Chapter 2

32 0 0
                                    

CHAPTER 2

“We’re here.” Wika ni Carlito nang sa wakas ay nakarating din ang mga ito sa bahay nila sa Maynila. Alas dose ng madaling araw nang sila’y ,makarating. Antok na antok na ang magkapatid kaya nagpasya nasilang magpahinga.

“Dad. Sa room po muna ako. Pagod na ko at inaantok.” Reklamo ni Ken ang nakatatandang kapaitd ni Cassey.

“Dad, ako rin po. Magpapahinga na po ako. Magpahinga na rin po kayo. Bukas na po tayo magayos ng gamit.”

“Sige mga anak. Matulog nakayo. Ikaw cass, gumising ka ng maaga at mageenroll tayo agad bukas.” Anito habang inahnda ang sarili sapagtulog.

“Yes dad.” Tanging tugon niya.

Unang araw niya sa University of St. ferdinand, ang bago niyang pinapasukan. Mataas ang mga grades niya kaya naman sa special science curriculum siya napunta. Mabilis naman niyang nakagaanan ng loob ang mga bagong kaklase at may dalawa naagad siyang mga kaibigan.

“Oh, Cass, sabay ka na sa amin magbreak.” Ani Rose. “At paramai-tour ka narin namin sa buong campus.” Dagdag pa nito.

“Oo nga. Tsaka lalo na sa nursing department. Daming cute guys do’n!” excited na wika naman ni Erika.

“Talaga lang ha. Kayo talaga.” Aniya na nangiti na lang.

Natapos rin sa wakas ang ikalawang subject ng mga ito. Break time na. Nagtungo ang tatlo sa school canteen upang magsnack. Maya maya pa’y nakabili at naupo ang mga ito sa kanilang table.

“So bago lang kayo rito sa Manila?” tanong ni rose kay Cassey.

“Yeah. Kailangan kasi naming umalis sa lugar namin pansalmantala. Namatay kasi ang Mommy last week. Nahihirapan kasi si Daddy eh.”

“So sad naman pala. We’re sorry to hear that.”

Maya maya pa’y tapos na ang mga itong kumain. Tulad ng napagusapan, ipinasyal siya ng mga ito sa buong campus.

Nadaanan na nila nag accountancy, criminology at engineering department. Ang sumunod nilang pinuntahan ay ang nursing department.

Hindi alintana ng dalawa niyang kasama kahit pinagtitinginan ang mga ito doon. Sila lang kasi ang highschool students na naroon. Ngunit siya ay nagsimula nang mailang.

“Tara na girls, baka time na. Pagalitan pa tayo ni Ma’am. Tsa ka nakakahiya. ” nililingon niya ang paligid.

“Ano ka ba sis. Okay lang yan. Parepareho naman tayong nagaaral ditto.” Tugon namn ni Rose. “kunsabagay” kibitbalikat nito.

Tuloy-tuloy lang ang kanilang paglalakad habang parang tour-guide naman ang mga kaibigan niya. Siya nman ay tumatango lang sa bawat sabihin ng mga kaibigan. Habang naglalakad sa may corridor ng nursing dept. ay hindi niya namalayan ang papalabas na nursing student sa isang pintuan na saktong tapat na nila. Nagkabanggan si Cass at ang lalaking iyon.

“Oh my----“ tanging nasambit niya at sabay pinulot ang mga gamit nitong nalaglag.

“Oops miss, I’m so sorry.. c’mon, let me help you.” Wika ng lalaki at sumabay itong magpulot ng mga gamit. Hindi magkandaugaga sa pagpulot ang lalaki at tila nagmamadali ito. Sandali pa’y biglang nahawakan nito ang kamay niya. Parehong natigilan ang mga ito, sabay na nag-angat ng ulo at nagkatitigan. Tumagal iyon ng ilang sandail. Para bang pamilyar sila sa isa’t isa. Kakaibang init rin ang naramdaman ng bawat isa.

“Urm. Sorry little miss. Nagmamadali lang kasi ako. Pasensya na. maiwan na kita. Here are your Things. Bye.”anito pagkatapos na tila nagising sa sandaling pagkakaidlip.

I Can Wait ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon