Kabanata 1

98 1 0
                                    

TALITHA'S POV:

Ramdam ko na ang malagkit na pawis na nagsisimula ng tumulo sa aking leeg. Kahit anong gawin kong paypay ay tila hindi man lang nababawasan ang init na gumagapang sa katawan ko.

Masyadong mainit ang panahon ngayon.

Kung wala lang akong kasama dito sa opisina ay malamang sa malamang na kanina pa ako nagsimulang magtanggal ng damit.

"Talitha, sigurado ka bang hindi ka sasama sa lakad namin sa sunday? Huh?" muling ungot ni Kristin. Isa sa mga ka office mate ko. Kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa lakad nila pero tumanggi ako.

May naka schedule na kasi akong pupuntahan e.

"Ano ba, hindi nga ako pwede diba? Pass muna! Sa susunod nalang talaga!" muli ko ring tanggi.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa naudlot kong pagsusulat. Konti nalang ay matatapos na ako. Ang ibig  nong sabihin ay makakauwi na ako.

Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang larawang nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Kuha ko iyon noong nakaraang taon sa bahay ni lola Andeng.

Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot.

Kaya ako hindi makakasama sa gala nila Kristin ay dahil sa lola Andeng ko. May sakit kasi siya. Ang sabi ni ante Hilda ay malala na daw siya. Isa pa ay gustong gusto niya daw akong makita. Ayoko namang hindi siya makita bago ang huling oras niya sa mundo kaya napag desisyunan ko siyang bisitahin.

Simula bata pa ako ay si lola Andeng na ang palagi kong nakakasama. Kapatid siya ni lola Amor. Isa siyang matandang dalaga. Kaya siguro nakahiligan nya ako noon dahil wala naman siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Sa totoo lang mad marami pa nga kaming memorias na magkasama kesa sa totoong lola ko na si lola Amor.

Naramdaman ko nalang na may namumuo nang luha sa mata ko kaya agad kong inawat ang sarili ko. Umiling iling ako at ngumiti ako ng mapait.

Hintayin mo ako lola.

***

MALALIM na ang gabi ng marating ko ang lumang bahay na pag aari ng lola ko. Sa gate ay sinalubong ako ni tita Hilda. Bakas ko sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Agad ko siyang niyakap.

"Kamusta po si lola?"

"Kanina ka pa nya iniintay, Talitha.--" ani ni tita habang tila nahihikbi na. "--sa tingin ko nga ay ikaw lang talaga ang iniintay nya e." Dugtong pa niya.

Gustong gusto kong umiyak ng mga oras na yun pero pinipilit kong magpakatatag. Ayoko ko kasing mag-alala pa si lola. Ayokong umalis siya ng may pag-aalinlangan sa mga maiiwan nya. Gusto ko ay mapayapa siyang umalis.

"Sige po. Pupuntahan ko na siya." Mahina kong sabi.

Pilit na ngumiti naman si tita Hilda at kinuha sa akin ang dala kong maleta.

Nang maibigay ko na sa kanya ang dala ko ay tinahak ko na ang daan patungo sa kwarto ni lola. Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga bago ko buksan ang pinto.

Sa loob ay natagpuan agad ng mga mata ko si lola. Nakahiga ito sa kanyang kama. Bahagyang nakaangat ang ulo niya dahil sa mataas na unan. Nang matanawan nya ako ay agad syang nagpakawala ng napakatamis na ngiti. Hindi alintana ang hirap na pinagdadaanan nya.

Gumanti din ako ng ngiti. Hanggat maari ay ayokong palungkutin ang paligid.

Mabagal akong humakbang palapit kay lola. Nang marating ko ang kama nya ay sinenyasan nya akong mupo doon na agad ko namang sinunod.

Nang makalapat na ang pwet ko sa kama ay hinawakan ni lola ang kamay ko.

"Miss na miss na kita." Ani lola.

Kahit naiiyak nya ay pinipilit ko paring magpakatatag.

"Pasensya na po kung bihira na akong makadalaw sa inyo ah. Busy po kasi ako sa trabaho eh."

"Ang apo ko." Masuyong hinawi ni lola ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko. Pagkatapos niyang gawin iyon ay may kinuha sya sa ilalim ng kaniyang unan. Ipinatong nya iyon sa kamay ko. Isa iyong lumang libro na sobrang kapal ng bawat pahina. May nakaukit na letrang V sa pinakasentro ng pabalat nito.

Nagtatanong ang mga mata kong tumitig kay lola.

"--Ngayon ay ikaw na ang magmamay-ari ng librong ito Tabitha. Ipinamamana ito sa bawat panganay na anak na babae sa ating henerasyon. Gusto kong alagaan mong mabuti ang librong ito."

"Lola." Tanging nasambit ko habang nagsasalita si lola. Ramdam ko kasi na namamaalam na siya.

"Ito ang dahilan kung bakit nakumpleto ang  buhay ko kahit wala akong asawa. Napakalaki ng naitulong sa akin ng librong ito." Nakangiting sabi pa ni lola.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Pero iha-- hanggat maari ay wag mong susubukang buklatin ang mga pahina nito. Dahil sa oras na mamalas mo ang hiwagang bumabalot sa librong ito ay hindi ka na makakatakas. Ayokong magaya ka sa akin. Tandaan mo, wala paring hihigit sa pagkakaroon ng sariling buhay. Nang pamilya."

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit nya ito ibibigay kung hindi ko naman pala pwedeng buksan?

Muli ay napatitig ako sa hawak kong libro.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay lola ay ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko. Doon ay napahagulgol na ako ng iyak.

Wala na si lola.

Talagang inintay nya lang na makita ako.

Aklat Ni TalithaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon