Sophia's Pov
Matapos ang araw na iyon ay sinabi sakin ni ate Anya kung saan nakaburol si kuya Timothy. Pumunta ako sa huling araw ng burol ni Kuya Timothy na siya ding araw ng libing niya. Si ate Anya ang nasa tabi ko at kapwa kaming umiiyak habang binabasbasan ang kabaong ni kuya Timothy. Nang marahan nang ibinababa ang kabaong ni Kuya Timothy ay hindi ko na napigilan at mas lalo akong umiyak. Parang gripo ang mata ko at ang luha ko ang tubig.
'Ang daya mo kuya Timothy!"
Isa isa nang naghagis ng bulaklak ang pamilya ni kuya Timothy at sumunod naman si Ate Tanya at ako. Sinama ko sa paghagis ang sulat ko para kay kuya Timothy.
Aamin na dapat ako sayo kuya eh kaso andaya mo. Nang iwan ka agad. Yung sasabihin ko dapat sayo ay isinulat ko nalang nung araw na malaman kong wala ka na. Kuya alam kong masaya ka na kung nasaan ka ngayon. Lagi mong tatandaan na maraming nagmamahal sayo. Isa na ako doon at si ate Anya.
Natupad na yung pangarap ko, kuya na makita ka sa personal pero nakakungkot lang dahil ito ang una at tanging pagkikita natin dahil wala ka na. Makikita na nga lang kita sa personal sa kabaong pa.
Bye Kuya Timothy. Saranghaeyo.
Dear Kuya Timothy,
Kuyaaaa~
May sasabihin ako sayo...pero sana walang magbabago ah. Ako pa rin si bata at ikaw pa rin si kuya.
Kuya yung mga "saranghaeyo" mo sakin, alam ko wala lang yun sayo. Kuya saranghaeyo, hindi lang as may kuya. Saranghaeyo as my love. Alam ko namang hindi mo maibabalik yung pagmamahal ko kasi alam ko namang may mahal kang iba. Noong nag sorry ka sakin dahil nga hindi mo agad nasabi sakin na may girlfriend ka ay masaya ako kasi feeling ko may karapatan ako sayo na malaman ang lovelife mo. Hahahaha ang babaw ko no? Kuya mamimiss kita.
Saranghaeyo kuyaaa~
Geuttaekajji.
![](https://img.wattpad.com/cover/151560251-288-k140470.jpg)