Pumasok siya na may pagkafeeling model narumarampa sa isang fashion show.
Ay hindi pala.
Parang si King Kong na may putok na uber sa baho ang hinihinga.
Her name is Klessa Saramo. Oo, Saramo bibig mo para di ako mamatay.
Kala mo kung sinong maganda. Mas maganda pa nga si Voldemort sa kanya eh.
Same length lang kami ng hair, pero sa kanya parang barbie doll na pinagkulayan ng iba't ibang kulay ang buhok. Malaki labi parang si Flappy Bird.
Basta, kalimutan muna natin siya. Nagsimula ang araw sa isang assembly na puro na lang speech tungkol sa paano nila kami namiss ng sobrang sobra, para daw walang spirit yung school na wala kami.
Wala naman talaga eh. Unless may multo na nakapaligid sa amin ngayon. OH HELL NO.
Joke lang. Yung principal namin si Mr. Jarold. Matanda na siya pero he makes the day.
Mapapasaya ka niya kung bad mood ka at mabait siya. May lahi siyang British and matangkad pa!
Pogi nga pero di ko keri pumatol sa mga taong mas matanda sa akin ng 30 years. EW!
After a few boring speeches, natapos na din yung assembly namin. Grabe, basa na basa na ako sa pawis.
"Lott!" sigaw ng isa kong kaclassmate. Sa boses pa lang kilala ko na kung sino eh.
"Ano?" sabi ko kay Klessa sabay punas ng likod.
"Water." hingin niya. Ano ba naman tong taong to. Pumapasok sa eskwelahan na walang tubig. Mamatay na lang kaya siya ng dehydration.
Joke lang! Nakakainis nga siya pero hindi ako ganun ka-rude.
Binigyan ko at naghintay hanggang sa binalik niya sa akin bote ko. Minsan kasi nakakalimutan niya sa sa akin yun at nauubos niya eh. Ako tuloy namamatay sa dehydration.
Binalik niya naman. Mabait pala tong peste na ito. Sa tubig lang siguro. Joke lang!
And so, nagsimula na first class namin which was Maths.
Mahilig ako sa mga subjects na challenging tsaka fun to do. And ofcourse, the teacher must be fun to be with din!
So far, favorite subjects ko ay Bio, Chem, Maths, and Social Studies. Nerd din ako eh. ;)
Pagkalipas ng 4 periods, lunch break na namin.
Bumaba ako sa assembly hall para kumain kasama si Rianne at Jamie.
Si Jamie pala ay isa sa mga bestfriends ko. Siya yung fangirl tsaka masayang kasama. Di KJ (kill-joy) tsaka intelligent!
Malambing din. Mahilig din siya mangurot kapag kinikilig. Ar-ouch.
Si Jamie yung pinaka mapayat sa aming tatlo. Ako pinakachubby. Huhu.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Napapigil ako nung napansin ko na may palapit na tao sa paligid namin.
OMG!!! Si new crush! Kasama niya friends niya. Pogi din sila pero mas pogi si crush. :'>
Umupo sila sa may tabi namin pero about 15 meters far. Di ka pa kasi tumabi sa akin eh!
Tinitigan ko siya ng matagal hangga't sa may bumulong sa akin,
"Sino na naman crush mo? Yung pangit ba?" sabi naman ni Jamie.
Tuminigin ako sa kanya ng masama at nagsmile na parang baboy na binigyan ng sugar.
Nagsalita naman tong si Rianne, "Huy Lott ah! Di mo shini-share sa amin yang news mo ah! Sino doon gusto mo?"
Sumulpot si Jamie, "sino pa ba? Yung pangit na mukhang manghihiwa ng isda sa palengke!"
Tumayo ako at tumabi kay Jamie at sinuntok ko siya sa braso.
"Aray!" tili naman nito.
"Yan, unang suntok mo sa akin sa school year na to. Kung ayaw mo na may pangalawa, shh na lang please?"
Nagsorry na lang siya at tumawa na lang si Rianne. Nakitawa na rin kami. Nagsorry rin ako kasi mukhang napalakas suntok ko eh. Namula suntok ko sa braso niya. :(
"So, Lott, paano mo naman naging crush tong mangi-is--"
Ayokong magka-red patch si Jamie ulit kaya sinuntok ko na lang ng mahina sa may hita.
"este, lalake na to?" tuloy niyang sinabi.
"Kaninang umaga lang."
Tumingin sila sa akin na may malaking mata at mukhang gulat na gulat sa sinabi ko.
Tumawa naman tong si Rianne.
"Seryoso lang? Kumpara nakita mo lang ngayong umaga, crush mo na?"
"Pag naging boyfriend mo yan, sabihin mo I-fillet niya fish ko ah!" sabi ni Jamie.
Loko loko to. Sarap I-fillet bunganga.
"Crush lang naman eh. Or baka napopogihan lang ako. Basta, unexplainable feeling to!" sabay kilig.
Tumili naman tong dalawang to at tumawa. Ang corny ko daw? Shucks.
Sorry pero, ganun ako. Haha! Corny man ako, atleast nagpapakatotoo.
Nung natapos na break namin, nagsihiwalayan na kami. Business Studies kasi sila. Ako Science.
Ang saya din kapag kasama mo talaga ang mga taong alam mong nakaksakit pero masaya pa rin makasama.
Natapos na rin ang isang napakatagal na araw. pauwian na. Pagkapasok ko sa bus, punung puno na ng mga tao.
Wala na akong mahanap na maupuan. Napansin naman ng guro kaya pinatabi niya ang isang estudyante sa ibang seat at ako pinaupo.
Nagpasalamat ako sa guro at tumingin sa katabi ko.
OMG. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
IS THIS DESTINY?
FATE?
Katabi ko si crush! :')
Pero sa sandali lang yun kasi maaga siyang binaba ng driver namin. Hays naman. Panira ng moment!
*A/N: Bukas na lang po ang next chapter! :) Wait wait lang po! :") Promise yan!*
BINABASA MO ANG
Love and Regrets (on-going)
Romans(Hi readers! uhm, gamit ko kasi phone ko so di ako makaedit ng mabuti. Sorry for the mistakes and so! Hope you still like it though! :) ) A high schooler named Charlotte Cruz will be meeting a new guy in school. He ends up being someone she never ex...