Chapter 1

57 1 0
                                    

CHAPTER 1

“Ayokong umalis Dad! Ayokong lumipat ng ibang school.” Pagiyak ni Cassey habang padabog na umakyat patungong kuwarto. Mabilis na man siyang sinundan ng kanyang ama, ngunit nilock niya ang pinto. Kahit anong pagkatok ng ama niya ay hindi parin niya binubuksan.

Tatlong araw nang nakalipas nang yumao si Alicia Atienza, ang mommy ni Arianna Cassandra Atienza. Namatay ito sa atake sa puso. Hindi na nito nakayanan ang huling beses na pagatake ng traydor na sakit, kaya naman sumuko na rin ito. Matindi ang sakit at lungkot ng ni Carlito nang pumanaw ang kanyang kabiyak. Ngunit naging matatag siya. Pininilit niyang kumawala sa mapait na pangyayari. Naniniwala siya na ang pag-alis pansamantala salugar nila ay makatutulong upang maibsan ang sakit at pangungulila na nadarama niya sa ngayon.

“Cassey, anak. Pansamantala lang naman. Sana’y maintindihan mo ako. Wika nito sa matamlay na tinig habang nakatayo sa harapan ng silid ni Cassey. “Babalik din tayo.”

“Paano na mga kaibigan ko rito? “They can help me get over it. I don’t need to leave!” dagdag niya.

“Your brother will go with me. I can’t just leave you alone here. Hindi kita maaring pabayaan. Please do me this favor anak. I need your help.” Wika pa ni Carlito. Mahirap pilitin si Cassey. Ngunit alam nito na pagbibigyan din siya nito. “Think about it, anak.”

Isa sa mga dahilan kung bakit nais ni Carlito na umalis muna sa San Lorenzo ay ang naghihintay na business opportunity sa Maynila. Naisipan niyang isubsob ang sarili sa negosyo upang kahit papaano’y makalimot sa pait na dulot na pagkamatay ni Alicia.

Nasa ikaapat na taon na sa sekondarya si Cassey. Two quarters na lang ay magtatapos na siya at sa Colegio de San Martin niya gustong tapusin ang sekondarya, kung saan siya kasalukuyang pumapasok.

Isang simpleng school girl lang siya. Ayos na sa kanya and magsuot ng jeans at simpleng pangitaas. Madalas naka sneakers lang din siya. Simpleng nakapusod ang tuwid at mahaba niyang buhok at naka bagpack lang kung pumasok. Sa kabila ng kanyang kasimplehan, she’s still cute and charming. Kung pagmamasdan nang maigi ang mukha niya, she’s probably cute. Hmm, no. Maganda siya. Kaya naman hindi rin siya nauubusan ng mga umaaligid na mga boys.

“Pero fourth year na ko. Konting panahon na lang gagraduate na ako.” Anito sa sarili habang yakap-yakap ang paborito nitong spongebob pillow. “I understand you, Dad. I know it was really hard for you, but I don’t want to leave this house. This means a lot to me. Mas mamimiss ko si Mom pag umalis ako rito.” Tuloy parin siya sa pag-iyak. Mommy’s girl siya. Sa ina lamang niya naisasangguni ang mga problema niya. Close din naman siya sa Daddy niya ngunit mas malapit siya sa ina.

Ilang sandali pa’y tumunog ang cellphone niya. Si Seraphica ang tumatawag. Isa ito sa mga kabarkada niya.

“Hello, Raphy?” aniya matapos pindutin ang answer call button.

“Kamusta? Ready ka na ba tonight?” anang kaibigan niya.

Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan. May dadaluhan nga pala siyang party ngayong gabi. Kaarawan ngayon ng isa pa niyang kaibigan, si Zarine.

“Whew. I almost forgot about that thing.” Sabi ni Cassey.

“At bakit naman, Arianna Cassandra? And you sound like crying. What’s happening to you, my ever dearest friend?” wika nito.

“Ulyanin ka na ba Seraphica?” bulyaw niya sa kabilang linya. “Namatay lang naman ang Mommy at kalilibing lang this past three days!” litanya niya at sarkastikong pinagdiinan.

“Oh. I’m sorry. Oo nga pala.” Biglang nalungkot na tugon nito kay Cassey.

“Not only because of that. My dad wants us to leave San Lorenzo.” Sabi niya at muling napaiyak.

I Can Wait ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon