(Anay's P.O.V)
Nasa eroplano ako. Phillipinas, doon ako patungo. Kahit may konti akong pagka-fillipino ito palang ang una kong beses nakarating dito, lumaki ako sa russia.
May naglakad papalapit sakin, si Agent Kathrina. "Landing na tayo in 30 mins, handa mo na sarili mo." nginitian niya ako at bumalik sa kanyang kinauupoan. Dito na pala kami, maglalanding nalang.
*****************************************************
(Dwight's P.O.V)"Lo, naman eii! Ayoko ng may mag proprotekta sakin, hnd ko na kayang may mamatay ulet sa harapan ko!" hnd sa naaawa ako, naiinis ako na tinuturing nila akong mahina. tsk!
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng narinig kong may nag doorbell, akmang bubuksan na ni manang Julie ng hinawakan ko ang braso nito at sumenyas na ako nalang ang mag bubukas. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang babaeng matangkad pero mas matangkad ako, or tumangkad lng sya dahil sa heels nya? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, pula ang buhok nito, at yung mata nya, tila hindi ko maintindihan, pula ba ito o dilaw. May hila-hila pa itong maleta. nakasout pa syang ng pula ay may halong itim ang damit, ang intimidating nya tignan pero hnd ako na iintimidate sa kanya. Sino naman to? nakakapagtaka at ipinapasok ito ng mga guard.
"Nawawala ka ata miss" wika ko sa babaeng nasa pinto ng akma kong isasarado ang pinto ng iharang nya ng paa niya rito. WTF??!! napatingin ako sakanya ng masama at walang emosyon nya naman akong tinitigan. "Ano problema mo? Sino ka ba? Wala namang sinabi sakin na may bisitang babae!" naiinis kong sabi.
Tumikhim ang babaeng nasa harapan ko. "Ganyan ka pala bumati sa bisita nyo." Aba! kung makasagot to kala mo kung sino! hnd nya ba kilala ang kinakausap nya.
"Sino ka bang Punye---"
"Siya yung hinire ng Lolo mo" Pagputol sakin ni manang Julie. Ah! bagong katulong! Kung manamit kala mo kung sinong Formal na tao katulong lang pala.
"Lo, ang bastos naman ng katulong na hinire mo" lumingon ako at nadatnang wala na don si Lolo, napatingin ako kay manang Julie, "Asan si Lolo?"
"Umakyat na ang Lolo mo para magpahinga." wika nito habang tinuro ang staircase kung saan pababa na ang nurse ni Lolo. "Ako nalang daw po ang bahal sakanya." turo naman niya sa bastos na babaeng nasa harapan ko.
Napatingin ulet ako sa babae ng papasukin ito ni Manang Julie, Akmang bubuhatin ni Manang Julie ang maleta ngunit madaling na buhat yun ng babae at itinabi.
"Umayos-ayos ka ng pananalita mo katulong ka lang." sina maan ko sya ng tingin at tumalikod.
"Katulong?"-siya
"Katulong??!!" -Manang Julie
Napahinto ako .
Tumikhim ang babae bago nag salita. "Sino naman nagsabi sayo na katulong ako?" so hindi sya Katulong???!! EDI SINO SYA??!
***********************************************************************************************
(Anya's P.O.V)Nakaupo ako ngayon sa Sofa kung saan pinaupo ako ng matandang babae na nakasout ng maid uniform. Tinignan ko naman ang lalaking nasa harapan ko, tila hindi mapinta ang mukha niya. Walang emosyon ko siyang tinitigan.
"Ano pakay mo dito" tanong nya sakin.
"Ikaw" tipid kong sagot. Siya naman talaga, kung ayaw nya ako dito mas ayaw ko. May kinuha ako sa bulsa ng maleta ko, at inabot sakanya ang Folder. Tinitigan nya lng 'yon. "Nagtatanong ka anong pakay ko rito tapos tititigan mo lng yung sagot ko." pagbanggit ko sa folder. Dahan-dahan nya 'yong kinuha at binuklat, mukhang na hindi parin niya nagustohan ang binabasa niya.
"ikaw? Yung bagong Bodyguard ko?" tumango nalang ako bilang sagot. "Katangahan" singhal nito. "Ano pangalan mo?"
"Anya"
"Tsk, What a Stupid name" tumalikod siya at itinapon ang folder sa basurahang malapit sa kanya. "You Won't last long" mga huling salitang binitawan nya bago ito tumalikod
"Pagpasensyahan mo na si Dwight, ganyan talaga siya simula nung naghiwalay ang magulag nila." may dumataning naman na lalaki, butler siuro ito base sa uniporme niya. binuhat nito ang maleta ko at tumabi samin. "Halika na at dadalhin ka na namin sa Kwarto mo.
Naglakad kami patungo sa magarbong staircase. inikot ko ang paningin ko at pinag masdan ang paligid. Ang ganda ng bahay na ito. Nabaling ang tingin ko sa isang litrato. tinignan ko ng maigi iyon, si Dwight, may kasama itong lalaki, Tatay niya kaya ito? malabong maging lolo niya kasi masyadong bata tignan.
Naagaw ng paningin ko ang sout-sout ni Dwight na Kwintas. nilapitan ko iyon at tinitigan iyon nga maigi .b-bakit parang... pamilyar sakin ang sout nitong kwintas. Akma ko tong hahawakan ng biglang sumakit ang aking ulo! Ughh! mapapikit ako sa sakit, agad kong kinapa ang bulsa ko at hinanap ang isang pakete na may lamang asul na gamot. Agad ko itong sinubo at nilunok. Nang ma lunok ko ito, agad kumalma ang sarili ko.
Lumapit sakin si Manang Julie at hinawakan ang aking mga braso. "Ok ka lang ba hija?" tinignan ko ito. naramdaman ko sakanya ang naramdaman ko kay supremo ng paki usapan ako nito tungkol sa misyon.
'Ano yun?'
pakiramdam ko naramdaman ko na ito noon pero parang nakalimutan ko lang.
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Manang Julie at patuloy naglakad hangang nakarating kami sa isang pintuan na kulay puti.
"Ito na ang Kwarto mo, pahinga ka muna at galing ka sa byahe. Ipapatawag nalang kita pag handa na ang Hapunan." Tumango ako bilang sagot at pumasok na sa loob, pinasok narin ng lalaki ang maleta ko at yumoko ng kaunti bilang paalam.
Nilibot ko ang paningin ko. Vintage ang setup nito. Pero mas gusto ko yung kwarto ko sa Russia. Gray ang kulay. Ayoko ng pinkish vintage na kwartong to, puno pa ng bulaklak.
Umupo nalang ako sa kama at tumingin sa bintana. Naalala ko ang paglait niya sa pangalan ko. Makikita sa ugali nya na isa siyang...
....
JERK.

BINABASA MO ANG
PROJECT: 626
Science FictionProject: 626 Advanced Humans This we call "Mutatio: Hominum" An Experiment on DNA which is to create Advanced humans like "humanoids" but, they are not made by robotics. They are humans who has the abillity of night vision form an owl, strength from...