Blazing Ice: Three

0 0 0
                                    

"The thing I abhor about pain is that, it required tears and demands sufferings."


BLAZING ICE: Three

Jendi

Naglalakad kami ngayon ni Ice sa labas. Napadpad kami sa isang malawak na gate ng isang paaralan.

Sumilip kami sa loob mula sa may bakod, maraming estudyante doon. Nagkukwentuhan, magkakasamang naglalakad, nagtatawanan at kung anu-ano pa ang mga ginagawa nila. Nakaramdam ako ng lungkot. Ang saya siguro maging estudyante. Napabuntong hininga na lang ako. Kung bakit ba naman kasi bawal akong lumabas ng bahay eh.

Uwiian na siguro nila sa hapon kaya nagsilabasan na ang mga students ng eskwelahang 'to. May grupo ng kababaihang estudyante na paparating. Bahagya silang natigil nang makita kami hanggang sa bigla nalang nila kaming dinumog. Nagtititili sila at pinagkakaguluhan si Ice. May nagpapapicture, nagpapa autograph at may mga yumayakap pa sa kaniya.

Habang pinagkakaguluhan si Ice ay wala akong ibang magawa kundi tumayo sa gilid at sinusubukang sumilip sa kanila. Hindi ko na makita si Ice dahil napapalibutan na siya ng mga babae. Habang tumatagal kasi ay mas lalo pang dumarami ang nakikigulo sa kaniya. Akala siguro nila ay isang artista si Ice. Kawawang fiction guy. Mukhang bugbog-sarado siya ngayon.

Mabuti nalang ay may nagpitong guard at sinita ang mga babaeng estudyante kaya unti-unti narin silang nagsi-alisan.

Nakita kong paika-ikang naglakad palapit sakin si Ice, gulo-gulo ang buhok, pawis na pawis at dumudugo ang gilid ng labi. May gasgas pa siya sa may siko at namumula ang mga mata. Parang nahabag ang damdamin ko nang makita ko siya sa ganoong lagay.

Inalalayan naman siya ni manong guard. Dinala niya kami sa guard area at binigyan kami ng first aid kit.

"Kawawa ka naman tisoy, teka matanong ko nga, artista ka ba?" Tanong ni manong guard. Ginagamot ko ang gasgas ni Ice pati narin ang gilid ng labi niya.

"Hindi po." Simpling tugon ni Ice.

"Naku, mukha ka kasing artista eh. Kay gwapo-gwapong bata. Alam mo sa susunod magdisguise ka nang sa ganoo'y hindi ka mapagkamalan ng kababaihan."

"Opo."

"Girlfriend ka ba niya, Ining?" Bumaling sakin si manong guard habang nakangiti.

Umiling-iling ako. "Magkai-----

"Ouch!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang dumaing si Ice.

"Sorry, sorry!" Tarantang sabi ko. "Nadiinan ko ba masyado?"

"Ah, no no. It's fine."

"Kawawa ka naman. Sa susunod hindi na tayo pupunta sa lugar na maraming babae dahil baka mabugbog ka na naman." Pinunasan ko ang noo niya dahil pawis na pawis siya.

Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Ice. "Masakit ba tenga mo? Namumula oh." Sabi ko at hinawakan ko iyon.

Inilayo niya ang sarili niya sakin at mas lalo pang namula ang tenga niya. "No, hindi masakit ang tenga ko, mainit lang kasi."

Narinig kong tumawa si manong guard kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtataka ako dahil may mga luhang nangingilid sa mata niya. Ngayon ko lang din napansin ang walang sigla niyang mga mata. Para iyong walang buhay at puno lamang ng kalungkutan.

"Ngayon masasabi ko nang hindi imahinasyon ang lahat. Muntik ko na ring paniwalain ang sarili ko na walang katotohanan ang mga nangyari noon." Tumanaw siya sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Bumaling siyang muli samin at pinakatitigan ako. "Ining, balang araw huwag mong pagdududuhan ang sarili mo, lagi mong tatandaan ang masasayang alaala ngayon. Kahit 'yon lamang ang manatili sayo. Sana maging masaya ka parin pagdating ng araw kahit tanging mga alaala na lamang ang
maiiwan." Tumayo na siya at pinagbuksan kami ng pinto. "Dumidilim na, kailangan niyo nang umuwi. Ingat kayo mga bata." Ngumiti siya samin.

Blazing Ice (Snow In Summer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon