KABANATA V

9.5K 254 64
                                    

*ASYONG'S POV!*

Iniwan na namin si Lando saka nagtungo sa harap ng guidance office para alamin kung ano ang section namin.

"Pucha! Ang babaho ng pangalan! Pangalan pa ba 'yan?" inis na usal ko habang pinagmamasdan ang isang long bond paper na naglalaman ng mga mababantot na pangalan. Ilan sa mga nandito ay...

BOYS
Asyong
Tasyo
Lando
Bentong
Banjong
Tado
Mario
Bisugo

GIRLS
Milagring
Berta
Lucresia
Mercedes
Botchakol
Milagros
Lorena
Milagsol
Pukol

Pucha! Pangalan palang ay ang babaho na. Hindi nila gayahin ang pangalan kong sobrang bango. Asyong ang nag-iisang hari sa Hell University. Yang mga 'yan, pangalan pa ba 'yan? Ang dugyot! Siguro ay panget lahat 'yan tulad nung babaeng may malaking nunal sa ilong na tinubuan ng tatlong buhok.

Inis na akong naglakad at sinundan naman nong dalawang bugok na kasama ko.

"Bentong, excited ka na ba sa mga klasmeyts natin?" tatawa-tawang saad ni Tasyo na nagsisimula na namang malibugan ang hayuf.

Sumagot naman si Bentong. "Oo naman no. Taena pangalan palang pakiramdam ko ang sesexy na nila lalo na si Ber-Berta ba yun? Pucha hahanapin ko agad yun saka ko lalantakan. Pakiramdam ko ang bango niya." kinikilig pang aniya ni Tasyo.

Napanguso nalang ako habang pinakikinggan ang kamanyakan nilang dalawa. Sino naman kaya si Berta? Tch. Siguraduhin niya lang na maganda ang isang 'yan kundi sira lahat ng mood ko sa buong araw. Berta? Kadiri ang pangalan napakabaho pa, malayong-malayo sa pangalan kong si Asyong.

Dumiretso na agad kamisa klasrum na kinabibilangan namin pero bago pa yun ay nagtungo muna kami sa parking lot para magyosi.

"Uy, Asyong.. 20 minutes na tayong late." atungal ni Bentong na matanda. Palibhasa ay nirarayuma na kaya hindi na kayang tumayo nang matagal. Kahit kailan talaga ay napakalampa niya, akala mo hindi lalaki kung umasta.

Pumaiharap naman sa akin si Tasyo. "Oo nga Asyong.. ano ba? Wala ka bang balak pumasok? Taena baka nandon na si Lando tapos tayo nalang nandito." kabado pang aniya.

Hinulog ko ang yosi na hawak ko saka inapakan at hinarap sila. "Napakanerbyoso niyo ano? Magkape nga kase kayo! Tch saka wag na kayong magtaka kay Lando alam naman natin ang isang iyon, masyadong killjoy." walang kwentang aniya ko.

Napataas ang isang kilay nila.

"Alam niyo, papasok pa ba kayo? Wag na! Boring din naman yung subject na yun." inis na usal ko.

"Hoy, Asyong nahihibang ka ba? Oo alam namin matalino ka pero pano naman kaming nasa average lang?" si Bentong.

Tch. Average daw, akala mo talaga may alam ang hayup e.

Sumabat naman si Tasyo. "Siraulo ka rin 'no? Ayaw mo ba pumasok? Dinadamay mo pa kami! Paano nalang si Baby Berta ko kung nagkataon? Taena makikita ko na forever ko Asyong tapos pipigilan mo lang? Ay. Beribad." iiling-iling pa niya na akala mo napakalaking krimen ang nagawa ko. Bwisit! Sino ba kase ang Berta na 'yan? Taena kapag yan panget bugbugin ko silang dalawa.

Sinamaan ko ng tingin si Tasyo. "Woy ikaw, nakita mo na ba 'yang Berta mo na 'yan ha? Kung makapagbulyaw ka saken akala mo limang taon na kayong magkarelasyon. Nakita mo na ba 'yan ha?" masunget at asar na tanong ko. Bwisit kase tong Tasyo na 'to akala mo mamamatay na kapag hindi nakita yung Berta na 'yun. Kung alam niya lang inis na inis ako ngayon dahil don sa babaeng may malaking nunal sa ilong na tinubuan ng tatlong buhok dahil sa ginawa niya sa akin kanina. Kailangan magkita kami nong babaeng panget na yun dahil hindi pa kami nagkakaharap at hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng ginawa niya sa aking pamamahiya.

Nabaling ang atensyon ko kay Tasyo na ngayon ay napapakamot sa ulo. "Hehe, hindi pa nga Asyong e. Halika na kase para makita ko na ang forever ko." saka siya nagpeace sign. Kinunyatan ko nga siya agad dahilan para sumama ang mukha niya.

"Gagu! Kung maka-asta ka akala mo nagkita na talaga e. Bwisit! Halika na nga!" inis na usal ko. Natawa naman si tanda na si Bentong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa ka pa nga. Tsk, iinom pa sana ako alak e!" bulyaw ko habang nagpupunas ng labi gamit ang towel na nasa balikat ko.

"Puro ka inom, Asyong. Man-chixx muna tayo." suhestyon ni Bentong saka ako inakbayan.

"Anong chic? Wala ngang chic dito sa Hell University, panay manang at gurang! Wala man lang sexy." kunot noong reklamo ko. Totoo naman e, walang maganda dito lahat puro cheap at manang na akala mo ang gaganda talaga puro naman retoke.

Bumitaw si Bentong sa akin saka tumabi kay Tasyo. "Asyong ganyan ka na ba talaga kabitter sa ex mo? Uso move-on dre! Napakaraming babae ang nagkakandarapa sa ating apat lalo na ako tapos sasabihin mo walang maganda rito? Fool." panunumbat niya. Napaiwas naman ako ng tingin saka sumandal sa may kotse ko.

"Palibhasa bitter ka sa ex mo at hindi ka maka move-on kaya ganyan ka nalang maka-asta. Tss, bakit hindi mo simulang ibaling ang atensyon mo sa iba? Hindi lang iisa ang babae dre, maawa ka naman sa sarili mo!" panunumbat pa ni Bentong dahilan para mapalunok ako ng paulit-ulit.

Ano bang trip nila e sa ayaw ko ang lahat ng babaeng naririto? Taena ang papanget kaya nila lalo na yung babaeng may malaking nunal sa ilong na tinubuan ng tatlong buhok. Porket ba ayaw ko sa mga babae rito at hindi na agad maka move-on sa ex?

"Tama ka Bentong."  pagsang-ayon ni Tasyo. Magsama nga sila na pati panget hindi pinapatawad makaraos lang. Ibahin nila ako dahil hindi ako fuccboi, hihe. "Ewan ko ba dito kay Asyong e. Gwapo naman at habulin ng mga chic pero matigas talaga. Tsk. Hay naku, tara na nga Bentong, hanapin nalang natin si Baby Berta ko!" wika ni Tasyo sabay akbay kay Bentong na tatawa-tawa habang naglalakad papalayo.

Mga hayop talaga kahit kelan. Iniwan pa ako. Ako na hari ng Hell University? Pucha!

"Hoy! Hintayin niyo ko mga ulul!" pagtawag ko kaso hindo man lang nila ako nagawang lingunin.

Pucha!

Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!

HE'S INTO HELL UNIVERSITY WITH THE FOUR BADBOYS & THE DIARY OF A PSYCHOPATH SLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon