Iniisip ko kung anong sasabihin sa kanya kapag nagkita ulit kami.
Kung sisimulan ko ba sa mga salitang "ako nga pala yung iniwan mo dati"Iniisip ko kung magpapalaki ba ako ng katawan.
O kaya magpopost ba ako ng mga masasayang lugar na aking napuntahan.
Iniisip ko kung maghahanap ako ng bago para hindi ako mukang bitter.
Ipapa muka ko sa kanya na i found someone much better.Iniisip ko kung anong isasagot ko kung kamustahin nya ako.
Nakaka proud bang sabihin na "ito nag iinum araw araw sakit pa rin kasi eh. Ikaw ba kamusta ka gago?"Iniisip ko kung handa na ba akong makita sya.
Kasi ako pa rin itong si tanga na habol ng habol pa rin sa kanya.
Iniisip ko kung magkita kami, makokontrol ko ba ang aking sarili?
Kung hahalikan ko ba sya o susuntukin sa pisngi.Iniisip ko kung pumayag ba akong makipag live in sa kanya noon.
Kami pa rin kaya hanggang ngayon?
Uubra pa rin kaya itong mga tula ko sa kanya.
Para bumalik sya at wag nang tumingin sa iba.Inisip ko kung san ako nagkulang.
Para naman sa susunod alam ko na.
Para alam ko na kung pano ba maging perfect para sa kanya.
Yung tipong hindi nya ako iiwan sa lugar na di ko manlang sya mahawakan.Inisip ko kapag magkita ba kami.
May spark bang mangyayari?
Yung maghahalikan kami at iikot na ang camera na parang sa teleserye.Iniisip ko, mahal pa rin ba nya ako?
O ako lang itong umaasang may happy ending pa tayo.