Kabanata 2

100 2 3
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mailibing namin si lola Andeng pero nananatili parin ako sa lumang bahay nila. Para kasing hindi ko parin kinakaya ang pagkawala niya kaya nag file muna ako ng leave.

Siguro ay tama na ang isang buwan para tuluyan kong matanggap ang pagkawala niya.

"Aalis na kami Tabitha. Sigurado ka bang kaya mo ng mapag-isa sa bahay na ito?" Ani ni tita Hilda habang umiikot ang tingin sa kabuuan ng malaking bahay. Tapos na ang bakasyon niya kaya kailangan na nyang bumalik sa manila.

Tumango tango ako. "Ako na po ang bahala sa sarili ko."

"Oh sige. Mababait naman ang kapit bahay mo dito, kaya kung may problema ka ay wag kang mahiyang magsabi sa kanila."

"Sige po. Mag-iingat kayo sa byahe."

Nang marinig yun ni tita ay kumaway na ito at humakbang palayo. Hinatid ko pa siya ng tingin hanggang sa gate. Nang hindi ko na sya matanaw ay pumasok na ako sa loob ng bahay at naglock ng pinto.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang nanlulumo kong katawan sa kama. Nang pumasok sa isip ko ang librong ibinigay ni lola ay dali dali ko iyong kinuha mula sa loob ng drawer na pinaglagyan ko.

Ano ba ang laman ng librong ito?

Ang sabi ni lola ay wag ko itong bubuksan hanggat maari pero--  gustong gusto ko talagang malaman kung ano ang mga nakaaulat dito eh.

Ah bahala na.

Maingat kong iniangat ang pabalat ng libro. Sa unang pahina ay nakatitik ang salitang 'ANG AKLAT NA ITO AY PAG-AARI NI ADELAIDA'  totoong pangalan iyon ni lola Andeng.

Ililipat ko na sana sa susunod na pahina ng magulat ako sa pagbabago ng nakasulat sa ibabaw ng pahina. Ang kaninang pangalan ni lola ay napalitan ng pangalan ko.

ANG AKLAT NA ITO AY PAG-AARI NI TALITHA

Halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan kong pagbabago kaya naibato ko ang librong hawak ko. Sinampal sampal ko pa ang pisngi ko para gisingin ang sarili ko at baka nananaginip lang ako. Pagkatapos kong gawin iyon ay muli kong dinampot ang libro. Binalikan ko ang unang pahina at muling binasa ang nakasulat.

Pag-aari ni Talitha.

Totoong pangalan ko na nga ang nakalagay doon. Ang ibig lang nong sabihin ay totoo ang una kong nakita. Nagbago talaga ang nakasulat sa librong iyon.

Kung ganon. Ano ang hiwagang bumabalot sa librong ito?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Muli ay hinawakan ko ang unang pahina upang ilipat sa ikalawa.

Nang tuluyang tumambad sa akin ang ikalawang pahina ng libro ay napakunot ang noo ko. Wala naman kasing anumang nakasulat doon. Sinilip ko pa ang ibang mga pahina pero katulad ng pangalawa ay mga blangko din ang mga iyon.

Dahil walang napala ay inihagis ko sa kama ang hawak kong libro. Maging ang katawan ko ay muli kong inihagis doon at pumikit ng mariin.

Lola. Ano ba ang meron sa librong ito?

〰️〰️〰️

NARAMDAMAN  ko ang marahang pagyugyog ng katawan ko. May mainit na pwersang tila humihila sa suot kong pajama na nakapagpamulat sa akin. Nang tuluyan kong maidilat ang mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng isang maamong binata. Naka pwesto ito sa paanan ko. Maiingat nyang ibinababa ang suot kong pajama na ikinagulat ko. Sinubukan kong manlaban dahil sa matinding takot pero para akong hindi kumain ng isang buwan dahil sa labis na panghihina.

Tuluyan nyang naalis ang pajama ko. Gustuhin ko mang takpan ang pang ibabang bahagi ng katawan ko ay hindi ko magawa dahil sa nakatali ang mga kamay ko. Unti unting inilapit ng binata ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko na nagdala sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na bago lang sa akin. Masuyo nyang hinawa ang natitira ko pang saplot sa ibaba. Halos mapaliyad ako ng maramdaman ang mainit init niyang dila sa pagkababae ko.

Para akong mababaliw.

Ang kaninang panlalaban ay napalitan ng matinding pagnanais. Kahit may konting takot ay unti unting sumisibol sa kaibuturan ko ang pagnanasa.

Ang kaninang pagpipigil ay napalitan ng pagpapaubaya. Mas ibinuka ko pa ang aking mga hita dahilan para mas lalo pa niyang maarok ang aking hiyas. Sa tindi ng sensayong unti unting bumabalot sa katawan ko ay hindi ko na napigilan pang umungol.

"Ahhhhhhh.." ang sarap ng ginagawa nya.

Bawat pagpihit ng dila nya sa loob ko ay damang dama ko. Yung kaninang takot ay tuluyan ng naglaho. Hanggang sa mapuno ng mahihina kong ungol ang buong kwarto.

Sarap na sarap ako. Hindi yun maitatanggi ng katawan ko. Sa sobrang sarap na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung saan ko ipipiling ang katawan ko.

"Ahhhhh.. ahhh.." ramdam ko ng malapit na akong sumabog.

Isang pagsabog nang kaligayahan na tila matagal ko ng inaasam.

Nang makita ng lalaki ang matinding pagkabaliw ko ay mas lalo pa nyang ginalingan ang paghim*d sa pag-aari ko. Basang basa na ako. Anumang oras ay sasabog na--

"Ahhhhhhhhhh..."

〰️〰️〰️

NAPABALIKWAS ako ng bangon.

Nagpalinga linga ako sa paligid.

Panaginip lang iyon pero dama ko ang epekto niyon sa katawan. Basang basa ang hiyas ko. Para talagang sumabog ang maliit kong bomba sa loob ng pagkababae ko. Bahagya pang nanginginig ang katawan ko. Para talagang katatapos ko lang na makipagtalik.

Napapailing akong ngumiti.

Napakasarap naman ng panaginip na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aklat Ni TalithaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon