DIS: Chapter 1

3 0 0
                                    

Stupidity

Acie's POV

I wish I have a perfect family. Yung may nanay na maghahanda ng breakfast mo sa umaga, yung daddy na sasamahan ka sa mga gusto mong matutunan. Yung ate na makakalaro o makakasama mo sa paghahanap ng mga gamit mo, at yung kuyang poprotekta sa yo sa mga panahon na wala kang ibang ginawa kung hindi maging mabuting anak pero kabaliktaran ng pananaw ng mga tao sayo.

Pero lahat ng 'yon ay hindi ibinigay dahil magisa lang akong anak. Driver at katulong ang laging kasama, kakain ng pang umaga kasalo ang mga upuan, walang nanay o tatay na nasa tabi mo sa mga oras at araw na walang wala ka dahil puro sila trabaho! Trabaho ang anak nila, araw araw na nagpaparami ng pera.


Masakit ang mamuhay na wala kang kasama sa bahay, pusang gala! Bakit ako naiiyak! Lintik!

Wala naman talaga akong magagawa, ano lang naman ba ang magagawa ko? E sa wala sila e.

"Nanay Esther!" Sigaw ko pagkababa ko ng hagdan.

"Ano ka ba namang bata ka! Kung makasigaw akala mo naman may sunog."

Tumawa lamang ako saka ako lumapit sa pwesto niya.

"Anong ulam Nanay?" Tanong ko sabay kuha ng toasted bread sa mesa.

"Nagluto ako ng sausage, itlog, ham at yung paborito mong prinitong saging"

"Wow!" Saging! Yes! Patakbo akong pumasok sa may dining saka ako umupo ng maayos para masimulan ko na ang pagkain.

Subo ang saging at ham tinawag ko si Nanay para saluhan ako, sino pa nga ba kasi ang makakasama kong kumain kung hindi siya at ibang mga kasambahay namin. Haaaaay... kelan ko ba mararanasang makasabay sila Mommy.

At dahil sa kakaisip ko kila mommy hindi ko namalayang nakatunganga na pala ako sa kinakain ko.

"Wag ka ng malungkot Anak, andito naman kami nila Choleng at Tanying para saluhan ka"

"Kaya nga, kaya wag ka ng magdrama Acie. Kumain ka na diyan at ng maihatid ka na ni Tanying" sabi ni ate chloe.

Bahagya akong napangiti sa mga sinabi nila.

Nagpapasalamat talaga ako at nandiyan sila para saakin, wala na akong mahihiling pa. Except for my Parents, I wish they were here.

"Magandang umaga po Mang Tan!"

"O tara na sakay na" ngiting saad niya.

"Salamat po" tinanguan lang niya ako saka siya umikot para paandarin na ang sasakyan.








Kumaway lang ako kay Mang Tan ng tatlong beses saka ako pumasok sa gate ng bago kong paaralan.

Sandali akong tumigil para langhapin ang halimuyak ng sandali kaso...

TANG'NA! Anong amoy yon!?

Luminga linga ako sa paligid ko hanggang sa mapadako ang aking mata sa sapatos ko.

Shit! Bakit naman napakamalas ng unang araw ko? Huhuhu.

BAKIT NGAYON PA AKO NAKAAPAK NG TAE! Waaaaaaaaaaaaaaaaaah......

Paiyak na sana ako ng biglang may kung sinong bumusina saaking likuran. Sa sobrang gulat ko hindi ko nakita yung basurahang nilalangaw sa likod ko.

ANG DAMIT KOOOOO! Huhuhuhu

Bakit naman napakamalas ko? Huhu

Una yung tae ngayon naman natumba ako sa basurahan at ang malala pa don basa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damsel in StressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon