Prologue

6 0 0
                                    

"You don't know what you have until it's gone."

Ang line na yun ang lagi mong maririnig sa mga taong nanghihinayang, nagsisisi at nangangarap na kung sana'y maibabalik lang ang panahon kung saan maitatama nila ang kanilang mga pagkakamali, kung saan magagawa pa nila ang mga di nila nagawa.

NAALIMPUNGATAN ako ng mayroon akong narinig na sumisigaw, umiiyak, natataranta at kalmadong nagsasalita ngunit kinakabahan.

"Normal na uli ang heartbeat nya Ma'am, pindotin nyo na lang po ang emergency button kung sakaling may nangyari o kaya naman at nagising ang pasyente."

"Maraming salamat po Doc." Aniya ng isang tinig na sa tingin ko ay nasa late 60's na. Malungkot ang boses nito at tila kagagaling lang sa pag iyak.

"Nay ayos na sya kumalma na kayo." Ani ng isang panibagong tinig.

"Sabihin mo anak kung pano ako kakalma kung ang aking mabait na apo at nakaratay sa kama at nahihirapan. Sa tingin mo kaya kong maatim na tingnan sya. Hindi ko lubos maisip na sa dinami rami ng tao sa mundo ay sa kanya pa nangyari ito. Di mo alam kung pano kong pinagdarasal na sana.. Sana ako nalang ang nagkasakit tutal matanda na'ko masaya na akong nakikitang maganda ang buhay nyo wala na akong mahihiling pa. Pero ang aking apo marami pa syang pangarap na gustong tupadin paano mangyayari yon kung nandito sya walang lakas, walang malay at namumutla. Aaahhhh!" Ani ng naunang boses na tila ay mas nahihirapan sa sitwasyon nang kanyang apo.

"Nay hindi lang kayo ang mahihirapan sa sitwasyon nya, pamangkin ko rin sya. Pero Nay sa tingin nyo ba mas gagaan lang ang sitwasyon kung pati sarili nyo ay pahihirapan nyo. Nay ilang araw na mula nang nabangit mg doktor na buwan nalang ang bibilangin nya sa mundo. Sa ginagawa nyo ay pati kayo ay magkakasakit. Nay, kailangan namin kayo at kailangan din kayo ni Gab habang nandito pa sya kaya Nay please naman. Alagaan nyo din ang sarili nyo." Pakiusap ng isang tinig habang pinakakalma ang kanyang ina. Pero di rin maitatanggi na kahit kalmado ang boses nito ay masyado syang nag alala at apektado rin sa nangyayari.

"Anak di totoo yan. Matagal pa nating makakasama ang aking apo. Matutupad nya pa ang kanyang pangarap. Hindi toto yan marami pang paraan." Tugon ng matandang tinig habang ito ay humahagulgol pa rin sa pag iyak.

"Nay naman.." Ani ng kausap nito na wala naring magawa at naiyak na rin sa sitwasyon.

Maging ako rin ay nararamdaman ng kanilang pighati ngunit ewan ko pero parang natatamaan ako sa sitwasyon ng taong nakaratay sa hospital. Dahil alam ko may sakit din ako.

"...Buwan nalang ang bibilangin nya sa mundo."

Teka hindi kaya...

Pilit kong iminumulat ang aking mata pero parang ang bigat bigat nito.

Nang tuluyan ko nang naimulat ang aking mata napapikit akong muli sapagkat nakakasilaw ang ilaw. Nang tuluyan ko ng maaninag ang paligid  napansin ko agad ang puting kisame. Bigla ko nalang narinig ang mahinang tunog ng kung anomang aparatong nasa aking tagiliran.

Saka lang nag si sink in sa utak ko ang lahat. Ako ang pasyenteng tinutukoy, ang apo ng may matandang tinig, pamangkin ng isa pa at higit sa lahat ako ang tinutukoy nilang...

buwan nalang ang bibilangin sa mundo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Will She Be Remembered?Where stories live. Discover now