Chapter 3

10 0 0
                                    

Hay nako. Bagong araw na naman. Papasok na naman sa school with the same old boring lectures, boring classes, alam nyo na.

Pero ang pag gising ko ngayon ay iba. Yung parang excited na excited akong pumasok. Alam nyo na siguro bakit? :))

YES! Makikita ko si crush! :')

Ewan ko ba kung bakit pero kapag naalala ko siya, para bang lasing na lasing ako sa kanya na siya lang naiisip ko. *blush*

NO! Charlotte! Umayos ka! Wag kang mahuhulog sa kanya! Hanggang crush lang. Ayaw mo naman mangyari sayo yung nangyari dati diba?

I know, brain, I know. Hayss. Bakit ba kasi ako pa ang kailangan na makaranas ng ganoon.

Okay, so, naligo na ako, nagbihis, nagpatuyo na buhok at nagipit na. The daily routine of every morning of my life. *yawn*

Ang usual ipit ko ay yung ponytail lang. Gusto ko naman ng panibago kaya binago ko style ng pagipit ko from a usual ponytail to pigtails. Cute diba?

Isipin mo siguro ang tanda tanda ko na magpigtails. Alam mo, no one's ever old for a Happy Meal and also for pigtails. :')

Bumangon si Mommy at nagsimula na siya magluto ng aking favorite breakfast food. PANCAKES!

And of course, pancakes aren't perfect if there isn't MAPLE SYRUP AND BUTTER! :') Yumyumyum!

Ang takaw ko! Dahil kasi dito sa metabolism kong ito, napataba tuloy ako. Sayang, ang sexy sexy ko pa naman nung bata pa ako. (well, di naman sexing-sexy pero pwede na)

I hate calories but I love food. <3

Inayos ko na din ang bag ko and kissed mom goodbye at dumiretso na sa road kung san ako sinusundo ni Manong Driver.

Di ko kasi alam pangalan kaya Manong Driver na lang. ;)

Pagdating na ng bus, biglang tumibok yung puso ko. Ang bilis.

Napatulala ako sa pintuan ng bus sa sandaling oras lamang at nagsimula nang maglakad paloob.

Pagkapasok na pagkapasok ko, napansin ko na wala siya.

ANO BA YAN?!

Sayang naman effort ko. Wala rin pala. Huhu.

Nung palakad na ako sa seat ko, pansin ko na pinagtitinginan pala ako ng mga busmates ko. Lahat as in, lahat. Bakit kaya?

Yung isa naman, biglang tumawa pero patahimik nyang ginawa. Yung isa naman, tinignan ako na parang sira ulo ako.

Iniwasan ko na lang sila at dumiretso na sa pinakalikod na seats. Pagkaupo ko, may nagsabi,

"Ate, sa susunod na magpigtails ka, tignan mo muna kung parehas sila ng height." sabi ng isang 4th grader.

'Parehas ang height' pa talaga ginamit ah! Kids these days marunong na Tag-Lish. c:

Ako nga bulol mag-English nung bata pa ako eh.

Bilis-bilisan ko naman kinuha yung emergency mirror ko (pocket size lang) at tinignan.

OMG! Seryoso lang?! Di diretso ipit ko?!

Ano ba yan. Wala na nga si crush, di pa pantay ipit ko!

Nakakainis!

Nung nakababa na ako ng bus, hinabol ako ni Hazel.

Gusto niya daw ako kausapin. Di ko ba alam kung bakit di niya na lang ako kausapin sa bus kapag free ako kaysa sa ngayong nasa eskwelahan na kami.

"Ito, kunin mo. Basahin mo ng mabuti ah! Makakatulong to sayo!" sabi niya habang binibigay ang isang A4 sized paper na nakafold.

Tatanungin ko na sana siya kung ano itong papel na to pero di ko na naagapan kasi bigla bigla na siyang umalis.

Curious ako kung ano man nasa loob. Babasahin ko na sana hanggang sa nagring na yung bell.

Pinasok ko na lang ito sa bag ko at nagmadali na sa klase ko. Biology pa naman.

-

Nung lunch break na namin, bumaba na kami ni Jamie at Rianne sa assembly hall at kumain na.

"O, wala ata si mukhang isda ngayon?" sabi naman ni Jamie.

"Tama na yan Jamie." singit naman ni Rianne.

"Baka naman may hard feelings si Lott. Pero, oo nga, nasan ba siya? Nakilala mo na ba?"

Oo nga no. Di ko pa nga pala nakikila tong si crush.

"Alam mo, sa mukha mong yan, di mo pa siguro nakikila ng kahit kooonting konti." sabat naman ni Jamie.

Ito na naman tong si Jamie. Pinupunas na lahat ng naisipan niya sa mukha ko.

"Oo, nga. Di ko nga kilala. Kahit yung name niya. Pero alam ko klase niya! Okay na yun! Tignan ko na lang name niya sa student list."

Tingin sila sakin sabay kilig. "Ano klase niya?!"

"9-F."

"Wow! Ang lapit niya lang pala! Next class lang yun diba? Ba't di mo kausapin?"

"Gagawin ko yun. Kung pwede lang."

Tumingin sila sa akin as if namatayan ako at nagsipag sabi sila ng "Okay lang yan", "There's still a chance".

Kung pwede lang nga kausapin ko siya eh.

Problema lang dito, ang strict ng mga guro na isang usap lang namin sa mga lalaki, flirt na agad naiisip nila.

Yung pagkatabi ko kay crush, never have I ever imagined na mangyayari yun at di pa ako napagalitan! Whew!

Pero itong mga gurong to, lahat na lang ng naiisip nila puro mga ligaw ligaw lang.

Di ba pwede as friends? Churchmates? Cousins?

Pfft. Ang KJ.

(*A/N: Sorry po! A bit short lang po muna itong chapter na to! And wala masyado action =)) Promise next chapter  mahaba haba na rin. :)* )

UPDATED A/N: GUYS! di muna tomorrow. :((( Gumawa ako story eh tapos naglowbat na ako. :(((

Ang ganda pa naman storyline huhu. :'(

Bahala na po! Promise gagandahan ko. :D

but still sad about everythinf I wprked hard for :(((

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and Regrets (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon