★★★
Hello!
Marianne is here again~
Another one shot.
Another tear or smile.
Another story of life.
Another lesson is taught.
Chos ang drama ko!!
Eto na...
---
~Your voice was the soundtrack of my summer.~ Thunder
Yan ang naging theme song ng buhay ko. Yan ang naging favorite song ko simula ng summer na yun.
Kasi yung Thunder ay yung perfect song na nagsasabi ng nararamdaman ko.
Naalala ko nga yung summer na yun...
Parang ayaw ko na nga tumigil yung summer class ko eh.
Nagtatake kasi ako ng summer class sa science. Science kasi ang weakness ko eh. Mas madali pa ang math kesa sa science para sa akin. Kaya pinasok ako ng parents ko sa summer class.
Nuong una nga ayaw ko eh. Kasi ang summer ay para magpahinga, magbakasyon saka mag enjoy. Tapos ako mag aaral. Then pagkatapos ng summer school naman. Edi aral ulit. Kaya nga tutol talaga ako sa summer class ko... NOON.
Kaso nang nakilala kita nag iba lahat yun. Gusto ko nga pumasok 24/7 eh. Tatalunin ko pa ang 7/11 at Mercury Drug!
Pero hindi pwede. So tiis tiis nalang. :( Haha.
Ang sabi nga nila ang crush ang distraction sa pag aaral, pero ikaw nga ang nag-iisang dahilan ko para pumasok. Tapos ginagalingan ko pa sa mga laboratory experiments para maimpress ka.
Ang swerte ko nga kasi ikaw ang naging tutor ko eh.
Buti nalang din na gusto mo magkaroon ng summer job experience kahit teenager ka rin tulad ko.
Kasi dahil doon, iyong summer na iyon ang naging pinaka memorable sa lahat.
Naalala ko yung mga joke mo tungkol sa organs ng palaka na dinadisect nating dalawa...
Tapos magtatawanan tayo hanggang sa pagalitan tayo ng moderator natin...
Pero okay lang, basta ba naririnig ko ang mga tawa mo na parang musika sa tenga ko...
Naalala ko rin yung mga kamay mo sa kamay ko tuwing tinuturuan mo ako kung paano magdisect ng maayos... minsan ng sinasadya ko magkamali para turuan mo ako eh...
O kaya pag tinititigan kita habang ikaw ang nag dedemonstrate...oo creepy na kung creepy eh crush kita kaya ganun.
At kapag malapit ka sa akin kapag titignan mo kung tama ba yung na-observe ko sa microscope-o kaya kapag tinutulungan mo ako magtransfer ng acid sa beaker-naamoy ko ang nakaka adik na amoy mo...
At yung mga panahon na kahit pawis ka dahil mainit sa laboratory ang ayos at linis mo paring tignan...
At kapag pawis ka, gusto kong punasan yung pawis mo gamit ang panyo ko-kaso hindi ko magawa, baka madistract ka eh... Haha ang ewan ko lang eh.
Kapag sabay tayo kumain tuwing break at sabay tayo lumabas ng room kapag uwian... kinikilig ako at iniisip ko na date na rin yun.
...At ang isa sa hindi ko makakalimutan ay yung araw na nag aminan tayo. Pareho pala natin gusto ang isa't isa.
Kaya pagkatapos noon sabay na tayong pumasok at umuwi.
Grabe! Magkapit bahay lang pala tayo.
Pareho lang kasi tayong hindi mahilig lumabas. Kahit parents ko hindi alam na may anak pala ang kapit bahay namin. Ganyan ka hindi palalabas. Minsan nga inisip ko bampira ka eh. Haha.
Kaya tuwing walang pasok inaaya kita na mag punta sa park.
Nung una nga ayaw mo kasi hindi ka mahilig gumala. Pero dahil makulit ako, napapayag kita. Kaya araw araw tayo magkasama buong summer. Sobrang saya ka talaga. Parang the best summer in my whole life.
Hanggang sa isang araw hindi ka pumasok. Eh yung na yung last day ng summer class ko eh. Tapos na din kasi yung summer at medyo umuulan na.
Yung tutor pa na nakapalit mo ay yung teacher na masungit na ayaw natin pareho. Mukha kasi siyang dragon lalo na pag nagagalit, umuusok yung ilong. Haha.
Nabadtrip nga ako noon eh. Kasi yun yung first monthsary natin... as friends. Hindi naman kasi naging tayo.
Kaya paguwi ko pumunta agad ako sa bahay niyo. Nakailang katok na ako pero walang lumalabas.
Susuko na sana ako pero lumanas yung katulong niyo. Ang sabi nasa hospital kayo ng parents mo.
Agad ako pumunta sa hospital at hinanap yung room mo.
Pagdating doon nakita kita.
Nakahiga ka lang at si Tita ay umiiyak habang si Tito ay pinipilit siyang pakalmahin.
Tinanong ko si Tito kung ano ang sakit mo, at parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko...
May brain cancer ka pala simula pagkabata. Kaya hindi ka lumalabas dahil mahina ka.
At ng medyo lumakas ka na, hiniling mo na ma-enjoy mo ang mga huling oras sa buhay mo.
At ang pinaka masakit?
Pinagmamasdan mo na pala ako ng mga bata pa tayo mula sa bintana mo habang hinang hina ka.
Na nag aral ka talaga ng science para lang maturuan ako.
Natigil lang sandali ang paghagulgol ko ng magka malay ka at tawagin mo ang pangalan ko.
Agad agad akong lumapit at hinawakan ang kamay mo.
"Wag na wag kang bibitaw ha?" Sabi ko.
Ngumiti ka pero bumagsak ang kamay mo. Kasabay ang malakas na kulog galing sa labas dahil may malakas na bagyo.
Tinawag ko ang doctor mo pero huli na ang lahat...
Pero bago man yun lahat mawala muling nabuhay ang puso mo base sa monitor...
Naging ganito pa...
-----√\---√\√\√\√\---√\√\√\------------
At nawala ka na ng tuluyan.
Katulad ng summer na nawal dahil sa tag-ulan.
Pero ang summer mayroon ulit sa susunod na taon...
Pero wala ng ibang katulad mo na dadating sa buhay ko.
Hinding hindi ka mawawala sa puso ko.
Mahal na mahal kita.
Hanggang sa susunod na buhay...
Paalam-
---
Sana nagustuhan niyo kahit sad ending.
Walang names yung characters for the reason na ang magbabasa ang bahala mag imagine ng sarili nilang characters. Babae man o lalaki. Pwede. :)
-Marianne
©WeRrrrWhoWeRrrr
BINABASA MO ANG
Summer Love Story
Short StoryThey were made for each other. But they weren't meant to be together.