nakangiting sabi ni inay.

When Dyuswa Meets Purita Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon