Chapter 2

346 9 0
                                    

Nandito kami ngayon sa canteen nila Tof, Christoph, Lee at Lanz. Two story bulding ang canteen dito, sa baba parang odinary canteen lang er sa second floor merong restaurant at sa gilid nito may café. Nandito kami ngayon nila Tof sa second floor, and tanaw na tanaw namin ang mga estudyante dito, may nag dedate sa ilalim ng puno, may nag kekwentuhan sa daan. Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Umupo na kami nila Tof sa usual spot namin, umorder kami ng spaghetti at juice. Habang hinhintay namin yung order, tumingin tingin muna ako sa paligid, pero may isang tao na nakakuha ng buong attention ko, si Arabela at kasama niya si Nica, Secretary ng student council at classmate ko. Chance ko na to!

"NICAAAAAA!" sigaw ko, tumingin naman siya agad, ikinaway ko ang kamay ko, na ibig sabihin ay dito kayo pumwesto. Niyaya naman ni Nica si Arabela papunta sa second floor mg canteen.

"Hi boys, kamusta?" sabi ni Nica.

"We're good" sagot ni Lee.

"I see" si Nica.

"Ahmmm Arabela anong order mo? Sagot ko" pagputol ko sa usapan ni Nica at Lee baka kung saan pa mapunta e.

"Nakakahiya naman, ahmmm" sabi niya

"Zach" sabi ko, sabay ngiti at this moment pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa canteen. She's so beautiful.

"Ow Zach, nakakahiya naman oorder ako pero ako na ang magbabayad" sabi niya, napatango na lang ako habang nakangiti padin.

Dinagdagan na lang namin yung spaghetti na inorder namin. Masaya kaming nag kekwentuhan habang hinihintay yung order namin.

"Ma'am, Sir ito na po yung order niyo" sabi nung waiter.

"Yehey thankyou!" tugon ni Arabela. Shit bakit ba ang ganda mo?

Kumain na kami at itong si Lee walang tigil sa pagkekwento ng bakasyon nila sa Singapore ni Nica, magkapatid kasi sila. Mapagkakamalan nga na sila kasi mas sweet pa sila sa mag jowa.

Riiiiiiiiiiiiiing! Nagring na yung bell.
"To all students please return to your respective classroom" sabi nung principal

Ang bilis naman ng oras, pumunta na kami sa room upang umattend sa next subject, I hate this time, math nanaman. Bakit ba hindi kita matutunan mahalin!? Pumasok na kami sa classroom, wala pa si Sir Tuazon kaya may time pa ako para magbuklat ng libro.

"Goodmorning class" nagulat ako kasi biglang pumasok si Mr. Tuazon.

"Goodmorning sir" lahat kami.

"Welcome back my dear students, kamusta naman ang bakasyon niyo? Bilang ice breaker I'll start our lesson with a graded recitation. Let's see what you've got Ms. Guitterez, what is a linear equation? Very elementary" Grabe talaga si Sir Tuazon. I hate it during recitations. Bakit ba kasi wala akong talent sa mga numbers.

Tumayo naman si Ara and she starts to speak "Linear Equation is an equation between two variables that gives a straight line when plotted on a graph."

"Very Good Ms. Guitterez I'm expecting too much from you" si Sir Tuazon "How about you Mr. Chua? What is an equation?"

Ha? Ano daw?! Shit anong isasagot ko. Hindi ko yan alam! Dahan dahan akong tumayo "Ahmmm I don't know sir" nanginginig pa yung boses ko.

Shit! I swear isusumpa ko yang math na yan, napahiya pa ako kay Arabela.

"Ano ba yan Mr. Chua simpleng term lang hindi mo ma define? I saw your performance in other subjects, magaganda naman pero bakit dito sakin hindi ka magpamalas ng galing mo?! Math lang ito, all you need is your mindset, be attentive every discussion. Okay I'll proceed to the discussion" ang mala machine gun na bibig ni Sir Chua ay dumali nanaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon