"The only permanent in this world is CHANGE."
Yan ang motto ko sa buhay.
Hanggang sa nakilala ko si Kristen.
Ako si Nathan.
At ito ang story ko.
~~
[2 years ago]
"Nothing's wrong. Everything's absolutely fine. I just.. I just.. I just can't handle my feelings. I just love you way to much, Kristen." sabi ko atsaka ko hinalikan ang mga kamay ni Kristen na nakahawak sa pisngi ko.
Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. I have this feeling na pag umalis ako ngayon hindi ko na makikita pang muli si Kristen. And I don't want that! Kaya kung pwede lang matutulog na ako dito sa labas ng bahay nila para hindi ako malayo sakanya.
"Aw! Babe, I love you too! Alam mo naman yun eh. That won't change. Even if we grow older, Babe!" sabi niya atsaka ako hinalikan.
I love Kristen. To bits and pieces. She completes my life. She's a treasure. Pinangangalagahan ko siya. Kung graduate na kami, hindi na to Castillo eh. Kaso may priorities padin kami. Pero malapit na, 2 years nalang ggraduate na kami pareho. We promised na ggraduate kami ng sabay at after nun tsaka ko siya aayaing magpakasal. I know! I know! It's way to early for marriage pero kasal pa lang naman. And plus! I think she's the one!
"Sige na! Papasok na ko?" pagtatanong nito. Hawak hawak ko lang ang mga kamay niya. "Babe?" tanong niya ulit. Tumango nalang ako atsaka nginitian siya. May kinuha din ako sa bulsa ko na isang box, "Eto na ang reward mo." sabi ko atsaka niya binuksan yung box na inabot ko, sa loob nun merong isang kwintas na may heart pendant, at sa heart na yun may nakaukit na pangalan. 'Nathan & Kristen, forever'. Nginitian niya ako atsaka niyakap, "Thankyou!" nginitian ko naman siya atsaka kinuha yung kwintas at sinuot sakanya, "Sige Babe, pasok ka na. Anong oras na oh." sabi ko pero meron padin pagdismaya sa mukha ko. "It's alright, Babe! Smile! May bukas pa! Magkikita pa tayo bukas, okay?" sabi niya. Tumango-tango naman ako at nagpeke muli ng ngiti. "Sige na. Uwi ka na. Gabi na. Baka hinahanap ka na nila Tita. Goodnight!" niyakap niya akong ulit at hinalikan ang aking pisngi. "Goodnight, Babe! I love you!" sabi nito.Ngumiti ako at hinalikan din siya sa pisngi, "Goodnight! I love you too! Always!" sabi ko atsaka na pumasok sa aking kotse tsaka umalis na.
Nasa byahe ako ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. 45 minutes to an hour ang layo ng bahay namin ni Kristen kaya mejo hassle pero okay lang, kung si Kristen naman ang makikita at makakasama ko.
Naalala ko tuloy yung mga happy memories namin ni Kristen. Tulad nung araw na sinagot niya ako 4 years ago..
[Flashback, 4 years ago]
"Hay!" nagpakawala ako ng isang malaking buntong hininga. Katabi ko ngayon si Kristen, nagaaral siya. May quiz kasi siya mamaya, eh pasaway hindi nagaral day before kaya ayan ngayon nagaaral. Kaya kahit anong papansin ko hindi ako pinapansin. "Hoy Mr. Nathan Gracia! Kahit ilang buntong hininga ang gawin mo jan hindi mo parin makukuha yung atensyon ko kasi mas importante tong quiz ko." sabi ni Kristen ng sunod sunod pero hindi parin ako tinitingnan, "Aray naman! Grabe ka sakin Kristen! Simula nung 1st year college pa kita nililigawan pero binabaliwala mo padin ako. 2nd year college na tayo pero hindi mo padin ako pinapansin. Nakakapagod na." pagiinarte ko atsaka bumusangot. "Alam mo Nathan! Ang arte arte arte arte arte mo!" sabi niya atsaka kinurot yung pisngi ko. Close naman kami neto ni Kristen. Parang M.U na nga eh. Shet! Nakakaihi yung kilig kapag nilalandi ako neto ni Kristen. Haha!
BINABASA MO ANG
I'm Sorry..
Ficção AdolescenteSabi nila, 'Time will heal'. Pero paano kung hindi ko na kayang hintayin pa yung time? Masyado na akong nasasaktan. Kapag nakikita ko ang mga alaala namin lalo lang akong nasasaktan. Love is UNFAIR.. ~~ A one shot story made out of the blue. This st...