A/N: I highly dedicate this update to: @keithlyndalusong!!! Hehehehe. Thankyou for commenting and waiting. This may be lame, but babawi ako next timeee.Peach's POV
"Nay, matagal pa ba si tatay?" nakabusangot na tanong sa akin ni Kysle, kahit kailan talaga 'tong anak kong 'to hindi masabihan ng isang beses lang.
"Nanay told us that Tatay will be here soon, so please stay quiet." iritadong sambit ni Kysler sa tabi nito, busy itong naglalaro sa kanyang iPad.
"'Wag nga kayong sumimangot, tatanda agad kayo nan." suway ko sakanilang dalawa, labin-isang taon palang sila tapos sobra na silang makasimangot kala mo pinagsakluban ng langit at lupa.
"But nanay you'll still love me even we are old, right?" nabigla ako sa pagyakap sa akin ni Kysler, Mama's boy e. Si Kysle naman sadyang makatatay. Nakatingin lang samin si Kysle kaya naman niyakap ko din siya katulad ng kanyang kuya.
"Oo naman, nanay and tatay will always love you no matter what." paghigpit ko ng yakap sakanila, at nagtaka nalang ako nung biglang may pumulupot na panibagong mga braso sa amin. It was Jae.
"Nagyayakapan kayo ng wala si tatay ha." pagtatampo niya pero nakangiti pa din, "Sorry natagalan ako ha, tara na?" pag-aaya niya sa amin kaya nagsitanguan kami.
Nag-unahang kumuha ng mga gamit ang dalawa at sumakay sa sasakyan, nakakatuwa pa nga kasi kinuha ni Kysler yung mga gamit ni Kysle kaya naghabulan pa sila. Napatigil lang ako sa pagtingin sakanila nung biglang umakbay sa akin si Jae.
***
"Nay, andon ba daw sila damon?" tanongni Kysler sa gitna ng aming byahe.
"Sabi ng tita Macy mo, pupunta daw sila. Bakit?" ani ko.
"Kasi nay, may promise siya sa akin na movies eh hindi pa niya nababayaran!" inis na sambit ni Kysler. Kahit kailan talaga, lagi ng nakabusangot itong batang ito. Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya ngumingiti, yun nga lang mas lamang lang talaga ang pagsimangot niya, hindi tulad ni Kysle na kabaliktaran niya na halos laging nakangiti kaya sobrang nakakapanibago.
"Can't wait to see ate Faith and ate Piper!!!" kinikilig na sambit ni Kysle, na nasa tabi ng kuya niya. Well, hindi naman talaga sila magkatabi dahil individual seats yung inuupuan nila kagaya nung kapag nasa bus.
"Please act by the way you dress, seat properly young woman." suway sakanya ng kanyang kuya kaya agad siyang napaayos, "And why are you even wearing a dress? Pwede ka namang magjumper or pants, hindi yung ganyan kaikli."
"But kuya, this is what we, ate P and ate F planned!" sagot sakanya ni Kysle.
Seeing them like this makes my heart flutters, Kysler being protective to his youngest sister. Kahit simpleng pagsusuot ng damit, pagkilos nito at even kung sino ang mga nakakasama nito kailangang alam niya at naayon para sa kaligtasan ni Kysle.
"Okay, basta 'wag kang masyadong mahyper dahil nakadress ka." pangaral ng kanyang kuya.
"Alam mo kuya? Kahit ang sungit sungit mo at lagi mong pinapansin ang ginagawa ko, I am happy because you are my kuya. Thank you!" paglalambing ni Kysle at nagflying kiss pa sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗
RandomPinsan. Cousin. Family member. Bakit nga ba tayo nagkakagusto sa pinsan natin? Bakit hindi natin pigilan? Ganoon ba kahirap pigilan ang tawag ng pagmamahal? Maibibilang ba na pagkakasala ang pagmamahal sa pinsan mo na higit pa sa nararapat? Nagka...