Minahal kita pero ano ang iyong naibigay?
Sakit at pighati ang dulot nito sa aking nararamdaman,
Bawat sakit ay parang bomba na maaari kong ikamatay,
Bawat iyak ay dama ninuman ang sakit na nararamdaman.Ilang araw ang lumipas,
Ika'y aking nakita kasama ang iba,
Ay hindi pala;
Ang aking kaibigan ang bago mong kasintahan.
Ay eto ba ang sinasabi mo na nahihirapan ka na?
Bakit sa aking mga mata ay sayang-saya ka?
Paano naman akong nagmamahal sayo ng tunay?
Itatapon ko na lang ba?
Katulad ng iyong ginawa?
Sinayang mo ang mga taon na ating pinag hirapan;
O ako lang ang nang hihinayang?Umuwi akong luhaan katulad nung araw na ika'y lumisan;
Ako'y pagod na.
Pero aking puso ay hindi pa,
Kung kaya't ika'y aking inimbitahan,
Inimbitahan sa huling pagkakataon man lang.
Ika'y pumayag dahil aking pinangako na ito na ang huling beses na ika'y aking lalapitan.Eksaktong alasais y medya ng ika'y dumating,
Suot ang puting damit na humahapit sa iyong balingkinitang katawan;
Ika'y aking pinag masdan,
Na animoy sabik sa iyong laman.
Ika'y aking inalalayan na kumain na;
At ika'y pumayag sa aking alok.Oras na ba? Akin na bang gagawin?
'Yan ang laman ng aking simpleng nasambit,
Ako'y tumayo at marahang kumuha ng patalim sa kusina,
Dahan-dahan akong nag lakad katulad ng isang leon na handang sakmalin ang kanyang biktima,
Sa huling pag kakataon ay ika'y aking pinag masdan.
'Sayang at sa iba ka napunta';
Yan na lamang ang aking nasambit sa aking utak.Itinaas ko na ang aking kamay at malakas na pinakawalan ang aking nararamdaman,
Bawat sak-sak ay katumbas ng sakit na aking nadama,
Bawat talsik ng dugo ay katumbas ng kataksilan na iyong ginawa,
Bawat hiyaw ay musika sa aking tenga na nag bibigay ng saya sa aking kalamnan,
Bawat iyak ay aking pinasasalamatan,
Ika'y aking tinanong sa huling pagkakataon kung ako'y iyong mamahalin mulit, ngunit ang iyong sagot ang nag bigay sa aking ituloy ang aking balak.
Sana'y ako na lang ang iyong pinili at hindi s'yang nagbibigay ng saya na alam kong panandalian lamang.
Ang puting damit na iyong suot kanina lang ay nagkulay pula na dahil sa dugo na umaagos sa iyong katawan;
Sayang at yang puting damit na iyong suot ay balak kong palitan ng puting damit na alam kong magagamit mo sa altar na ating nais noon.Tapos na, tapos na ngunit dama ko na may kulang pa,
Kung kaya't marahan akong kumuha ng bato na pampatalas,
Kinaskas ko, kinaskas ko ng sobra hanggang ako'y makuntento na,
Lumapit ako, lumapit ako sa iyong katawan na wala ng buhay,
Sayang at ika'y akin ng hapunan.Dahan-dahan kong sinagad,
Dahan-dahan kong pinasok,
Dahan-dahan kong hiniwa,
Dahan-dahan kong pinutol
Hanggang sa makuha ko ang tamang angulo;
Tama at eto nga ang laman na aking kailangan.
Pinrito ko katulad ng iyong paboritong iluto,
Kinain ko katulad ng isang taong matagal ng hindi nakakain ng ganito,
"Kulang pa" yan ang aking nasambit;
Kumuha ako ng panibagong laman at ito'y aking tinikman,
'Ke sarap mong lasahan lalo na at ako ang nakauna."Mahal ko, tayo'y magsasama hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon",
Kumuha ako ng lubid at ito'y aking ikinabit,
Aking ulo ay ipinasok,
Hanggang ang hininga ang masulasok,"Mahal ko, ikaw ang una't huling taong mamahalin ko, sana'y iyo itong nakita bago kita nilagutan ng hininga"
Bago pumikit ang aking mga mata,
Tunog ng sirena ang aking naririnig;
"Pasensya na at ako'y lilisan kasama ang babaeng aking mahal"- Maynard
BINABASA MO ANG
Revenge
PoetryDon't dare yourself to read this book of tragedy if you want to have a nightmare after reading my poetries