*A/N: Hello guyss! It's my first, well, not first but second, dinilete ko kasi first story ko. Di ko na tinapos at nawala na yung storyline sa isipan ko. huhuhu. Nag start ako ng bagong story and hopefully (fingers crossed) matapos ko to successfully! :') Enjooooy!*
Bigla akong nagising sa tunog ng alarm ng phone ko. Eh paano ba, ang lakas lakas ng volume. Sarap ibato sa semento.
Pero wag na lang. Samsung Note eh. ;)
Simula na naman ng bagong araw sa eskwelahan. New classmates, new teachers, new malditas, achuchu, alam nyo na.
Hayss. Kung pwede lang nga di na ako muling gumising sa fantasy world ko kung saan everything is perfect.
But before the day started, anak naman talaga ako ng kamalasan o.
Eh paano naman, pagbangon na pagbangon ko, napansin ko na 25 minutes late na akong nagising. Tinignan ko yung alarm ko. Tama naman yung orasan eh.
Ay syete. Kanina pa pala nagsu-snooze. -_____-"
Leche, ang lakas lakas na ng alarm, di pa ako bumangon sa oras.
Nag madali na lang ako at inayos ko baon at breakfast ko. Tinamad nang gumising si Mommy kaya di ko na lang siya ginising. Humihilik pa eh. Sarap ata tulog.
Lumakad na ako kung saan ako sinusundo ng bus ko. Habang wala pa naman yung driver, kumain na muna ako ng Pepero.
Grabe, ang sarap kumain ng biscuit sticks covered in chocolate and almonds. Amfufu. <3
Nung kukuha na ako ng kagat sa isang Pepero stick, narinig ko na yung bus kong parating. Kaya tumigil na ako.
Panira si driver, ang sarap pa naman.
Pinunasan ko na muna bibig ko. Baka kasi may chocolate pa here and there, tapos pagtawanan pa ako the moment I enter. No, thank you!
Huminto na si manong at binuksan ang pinto. Pagkapasok ko ng bus, napansin ko na may bago kaming busmate.
Lalaki siya na mukhang pogi naman. Pero nung humarap, ang daming nyang freckles. Yiee.
Tipo ko din kasi ang mga lalaking may freckles. :')
Naglakad na ako pa punta doooon sa may likod ng bus para matitigan ko pa siya ng matagal. Grabe pala, pogi nga.
Ay, sorry! Di ko pa pala nai-introduce sarili ko. I am Charlotte De Cleria Montero. 14 years old, 2nd year high schooler sa La Montestario High School. Bata ko pa noh? Hihi. :D
Ako ay may medium-length na black hair, 5'2" in height and medyo chubby. Ayoko nang bangitin pa weight ko, baka kasi di nyo na basahin to. Haha! Joke lang!
Mahilig akong kumain ng kumain. Di ako picky kaya I have no favorites. Well, maybe when it comes to desserts, I still love Ice Cream. Kaya ko ngang ubusin isang litre na bucket of ice cream eh! Especially kapag Double chocolate pa flavor, yum!
Sa guys naman, gusto ko yung mga guys na matangkad, mamahalin ka kahit mataba ka and di ako yung tipo na tumitingin sa labas kundi sa loob.
Kaya nga yung mga kaibigan ko lagi akong pinangdidirihan sa mga nagugustuhan ko. Hayss.
Nang natapos na akong magdaydream sa bus, di ko namalayan na andito na pala kami sa eskwelahan. At di ko na rin namalayan na nakaalis na si new crush.
Sayang naman. :(
Pagkalabas ko ng bus, tumingin ako sa paligid ko, at napansin ko na may babaeng lumalapit sa akin at kumakaway.
Di ko siya mabanggit hanggang sa super lapit niya na.
Ay, busmate ko lang pala. Si Hazel Santano.
Hindi ko siya bestfriend. Busmate lang. Pero kahit busmate lang siya, open minded ako sa kanya.
Mabait siyang kaibigan na pinagguguluhan ng mga guys. Maganda kasi. :') Pero di siya yung tipong malandi na kani-kanino na lang siya nakasabit na parang keychain.
Matalino rin ah! Brains and beauty. Hayy, ba't di na lang kaya ako? *sad face*
"Kamusta summer mo?" tanong ni Hazel.
"Masaya naman, ikaw ba?"
"Okay lang. Wala namang ibang nagbago."
Kumaway na rin siya ng bye dahil nakarating na siya sa klase niya. Kinawayan ko na din.
Siguro nga di kami good conversation starters at may halong awkwardness din, pero, I'm glad to have a friend like her.
Nang papasok na ako sa klase ko, napansin ko si new crush, papasok ng klase niya.
9-F.
Wow, medyo malapit lang pala. Time to find out his time table para naman mastalk ko. Muahaha! Dejoke lang! Nakakapagod magstalk. Nevermind.
Bigla naman akong nakaramdam ng sobrang higpit na hug sa tiyan ko. Aray! Sino ba nama---
"Lott! Grabe ang saya kong parehas ulit tayo na klase!" sigaw niya.
Si Rianne lang pala. Siya yung kaibigan ko since elementary.
Naging close kami nung naging magkaklase kami ng 5th grade. Sobrang talino niyan! Nakaka3rd place nga sa toppers eh! Ang long pa ng hair like Janella Salvador, smooth pa!
"Rianne!! Namiss kita! Buti na nga lang na magkaklase ulit tayo!" sabi ko naman sa kanya.
Tumingin ako sa klase namin at napansin ko na wala pa yata si maldita. Nasan kaya?
Tinanong ko si Rianne kung nakapasok na siya ng klase, sabi niya na di nya daw napansin.
Super laki ng smile ko sa mukha ko at nakacross ang mga daliri ko na hindi kami magkaklase this year.
Please lang Lord! Wag muna ngayon!
Ang saya saya ko grabe, hanggang sa may nagbukas ng pintuan na parang elephante na may galit sa mundo.
Nagulat kaming lahat hangga't sa nalaman namin kung sino siya.
Hayyyy. Why is life unfair?
BINABASA MO ANG
Love and Regrets (on-going)
Romance(Hi readers! uhm, gamit ko kasi phone ko so di ako makaedit ng mabuti. Sorry for the mistakes and so! Hope you still like it though! :) ) A high schooler named Charlotte Cruz will be meeting a new guy in school. He ends up being someone she never ex...